KINABUKASAN kasalukuyang nag luluto ng magiging almusal si Jessa, alas tres pa lamang ng madaling araw ay nagising na siya dahil hindi siya maka tulog dahil meron siyang hinahanap na hindi naman niya alam kung ano. Basta sigurado siyang wala sa kusina na iyon ang gusto niyang makita at maamoy. At dahil hindi siya maka tulog ay nilibang na lamang niya ang kaniyang sarili sa pag luluto. Nag luluto siya ng sardinas na nilagyan ng maraming cheese at kamatis. Ewan ba niya kung bakit natatakam siya sa ganung klaseng luto hindi niya alam kung matatawag paba niya iyong pagkain. Gayung maging siya ay hindi niya na explain kung ano na tawag ruon. Pero kahit ganuon ay takam na takam ang kaniyang sikmura, gutom na gutom siya sa amoy ng kaniyang niluluto. Habang abala sa pag luluto ay na

