“Ano ba, Ancel!” Pinilit kong alisin ang kamay ni Ancel na nakatakip sa bibig ko. Pero pinandilatan niya ako. Napapatitig na lang ako sa tense niyang pagmumukha habang nakatingin naman siya sa pinto. “ ‘Wag kang maingay…” Tumayo siya matapos sabihin ‘yon at lumapit sa pinto. Diniin niya ang tainga roon, at nang wala na siyang marinig sa labas ay bumalik siya sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung ano ang pakay niya at pumasok siya sa kwarto ko. O baka, tinamaan ang ego niya dahil sa hindi ko pagpansin sa kanya kanina. Humiga ulit ako at tinalikuran siya. “Lumabas ka na, Sir Wyn,” malamig kong sabi. “Aya…” ramdam ko ang pag-upo niya sa kama. Rinig ko rin ang buntong-hininga niya kasabay at paghawak niya sa balikat ko, pero agad kong tinampal. “Aya, tara na, bago pa nila tayo mah

