“Cahaya, mabuti naman at lumabas ka na rin sa wakas. Halika, sumabay ka na sa amin kumain," anyaya pa ni Angie sa akin nang datnan ko sila na kumakain. “Wala ang demonyo; mga tauhan niya lang ang nandito, kaya pwede kang sumabay sa amin.” Hinawakan ni Angie ang kamay ko at hihilahin na niya sana papunta sa lamesa. Pero nagmatigas ako, sabay ang paulit-ulit na pag-iling. "Angie, hindi ako gutom. Kukuha lang ako ng tubig.” Binawi ko ang kamay ko at matamlay na pumunta sa may fridge. Rinig ko naman ang pagbuga ng hangin ni Angie. “Cahaya naman, kumain ka naman kahit konti. Porke’t ba na ligtas ka sa ginawa mong paglaslas sa pulso mo ay papatayin mo naman ang sarili mo sa gutom?” Natiim ko sandali ang mga mata ko. Oo, sinubukan kong kitilin ang sariling buhay matapos ang pag-uusap nami

