HABANG NAG LALAKAD si Jessa sa kagubatan ay naka rinig siya ng iilang boses ng kalalakihan. Nag tatawanan ang mga ito at mukhang mga lasing pa ang iba sa mga ito. Ayun narin sa mga boses na naririnig niya. Yumuko at nag tago siya sa mataas na damuhan upang silipin ang kina roroonan ng mga boses. “Gatchaa!” mahina niyang sabi tsaka pinasadahan ng tingin ang lugar na iyon. At sa isang sulok ng kubo ay natanaw niya ang dalawang batang bihag ng mga lalaki. Napa tingin siya sa kaniyang orasan at nakita niyang mag a-alastress palamang ng hapon. Kaya naman napag pasyahan na lamang niyang hintayin ang Gabi dahil iyon ang mas magandang pag sugod sa mga kalaban. Akmang tatayo na sana siya subalit isang malamig na bagay ang dumampi sa kaniyang pisngi at hindi na niya kailangan hulaan iyon dahil si

