Chapter 42

1720 Words
NAKATAPOS nang maghapunan si Amere at naghahanda na sana siya sa pagpunta sa kapitbahay na si Red nang marinig ang pagbusina ng sasakyan mula sa labas ng bahay. Lumapit siya sa bintana ng silid at dumungaw roon. Nakita niya ang amang si Lucio na umibis pababa ng kotse nito. Mabilis niyang tinungo ang pinto at binuksan iyon. Sakto namang naglalakad sa pasilyo ang step mom niyang si Merylle. “Where are you going?” tanong nito sa kaniya, habang ang isang kilay ay bahagyang nakaalsa. “Diyan lang sa kabilang block,” sagot naman niya rito. She didn’t know Red anyway. “I forgot to tell you that your father is coming home tonight. We shoud eat together.” “Sorry, pero tapos na akong kumain. Someone is waiting for me.” Nilampasan na niya ito pero bago pa man siya makarating ng hagdan ay muli nitong tinawag ang pangalan niya. “You know your father so well, Amere. Kung ako sa iyo ay hindi na ako aalis ngayong gabi. Mukhang mainit pa naman ang ulo ng daddy mo.” Pagkasabi nito ng mga salitang iyon ay agad na itong pumasok sa sarili nitong silid, ilang metro ang layo sa silid niya. Inis na itinuloy niya ang pagbaba sa hagdan. Palabas na sana siya sa pinto ng bahay nang makasalubong ang ama. Mukhang pagod ito at wala sa mood base sa seryosong pagkakatingin nito sa kaniya. “Going out this late?” tanong nito. Sa halip na batiin siya matapos ang ilang buwan na hindi nila pagkikita ay mas pinili nitong sabihin ang mga salitang iyon sa paraang tila siya bata na kailangang sitahin. “Hi, Dad!” kaswal niyang bati rito. “Sorry but I need to meet my friend outside. Hindi ko alam na darating kayo at nakakompromiso na ako.” “Is it that important? We need to talk about something more important, Amerito.” Pumasok na ito sa loob ng kabahayan at tila pinal na ang desisyon nitong huwag siyang paalisin. Kapag ganoong buong pangalan na ang tawag nito sa kaniya ay hindi na niya ito magagawang suwayin. Walang siyang nagawa kung hindi ang bumalik sa loob. “Saning, maghanda ka ng hapunan at kakain kaming mag-ama,” baling nito sa katiwalang sumalubong rito upang kunin ang mga dala nitong attache case at bag. “Kumain na siya, Sir,” sagot ni Saning. Iritadong humarap dito ang daddy niya at saka ito sinermunan. “Isa ka pa. Kapag sinabi kong maghanda ka ng pagkain at kakain kaming mag-ama, dapat ay alam mong sumunod. Sinabi ko na ngang kakain kaming mag-ama, mahirap bang maghain para sa dalawang tao, Saning?” Dumadagundong ang boses nito sa tahimik at kulob nilang pamamahay. Napayuko ang katiwala at saka humingi ng pasensiya rito. “Sige na, ipasok mo sa Study room ang mga gamit ko at maghain ka na agad ng hapunan.” “Opo,” kiming tugon ng dalagitang katiwala at saka ito tumalikod. “Ang Tita Merylle mo, nasaan?” “Upstairs. Tatawagin ko na para kumain,” aniya at saka humakbang palapit sa hagdan pero agad siyang pinigilan ng ama. “Hindi kumakain ng hapunan iyon at tiyak na sa mga oras na ito ay naghahanda na para matulog. Pabayaan mo na siya.” “Okay, Dad. I’ll just call my friend para hindi naman maghintay ‘yung tao na hindi na ako darating.” “May ibig ka bang sabihin?” tanong nitong tila nairita rin sa isinagot niya. “Dad, please. I know you are tired but please do not put up a fight. I’m not an enemy,” sagot niya rito bago tuluyang tumalikod at lumabas ng verandah. Nang makarating roon ay agad siyang lumanghap ng sariwang hangin. Pinuno niyon ang dibdib at saka iyon muling ibinuga. Kahit kailan talaga ay hindi niya maunawaan ang mood ng ama. May time na magiliw naman ito sa kaniya, pero kapag mainit ang ulo nito ay tila siya ibang tao kung ituring. Sa bagay ay likas namang ganoon ang ugali nito kahit kanino. Maging ang asawa nito o ang kaniya mang Mama Claudia ay hindi nito pinalalampas na pakitaan ng magaspang nitong pag-uugali. Pero may oras ding nasasagad na siya, lalo at pakiramdam niya ay tila siya katorse anyos pa rin kung tratuhin nito. He was already twenty-four, for Pete’s sake! Nang mahimasmasan ay kinuha niya ang cellphone at i-d-in-ial ang numero ni Red, pero hindi nag-ring ang linya nito. Inulit niya ang pag-dial pero paulit-ulit ding call end lang ang nakarehistro sa screen ng cellphone niya. Hanggang sa marinig niya ang pagtawag ni Saning na handa na raw ang pagkain ay hindi na talaga niya nagawang tawagan si Red. Inis na ibinulsa niya ang cellphone at diretsong tinungo ang komedor kung saan naroon ang kaniyang ama. TAHIMIK nang kumakain ang daddy niya sa dulo ng kanilang long dining table. Hindi ito sumulyap sa kaniya kahit alam niyang naramdaman nito ang paglapit niya. Gusto sana niyang sabihing busog siya at wala siyang planong kumain pero nanaig ang kaniyang pagiging masunuring anak. Naupo siya sa upuang nasa kaliwang bahagi nito. Vegetable salad lang ang kinuha niya at nagsalin ng tubig sa sariling baso. Nang sulyapan ang ama ay may orange juice naman ito, habang kumakain ng rice at mechado na luto ni Saning. “Dad...” “Resign from your work tomorrow, Amerito.” Natigagal siya sa narinig buhat sa ama. That was the last thing he would expect to hear from him. After so many months of not being together, their first serious conversation was about him resigning from his job? “Dad?” “You heard me.” “But why? I’m doing a great job, why do I need to--” “Because I told you so. You do not want to be a journalist or anything connected to that position, Amere. You’ve long wanted to be a scientist.” “And you didn’t want me to, remember?” “That was before. I may consider it now, but you need to resign from your job first.” Saglit siyang naguluhan sa itinatakbo ng kanilang usapang mag-ama. He was supposed to be excited. Ito na ang pinakahihintay niyang desisyon mula rito but why couldn’t he? Pakiramdam niya ay isa siyang laruang de susi na pagagalawin nito sa ano mang direksiyon na nais nito para sa kaniya. Is he not supposed to be the main person who have the final say in his own life? “Dad, I can’t always be the person you want me to be. I’m sorry.” Ibinaba niya ang kubyertos at saka iniatras ang upuan para tumayo, pero agad siyang pinigilan ng ama. “Huwag mo akong talikuran sa oras ng pagkain, Amerito. Hindi iyan ang asal na itinuro ko sa iyo,” mariin nitong sabi. Nanatili siyang nakaupo, pero hindi na niya ginalaw ang pagkain. “You are my only son and I am hoping that you will always understand my decisions. When I tell you to do something, I have a reason for it. Nakalimutan mo na ba ang sinabi kong iyan sa iyo noon? Being the father, I can not always explain everything to you, but time will. You just need to trust me.” Marahan siyang tumango habang nakatutok pa rin ang mga mata sa pagkain. “I’ve always wanted to understand your decision for me, Dad. Kahit madalas, napakalabo para sa akin ng mga gusto mong mangyari. But I’ve already eastablished a good rapport with my colleagues and I’m used and comfortable to what I am doing right now. Please let me live my own life.” “Hindi mo na ba gustong maging scientist, Amere?” Natigilan siya sa tanong nito. He must be kidding! Buong buhay niya ay pinangarap niya ang bagay na iyon, na ipinagkait nito sa kaniya. Did he really need to ask? But that’s beside the point. The point now is his dad’s being manipulative and selfish. Pero paano niya sasabihin ang eksaktong mga salitang iyon dito? “I can be both, Dad. You should be the one to trust me now,” sa halip ay sagot niya. Nagulat siya nang ibinagsak nito nang malakasa ang mga kubyertos sa pinggan nito at saka muling bumaling sa kaniya. “What happened to you, Amerito? Sino ba ang nagpapatakbo ng buhay mo ngayon? Your girlfriend? Your friends? Sino ang pupuntahan mo sa labas? Baka sila ang dahilan at naging matigas na ang ulo mo ngayon?!” “Dad, please! I’m old enough to decide for myself! And can we not make this a big deal? Umalis ka at nawala nang maraming buwan, pagdating ay ito ang desisyon na gusto mo? All these months that you were not here, nasaan ako? Nandoon ako sa trabaho ko, at iyon ang bumuo sa buhay ko sa mga nakalipas na panahong wala ka!” “Masyado kang maraming satsat! Napakasimple lang ng ipinag-uutos ko at iyan ang iwan mo ang trabaho mo sa CEN na iyan! Tigilan mo ang pagpunta ng Cebu at huwag mong itaya ang buhay mo sa Sinugban na iyan!” malakas nitong sabi sabay tayo at hampas sa mesa. Bigla siyang natahimik nang marinig ang huling sinabi nito. Ito man ay mukhang nabigla rin at mabilis na inilayo ang paningin mula sa kaniya. “Dad...what do you mean? Paano mong nalaman ang tungkol sa trabaho ko?” Hindi agad nakasagot ang ama kaya tumayo rin siya at hinarap ito. “Dad? Were you spying me all this time?” “Amere...” “Were you?” Muli itong nanahimik, bumuntong-hininga at nang tumugon ay tila madilim ang ekspresyon ng mukha nito. “I received a death threat from an anonymous person two days ago. I was told to make you stop doing that project. Tungkol saan ang Sinugban na iyan at bakit kailangang masakripisyo ang kaligtasan natin, Amerito? Think about that.” Siya naman ang natigilan sa sinabi nitong iyon. Tumalikod siya at akmang lalabas na ng komedor nang marinig niyang muli itong nagsalita. “Nakikiusap ako, anak. Please resign from CEN. Tapusin mo ang pakikipag-ugnayan sa mga taong iyan at sumama ka sa akin para tuparin ang pangarap na matagal mo nang inaasam.” Ilang sandaling ninamnam niya ang mga salitang binitiwan nito, kapagdaka ay tuluyan nang tumalikod upang tunguhin ang sariling silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD