Chapter 41

883 Words
SADYANG hinintay ni Amere ang pagbaba ni Opah sa kotse nito. Nang sa wakas ay dumating ang dalaga ay agad din siyang umibis mula sa sarili niyang sasakyan. Nakita naman siya ni Opah at mabilis itong nagpalinga-linga sa kabuuan ng parking area habang papalapit siya. “What are you doing?” tanong sa kaniya ng dalaga habang naglilikot ang mga mata. “Are you trying to avoid me? We need to talk.” Mabilis na lumakad si Opah at agad naman siyang umagapay dito. “Hindi ba at malinaw naman sa atin ang lahat. Kailangan nating maging maingat. Hindi maaaring mapuna ng iba ang namamagitan sa ating dalawa.” “Exactly!” aniya sa mahina ngunit gigil na paraan. “May namamagitan nga sa ating dalawa, pero bakit parang lumalayo ka? Bakit hindi na kita maramdaman?” Nagmadali sa paglalakad si Opah patungo sa elevator, pero hinablot niya ang siko nito. Marahas itong lumingon sa kaniya at inalis ang kamay niyang nakahawak dito. “Amere, please! Naguguluhan ako. Hindi ko na alam ang mga nangyayari. I’ve never been myself since we’re back from Iligan. I know it wasn’t you, but I just want to be alone, okay.” Napailing-iling siya habang nakatingin rito. “Kahit sina Becka at Chiqui ay hindi ko na rin naman masyadong nakakausap. Like what I just said, I need some time alone. Gusto ko lang aralin ang mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid. Sobrang bilis, hindi na ako halos makasabay! All these things have happened in just a span of one week!” Tila maiiyak ang dalaga kaya naman hindi na niya ito tinangkang hawakan. Nangibabaw ang pagmamahal niya sa nobya at awa sa pinagdaraaanan nito. Sa bagay, kung wala siyang kakaibang abilidad, siguro ay hindi rin niya kakayanin ang mga pangyayari. Mas mabilis nga siyang naka-cope up kaysa dito dahil sa kadahilanang iyon. He was supposed to understand her at this point in time. He should be the first person to feel what she has been going through. “I’m sorry,” pagkuwa’y sabi niya rito. “I was just trying to call you to...to let you know about my decision.” Muling luminga si Opah sa paligid at nang matiyak na walang ibang tao sa parking area ay muli itong bumaling sa kaniya. “It’s a no for me, Amere. Natatakot ako. I feel like we’ll just be compromised if we do what they want, pero bakit pakiramdam ko, either way ay may banta sa buhay nating lahat? Hindi ko na alam kung saan tayo susuling.” “Calm down, please,” sabi niya sa dalaga. “I feel the same way, okay. Pero kailangan nating maging kalmado para mapagplanuhan natin ang dapat gawin.” Umiling-iling si Opah na tila litong-lito, kaya hinawakan niya ang mga kamay nito. “Huwag kang matakot. Narito lang ako para sa iyo. Let’s talk to Perry together. Tanggihan natin ang pinagagawa nila at kunin natin ang bakasyon. Come with me somewhere else; pag-usapan natin.” “No. Take the opportunity, Amere,” mabilis nitong sabi sabay bitiw sa kaniya. “Alam kong pangarap mo ito. It’s never good to base your decisions on emotions. Don’t worry about me because I can always take care of myself, okay. I’ll talk to Boss Perry alone to give my decision, then talk to him, afterwards, with yours.” Umangat ang kamay nito at humaplos sa pisngi niya. “I love you, Amere, and I will always be here for you, but this time, we need to go separate ways. I’ll see you next year, okay.” Iyon lang at mabilis na siya nitong tinalikuran upang tunguhin ang kinaroroonan ng elevator. Gusto sana niya itong sundan pero sumenyas ito at pinahihinto siya. Nanatili siya sa kinaroroonan at nakontento na lang na tingnan ang papalayong dalaga. WALA na sa paningin niya si Opah pero hindi pa rin niya mapaniwalaan ang mga sinabi nito. Ilang saglit na ay nakatayo pa rin siya sa gitna ng parking area habang nakatitig sa kawalan. Natauhan lang siya nang marinig ang pagtunog ng cellphone na nasa kaniyang bulsa. Kinuha niya iyon at tiningnan ang screen. It was Red. He took the call and greeted his friend. “Listen up, bro, I heard that you will be part of the team anytime soon. I just want to remind you that not everyone here is a friend, okay.” Kumunot ang noo ni Amere sa sinabi nito. Agad na pumasok sa isip niya ang napag-usapan noong meeting nila with Perry White. “Are you talking about Hyperbola, bro?” “Eych, Pare. We used to call that Eych.” “Wow!” aniya. Kaya pala laging pumapasok sa isip niya nang mga nagdaang araw ang kaibigan ay dahil parte pala ito ng Eych at nakatakda niya itong makasama kung tutuloy siya sa proyektong iyon. “You haven’t mentioned anything about it, bro. Pero hindi ba at sabi mo, aliens ang current project mo? Were you serious about that?” “My place tonight, Pare. We seriously need to talk,” anito bago ibinaba ang tawag nang walang pasa-pasabi. Sa loob lang ng ilang minuto ay dalawang tao na ang nang-iwan sa kaniya sa ere, and both are because of the project Eych. Wala sa loob na napailing na lang siya habang napapangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD