CHAPTER 13

1670 Words
KINA BUKASAN NASA TERRACE at nasa malalim na pag-iisip si Mr Jackson nang maka tanggap siya ng tawag mula sa hindi naka rehistrong numero sa kaniyang cellphone. Nag dadalawang isip pa siya kung sasagutin baniya ito. Ngunit naisip niyang baka si Moisa iyon. Kaya naman sinagot na niya ang tawag Hindi muna siya nag salita at hinintay niyang nasa kabilang linya muna ang mauna mag salita. “alam kung ikaw iyan Jackson! Magsalita ka” ani ng babaeng nasa linya. Napa pikit naman si Jackson nang marinig ang galit na boses ni Moisa sa kabilang linya. “bakit mo hinayaang maging Wanted ako! Punyeta, hindi puwedeng ako lang ang masisira. Ito ang tatandaan mo.. isasabay kita sa pag guho ko…ikaw ang pinuno ng Organization. Kaya hindi lang dapat ako ang nag durusa at nag hihirap ngayon” “Moisa! May safe house ako sa Zambales, hindi iyon alam ng asawa't mga anak ko…ako ang bahala sa'yo. Hindi ko hahayaang mahuli ka nila” pikit matang saad ni Mr Jackson tsaka napa hilot sa kaniyang sintido. “siguraduhin mulang...dahil alam mong hindi ako mag dadalawang isip na mag salita para masira Karin” may pag babantang saad ni Moisa sa kabilang linya. “Jackson…sinong kausap mo?” malamyos na tinig ang nag pagulat sa lalaki tsaka kamuntikan nang mabitawan ang hawak nitong aparato. Gulat itong lumingon at namumutlang humarap ito sa asawa. Kasama nito ang panganay nitong anak na si Jerick... Lihim niya ring pinatay ang tawag at ini off iyon upang hindi maka tawag ulit si Moisa. “Joselyn.…ah …ah si—si Pablo Santiban ang kausap ko, tumawag siya para imbitahan tayo sa anniversary party nila ni Paulyn sa makalawa” hindi maka tinging tugon ni Jackson sa asawa. “alam kona 'yan, diba ako rin ang nag sabi sayo tungkol d'yan?” kuno't-nuong saad ni Joselyn. “sinabi moba?…hmmm siguro tumawag lang siya para ipa alala 'yun. Huwag daw tayung mawala sa party” ani ni Jackson at mapait na ngumiti. Na animoy kinukumbinsi talaga ang asawa na maniwala. Tumango na lamang and ginang tsaka nag paalalay na sa panganay na anak. “hmm sige, bumaba ka narin, naka handa na ang dinner…nasa ibaba narin sila Sonia at ng kapatid mo sa ibaba” saad ni Joselyn, tukoy nito sa mag asawang Sandoval na mga magulang ni Sebastian ang matalik na pinsan at kaibigan ni Jego. “sila lang ba? Hindi ba nila kasama si Seb?” ani ni Jackson habang naka kunot-nuo “yes, kaya huwag kanang mag tagal d'yan…mauuna na kami sa sala” tugon butihing asawa. Samantala sa kabilang dako naman ay kasalukuyang nag tipon tipon ang mag kakaibigan, sa bahay na pag mamay-ari ni Devin. Si Vanessa ang nag patawag sa kanilang lahat. Kasama nito ang asawang si Sebastian At dahil nag kataong nasa bahay sila ni Devin at napa nuod ang nangyare maging ang inulat ng informant nito. Kaya naman sinabi nitong duon na lamang mag tungo ang mga kaibigan. dahil sa nabalitaan ng mga ito ang tungkol sa darksilver na nirade nina Jessa maging ang tungkol sa taong hindi nila inaakalang magiging kalaban pala nila. “bakit hindi mo sinabi saamin? Bakit mo pinain ang sarili mo…alam mong delikado iyon?” ani ni Jego Naka upo silang lahat sa pabilog na lamesa. ang walong lalaking mag kakaibigan habang sina Jessa at Devin lamang ang babae ruon. Dahil hindi paman nag uumpisa ang pag uusap nila ay bigla itong tinawagan ng Triplets nitong mga anak. Kaya walang nagawa si Vanessa kundi ang mag paalam muna sa mga kaibigan. Dahil naruon naman ang asawa nitong si Sebastian “trabaho naming mga agent 'yun. tsaka saakin naka assign ang Darksilver.May mga kasama rin naman ako” kunot nuong paliwanag ni Jessa “pero kahit na Jessa. Mga kaibigan mo kami, kahit trabaho mopa iyan. Karapatan parin namin malaman iyon lalo na't parte ng Apollo na puksain dito sa bansa ang mga eligal na palakad dito sa bansa. ” saad ni Romuel “at karapatan ng Apollo, na ipag bigay alam saamin ang tungkol sa darksilver. Pero nilihim moyun saakin” ani ni Kiel “parte Karin ng grupong 'to Jessa…marami na tayung pinag daanan na laban. At mag kakasama tayung lahat sumusugod at nag paplano” ani naman ni Fego “kamuntikan ng sumugod si Vanessa, matapos namin matanggap ang tawag ng informant niya tungkol sayo” ani naman ni Devin. Habang ngumu-nguya ng bubblegum “mabuti nalang at napigilan kopa, kundi susugod rin 'yun mag isa” ani naman ni Sebastian “mas pinili mopa ang tatlong mokong ni Kuya Paul. Kaisa saamin na puwede mo naman tawagan kahit anong oras.” ani ni Paulo. “natapos na iyon mga Brad…pero sana Jessa nextime huwag mong solohin ang delikadong misyon. Nandito kami” ani naman ni Mike “Oo na, Pardon guys…ayaw kulang kayong maabala…alam Kong may kaniya-kaniya rin kayong mga trabaho at pinag kakaabalahan. tsaka mas marami pang kaso at problema kayung nilulutas. Kumpara saakin na napaka liit lang iyon na misyon at tsaka hindi rin ako nag iisa. Kasama ko si Pinky at maraming salamat sa concern niyong lahat” mahabang saad ni Jessa sa mga kasama. “haayst maliit ka diyan! Maliit bayun? Kamuntikan ka ng magahasa at nasampal kapa ng g*gung doctor na'yun” ani ni Jego. Lihim namang kinagat ni Jessa ang kaniyang dila. Dahil sa kaniyang naiisip 'haaayst bakit koba naka limutan e off ang Monitoring device ko' ani ng kalooban ni Jessa. Ang monitoring device na tanging mga Apollo lamang at parte ng pamilya ang meron niyon. Maging ang mga asawa at mga anak ay meron ring Monitoring Device. Lahat ng miyembro ng Santiban, Salvi at Apollo family group ay may ganuong Monitoring Device .lahat ng pasok sa Mafia World ay may ganuon upang konektado ng lahat ang bawat isa. “Don't worry Kapre , sumalangit na ang malanding kaluluwa nun. Naubos nayun ng mga anak at mga apo ni Croki. Kaya kalma Kapre ang pangit mopa naman magalit” ani ni Jessa at tinaasan nito ng kilay si Jego. “so ano ng ganap kay Moisa?” pag iiba ni Paulo sa usapan. Dahil palagay nito ay nag uumpisa na naman ang dalawang aso't-pusa. “kasalukuyan parin siyang pinag hahanap ng mga tauhan ko” sagot ni Jego at binalingan nito si Paulo “naka kalat na sa lahat ang mukha niya at pangalan. Hindi narin siya makaka labas ng bansa. Maliban nalang kung may private Jet siyang gagamitin.” sagot naman ni Jessa. “Jego, ang mga magulang mo ang nag palaki kay Moisa at malapit sila ni Tito Jackson. Satingin mo matutulungan tayo ni Tito para madali natin matunton si Moisa?” ani ni Sebastian habang nilalaro nito ang hawak na ballpen. “I don't know”kibit balikat na tugon ni Jego sa kabigan “baka may mga properties pa siyang naka tago na hindi natin alam. Lahat lahat ng meron sa kaniya na alam natin ay hawak nayun ng Apollo. Satingin mo Jego. Satingin mo saan puwede mag tago si Moisa gayung close at hawak ng apollo lahat ng meron sa kaniya” ani ni Devin. “mahihirapan tayung hanapin kung may isang taong malakas at ma emplowensyang taong tumutulong sa kaniya... isipin niyo guys, kung walang tumutulong sa kaniya. Paniguradong wala pang twenty four hours ay hawak na natin siya ngayon..” ani naman ni Kiel “yeah, may tama si Kiel..paniguradong may tumutulong sa kaniya at iyon ang kailangan nating alamin” kumbinsidong saad naman ni Fego ,tumango naman ang lahat maliban na lamang kay Jego Dahil kung tama ang mga kaibigan niya ay Malakas ang kutob niyang marahil ay may kinalaman ang Daddy niya kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin nila hawak si Moisa. Hindi na niya nabanggit sa mga kaibigan ang tungkol sa babae maging sa kaniyang ama. Dahil nakaka ramdam siya ng hiya. Kaya nilihim na lamang niya sa mga kaibigan ang kaniyang dinadala sa loob niya. Matapos ang pag uusap ng mag kakaibigan ay napag pasyahan ni Jego na mag tungo sa Bar na pag mamay-ari ni Mike. Gusto muna niyang mag paka lasing sa gabing iyon. Gusto niyang maka limutan kahit saglit ang kinikimkim niyang hinanakit sa kaniyang ama. Kasalukuyan ng nasa bar si Jego kasama ang tatlong kaibigan na sina Mike at Kiel. Palagay niya ay pinakikisamahan lamang siya ng mga ito dahil hindi man lang umiinom ang mga ito at tanging siya lamang ang kanina pa umiinom “Jego…Hoy brad, parang ang lalim ng hugot mo sa buhay ah aba't ang dami mo ng naubos ah” ani ni Mike “haaayst kunwari kapang concern, eh ayaw mulang mapa dami ako ng inom.…dahil alam mong hindi ako nag babayad. Hahahaha diba tama ako Brad?” naka ngising saad ni Jego at nag patuloy ito sa pag inom. “tsss D*mn huwag kang mag kakalat dito…at oo natatakot na akong malugi itong club ko. Kasi lahat kayong umiinom dito, walang nag babayad. Haayts porket kaibigan niyoko pinopordoy niyo naman ang negosyo Kong mga hinayupak kayo” ani ni Mike. Kaya naman natawa na lamang si Kiel “mga loko-loko…sige mag totalan nalang kaya tayo dito.” natatawang saad ni Kiel at naki inom narin ng alak.. Nakaka rami na ng inom si Jego, ganun rin si Mike kaya naman napapailing na lamang si Kiel na siyang konti lamang ang nainom. “Haaayst ang hihina” ani ni Kiel tsaka tumayo na upang alalayan si Mike. “op–op–op! Paano iyang isa…iiwan ba natin iyan?” lasing na sabi ni Mike tsaka tinuro nito si Jego na naka yuko na ang ulo nito. Mukhang bagsak na bagsak na talaga ito. “tsssk, tatawagan korin si Sebastian or Jessa, para masundo nila ang mokong na iyan. Pero ikaw ihahatid muna kita sa itaas. Dahil baka gulpihin ako ni Cindy kapag nalaman niyang hinayaan kita dito sa ibaba't pag piyestahan pa kayo ng mga bebot” ani ni Kiel tsaka napa ngisi. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD