“Ay naku, Olga, hindi na nakapagtataka kung pati anak mo ay mabaliw sa lalaking ‘yan. Kita mo naman, mukha at katawan palang, siguradong pagkakaguluhan na ng mga babae,” umiismid na sabi ng kaibigan ni Manang Olga. “At saka, anong masama kung mabaliw man si Telay sa kanya. Binata naman si Ancel at nasa tamang edad na sila pareho.” Bumilog ang mga mata ni Ancel habang ako, nanliit at gusto siyang kurutin. “Oo nga naman, Olga. Hindi naman siguro, tututol si Aya, sakaling magkamabutihan ang tiyuhin niya at si Telay,” dagdag sabi ng isang kaibigan ni Manang Olga na medyo ikinainis ko. Hindi lang pala medyo ang inis ko. Inis na inis pala ako. Ramdam ko kasi ang pag-akyat ng dugo ko sa ulo ko. Nag-init bigla ang bumbunan ko. “Anong hindi tututol?” gigil at pabulong kong sabi. “Maghunos d

