CHAPTER 14

2573 Words
ABALA sa pag lilibang si Jessa kasama ang mga anak ni Vanessa maging ang kaniyang pamangkin ay naruon narin. Gabi na at e enjoy si Jessa sa pakiki pag laro sa mga inaanak at pamangkin niya at hindi na niya naramdaman ang pag pasok ni Vanessa sa playing room ng mga bata. “Jess, puwede bang maki suyo muna?” ani ni Vanessa nang maka lapit ito. Napa angat naman siya ng tingin at inalis ang suot niyang tiger maskara. “ano 'yun ate Vani?” “tumawag kasi si Kiel, gustong ipa sundo si Jego nasa Resto Bar siya ni Mike.. Lasing na lasing daw, si Seb sana ang pupunta kaso ayaw siyang hiwalayan ni Rafaela. Kaya puwede bang ikaw nalang” saad nito “haayst hayaan nayun dun, wala naman gagahasa dun” saad ni Jessa tsaka nalukot ang kaniyang mukha at napa nguso sa isiping. Lalapitan ng ibang babae si Jego at malamang ay pag sasamantalan pa ng mga ito ang lasing na lalaki 'Haaayst bakit kaba nag aalala sa mokong na iyon.. Kaya na nun ang sarili niya. Remember kapre 'yun kaya kayang kaya nun ang sarili niya.' Ani ng masungit niyang kabilang isip. 'Nako sige ka, ikaw rin…paano kung nakawan ng kiss 'yung si Jego. Guwapo at matcho panaman. At ulalam nako…maraming malanding mag papantasya dun. Kaya gora na girl, huwag mong hayaan may lumandi sa kapre mo' ani naman ng maharot niyang isip. “Jess, ano makaka punta kaba? Kasi kung ayaw mi naman mga tauhan nalang kukuha— “ay hindi…hindi ate Vani, ako na ang pupunta. Kukunin kulang ang Susi ng motor ko at Sumbrero ko. Aalis na ako” mabilis niyang saad upang hindi matuloy ni Vanessa ang iba pa nitong sasabihin. Naka kulay itim na maong na short lamang siya na hanggang sa gitnang hita. Habang naka sando lamang siya ng kulay itim, naka taking pa iyon sa kaniyang short. Pinatungan rin ng kulay itim na Leather jacket, nag suot rin siya ng kulay itim na sapatos maging ang kaniyang sumbrero ay kulay itim rin na may naka tatak na 88 . Nang matapos sa pag aayos ay nilay naman niya sa kaniyang likuran ang kalibre 45 na baril. Maging ang small gun sa tagiliran niya. Nag lagay rin siya sa gilid ng kaniyang paa ng small weapon. Pang handa lamang kung sakaling may panganib. Isa siyang Police at NBI agent kaya dapat ay palaging handa. At talagang magagamit niya iyon sa gabing iyon. Kung sakaling makita niyang may ibang babaeng lumilingkis kay Jego. 'Naku selos ka naman …ayaw molang aminin eh...ayaw mong may ibang babaeng humahawak kay Jego. Gusto mo ikaw lang at sayo lang siya' mapanuksong saad ng kaniyang malanding isip. “nako! Hindi no....Ako mag seselos? tsssk kanino naman... Duh hinding hindi ako mag seselos at kahit dumugin pa siya ng maraming babae, wala akong pakelam” saad niya. Na parang tangang kinakausap niya ang kaniyang sarili. 'Asusss, kunwari kapa…iniisip mo palang ngang may ibang babaeng lilingkis sa Kapre mo, nang gagalaiti kana sa selos at kung maka pag dala ka ng armas, para kang susugod sa malaking laban' saad naman ng maldita niyang isip. As usual…madilim at tanging nakaka hilong pinag halong red, blue at green na ilaw lamang ang nag sisilbing ilaw sa magulong lugar na iyon at sabayan pa ng napaka ingay at nakaka binging malakas na disco sound ng Dj. Nag sasayawang ang mga Tao at lahat ruon ay may kaniya-kaniyang aliyuwan. Ang iba ay sumasayaw at halatang mga lasing na ang iba. Ang iba naman ay nasa table ng mga ito nag iinuman, nag kakatuwaan at ang iba naman ay halatang mga seryoso lamang at akala mo'y pasan na ng mga ito ang daigdig. Dahil ang iba ruon ay umiiyak habang inaaliyu ng kasama. Habang sa may kadiliman na lugar naman ay hindi gaanong na aabot ng disco light. Kitang-kita rin niya ang ibang mga Tao ruon na nag hahalikan at halos mag hubaran na ang mga ito. Napapailing na lamang siya sa kaniyang nakikita. Dati ay gulat na gulat ang kaniyang inosenteng isip. Nung unang beses siyang maka pasok sa ganuong lugar. Pero ngayon ay nasasanay na siyang maka kita ng mga ganuon. Hinahanap nang kaniyang mata kung nasaan si Jego. Tinungo niya kung saan madalas maupo ang mga mag kakaibigang Apollo. At hindi nga siya nag kamali dahil naruon nga ang kaniyang hinahanap. Subalit ganuon na lamang ang pag tiim bagang niya nang makitang napapaligiran ng apat na nag se-sexyhang mga babae si Jego. Puro maliliit, maiiksi at masisikip ang mga suot ng mga ito Nag tatagis ang kaniyang bagang, naka kuyom ang kaniyang mga kamao habang nanlilisik ang mga Mata nitong naka tingin sa apat na babae. Malalaki ang bawat hakbang niya at lahat ng nakaka salubong niyang hindi niya napapansin at nakikita ay nababangga niya “ano ba? Ba't hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!?” ani ng isang babaeng nabangga ni Jessa, subalit Hindi na lamang niya ito pinansin bagkus ay nag patuloy lamang sa pag lakad patungo kung nasaan ang lalaki. “hooy mga haliparut na linta! Layuan niyo nga iyang kapre nayan” seryosong saad ni Jessa nang huminto na siya sa harapan at malapit sa lalaking mukhang lasing na lasing. Naka taas naman ang kabilang kilay ng apat na babae ng humarap ang mga ito kay Jessa “and who are you? ”mataray na sabi ng isang babae, halos naka hubad na ang mga ito. Kaya lihim na nag ngit-ngit si Jessa sa isiping nadadampihan ng balat ng mga ito ang lalaki. “tsss, baka ito gusto mong kilalanin?” walang emosyong tugon ni Jessa tsaka nilabas ang kaniyang baril mul sa kaniyang likuran. Oo nga't bawal pumasok ang ganuong kasuotang katulad ng suot niya, lalo na kung may suot na sumbrero. At Malaya siyang nakaka pasok sa bar na iyon kahit may dala pa siyang baril. Dahil kilala na siya ng mga bouncer at mga bantay ruon.. Nagulat naman ang babaeng tinutukan niya ng baril, habang ang mga kasama nito ay napa singhap sa gulat at takot. Pagka tapos ay napa tili ang tatlong babae at dali-daling umalis sa harapan ni Jessa. Habang ang isang babaeng tinutukan ng baril ay putlang putla na ito. “ngayon tanungin mopa ulit kung sino ako…o kaya'y gusto mong kilalanin si Santanas” saad ni Jessa pagka tapos ay diniin niya ang dulo ng baril sa nuo ng babae. Dahil sa sobrang takot ay bigla na lamang hinimatay ang babae. At natumba na lamang iyon sa harapan ni Jessa. “tssss, hoooy! Kapre tumayo kana d'yan at e uuwi na kita”Saad niya tsaka sinipa ng mahina ang paa ng lalaking lasing na lasing. Umungol lamang ito at papungay pungay na tumingin sa babaeng kaharap “ay ang gandang duwende naman itong nasa harapan ko” lasing na sabi ni Jego…namumula ang basang labi nito. Habang namumungay ang mga Mata nitong naka tingin sa babaeng naka itim lahat ng suot. “haayst napaka siga mo talaga Duwende.. Pero kahit tomboy ka, napaka sexy mo parin sa paningin ko. At mas lalo kang gumaganda sa paningin ko. Satwing umuusok na iyang ilong mo dahil sa galit…halika nga dito pakiss nga ako” mahabang saad ulit ni Jego at itinaas pa ang kaliwang kamay nito upang senyasan ang babae upang lumapit. Subalit nanatili lamang na naka tayo si Jessa habang naka tingin sa lalaki. Imbis na magalit o mainis si Jessa dahil sa pinag sasabi ng lalaki. Ngunit hindi niya magawa dahil nababasa at nakikita niya sa mga Mata at itsura ng lalaki na may problema itong dinadala. At alam niyang hindi lang simpleng problema iyon. Dahil hindi mag kakaganuon si Jego kung wala itong matinding problema. Oo nga't sanay na siyang nakikitang nag lalasing si Jego, subalit hindi sa ganuong pag kakataon. Dahil napaka lungkot ng mga Mata ng lalaking kaharap, kahit hindi nito sabihin ay nababasa naman iyon sa kilos at mga Mata ng lalaki. Humakbang siya ng apat apat na beses palapit sa lalaki. Hanggang sa maabot siya nito, kinuha nito ang kaniyang kamay pagka tapos ay ikinulong iyon sa dalawang palad nito. “ayun…naabot narin kita…hehehe ang ganda ganda mo talaga kapag naka simangot Duwende” saad ni Jego pagka tapos ay gigil nitong pinisil ang pisngi ni Jessa “lasing kana talaga, tumayo kana diyan…at huwag kang mag pabigat dahil hindi kita kakayanin” ani ni Jessa pagka tapos ay binawi niya ang kaniyang kamay sa palad ng lalaki. Pagka tapos ay kinuha niya ang kanang kamay ni Jego at inilagay iyon sa balikat ng babae. Upang alalayan ang napaka tangkad na binata. “Ms Jessa tulungan kana po namin, kami na ang mag dadala kay Boss Jego sa sasakyan” ani ng isang tauhan ni Mike. Nang makita nito si Jessa na hirap na hirap sa pag alalay sa lalaking matangkad at lasing na lasing. “ooopps! No…no…no…no…no …g*go don't touch me, kaya na ako ng future misis ko, diba duwende?” ani ni Jego habang napapa pikit na ito ng mata. Pinipilit lamang nitong mag mulat upang makita ang lalaking lumapit. Nang makilala ang tauhan ni Mike ay bumaling na ito kay Jessa at hinigpitan ang pag hakbay niya dito. Dahilan upang mapa ngiwi si Jessa dahil mas lalo itong nabigatan sa lalaki. “sige ako nang bahala dito” saad ni Jessa sa tauhan tsaka lihim na kinurot sa tagiliran si Jego “huwag mong ipabigat ang katawan mo Kapre! Baka matumba tayo. Ang bigat bigat mong alalayan.. Umayos ka kung ayaw mong sabunutan ko ang balbas mo at hilain kita palabas ng Bar na'to” mahina subalit naiinis na sabi ni Jessa sa lalaki. Sapat lang upang si Jego lamang ang maka rinig. Halata namang natakot ang lalaki dahil hindi ito nag pahirap kay Jessa. Hanggang sa maisakay ito ni Jessa sa kotse nito. Nang matapos maipasok ni Jessa ang lalaki ay naka hinga siya ng maluwang at mahabang buntong hininga ang kaniyang napakawalan. “haaayst, punyemas…napaka bigat ng kapre ah, biglang sumakit ang balikat kodun ah.” mahinang saad ni Jessa pagka tapos ay hinawakan niya ang magka bilang braso upang masahiin iyon. Bumilang muna ng sampung Segundo si Jessa pagka tapos ay tumigil na siya sa kaniyang ginagawa at pumasok na siya sa kotse nang lalaki. Siya na ang nag maneho niyon at hinabilin na lamang niya sa mga tauhan ni Mike ang kaniyang Motorbike “Magandang Duwende? Bakit ikaw ang nag mamaneho ng kotse ko? Haaayst ako ang lalaki dapat ako ang nag–nag mamaneho” naka pikit na sabi ni Jego. “matulog ka nalang d'yan at huwag ka nang madaldal. Kalalaki mong tao…ang daldal mo” tugon ni Jessa at hindi na binalingan ang lalaki. “oowm ba't ako matutulog? Hindi ako makaka tulog, mas lalo ito nagigising satwing kasama kita. Mas lalo ako nabubuhayan kapag katabi kita Duwende. Haayst bakit kinulang ka sa Height? Siguro mahilig manuod ng snow White si Aling Pising nung pinag bubuntis kapa niya— “hindi kaba talaga titigil kapre ka!?” napipikon nang sabi ni Jessa at malakas na tinapakan ang preno ng sasakyan. Dahilan upang magulat at kamuntikan ng mahampas sa harapan ang ulo ni Jego. Mabuti na lamang may suot itong seat belt. Kaya hindi ito ngumud-ngod sa harapan. “sh*t balak mo atang mag pakamatay Duwende!” gulat na sabi ni Jego at para itong nahimasmasan. Dahil sa ginawa ng babae. “tumugil kana kase! Naiirita na ako Kapre… kung ayaw mong iwan kita sa napaka dilim na lugar na ito. Manahimik ka!” saad ni Jessa pagka tapos ay pinatay nito ang ilaw ng sasakyan. Kaya naman kitang kita ang napaka dilim Doon lamang napansin ni Jessa na nasa napaka dilim na lugar pala sila napadpad. Walang bahay at wala silang nakikitang kahit na anong ilaw ng bahay o kaya'y posted.. Dahil tanging nag tataasang mga puno lamang ang kaniyang nakikita. Mukhang wala rin gaanong nakaka daan na sasakyan ruon. Dahil kanina pa nag mamaneho si Jessa ay wala pa siyang nakaka salubong o kaya'y napansin na sasakyan na dumaraan sa lugar na iyon. “okey fine, tatahimik na… tsssk may regla ata… ang sungit” ani ni Jego at pabulong ang sinabi nito sa huling binanggit nito “ay Duwende…nireregla rin pala ang mga Tomboy? Hahaha…Ay bad naka limutan Kong Babae kaparin pala” natatawang saad ulit ni Jego. “Nakooo! Kapre manahimik ka…namumuro kana talaga saaking Kapre ka!” gigil na sabi ni Jessa at pinag kukurot ang tagiliran ng lalaki.. “nako…nako nasa madilim na lugar tayo tomboy…baka mag silabasan ang mga kapre at duwende niyan. Naku! Wala pa tayong baby, ayaw Kong mamatay tayung hindi pa nakakagawa ng minimi natin..” ani ni Jego at pilit iniilagan ang kurot ng babae. “anong baby pinag sasabi mo d'yan…may Pa Minimi kapang nalalaman ha. Eh kung iwan kaya kita dito” saad ni Jessa at hinila ang kamay ng lalaki at dinala ito sa gitna ng sementadong kalsada. Ang kaninang pagka lasing ni Jego ay biglaang nawala at para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang mapansing napaka dilim, sobrang dilim ng lugar na iyon. Walang kahit na anong ilaw na makikita ruon. Tanging nag liliparang alitaptap lamang ang kaniyang nakikita. “Oh ba't nangi-nginig ang kamay mo?“ani ni Jessa nang maramdaman na nanlalamig ang kamay ng lalaking hawak niya at ramdam na ramdam na pinag papawisan rin iyon. “Je–Jessa, nag bibiro lang ako sa mga sinabi ko kanina lang…a– I'm joking…pu–pwede bang bumalik na tayo sa loob ng kotse?” nauutal na ani ni Jego. Palagay niyang pinag papawisan na siya. Kaya hindi rin iyon naka takas kay Jessa. Dahil hinawakan nito ang braso ng lalaki “anong pinag sa sasabi mo? At bakit naman?” saad ni Jessa at ngumiti nang napaka lapad. Gusto niyang bumunghalit ng tawa. Dahil sa kaniyang nadiskubreng side ni Jego Sandoval. Ang isa sa Otso Apollo, ang pinaka matangkad, babaero, mainitin ang ulo, at matapang rin sa grupo at magaling maki pag laban ay sinong mag aakalang matakutin pala ito sa madilim lalo na sa multo. Ngiting-ngiti si Jessa at Malaya niyang nagagawa iyon dahil alam niyang hindi naman siya makikita ng lalaki dahil napaka dilim ruon “nangi-nginig at pinag papawisan ka Kapre— “hey! Huwag mong banggitin iyan!” mabilis na sabi ni Jego nang mabanggit ni Jessa ang salitang kapre “oh bakit na naman, ano na naman ang hindi ko puwedeng sabihin?” pigil ang pag ngiting saad ni Jessa “di–diba sabi nila pag maraming alitaptap, may ka–kapre daw” nauutal subalit pinahinaan ni Jego ang huli nitong sinabi. “Oo meron nga, sa totoo nga niyang ay kanina kopa nakikita ang kapre…ayuuun oh!” ani ni Jessa dahilan upang mapa lapit ng mabilis si Jego sa babae. Napa yakap ito kay Jessa habang naka pikit ang mga Mata nito “gunggong! Anak ka ng tinapa Jego…seriously matatakutin ka pala…hahahaha gagi, hahaha by the way hindi pala Kapre iyun. Mali ang sinabi mo…may Tikbalang daw kapag maraming alitaptap” natatawang saad ni Jessa. “so totoo nga ang kwento saakin ng yaya ko nuon? Damn! I can't believe it…true pala iyung mga sinasabi ng nakaka tanda” mahinang saad ni Jego at napa hilot ito sa nuo nito. //Continue Haay nako ewan ko sayo Jego ??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD