“WHAT does it have to do with Claire? Do you know where is she right now?” mabilis na tanong niya nang marinig ang pangalan ng kapatid. Bumalik sa isip ni Amere ang pangako niya sa ina na hahanapin ito at ibabalik nang ligtas. Nang huli niyang subukan na tawagan ang kapatid ay hindi pa rin niya ito ma-contact. Wala ring bagong impormasyon na maibigay ang mga pulis tungkol sa kinaroroonan nito. She was missing and that’s the only definite information about her. “She’s one of the subjects, pare. And that’s basically the reason why I’ve long wanted to talk to you.” Tiningnan niya nang diretso sa mga mata ang kaibigan. He knew he had a long crush with his sister but that was a long time ago. Mula nang maghiwalay ang parents nila at sumama si Claire sa ina ay hindi na nagkita ang mga ito. H

