HABANG patakbo si Jessa ay naka tutok naman ang dalawang kamay niyang may baril sa dereksyun kung nasaan ang kalaban. Nakita niyang nakiki pag laban na lamang si Pinky sa isanv malaking lalaki, malaki ang katawan nito, walanh armas ang dalawa. Kahit magaling maki pag laban ang kaibigan ay hindi niya alam kung matatalo ba ni Pinky ang lalaki lalo na't katulad niya ay kinulang rin sa tangkad ang kaibigan. Nanlaki na lamang ang kaniyang mga Mata nang mapa tingin siya sa binti ng babae. May tama ito ng baril, subalit mukhang hindi iyon iniinda ni Pinky dahil malakas parin itong nakiki pag palitan ng sipa at suntok sa lalaki. “Pinky!” tawag niya sa kaibigan, sabay hagis ng isang kutsilyo. Pasugod ang lalaki sa kaibigan, habang si Pinky naman ay paatras na nag tambling nang apat na beses ha

