Chapter 60

1023 Words

MAKALIPAS ang ilang sandali ay unti-unti nang nagkamalay si Amere. Idinilat niya ang namimigat na mga mata. Nang ganap na maimulat ang paningin sa paligid ay tumambad sa kaniya ang kaibigang si Red, ang dalawang tiyahin nito at ang binatilyong pinsan na ipinakilala nito sa pangalang Toto. "What happened?" tanong niya kay Red. "Something happened to you inside the restroom. You just shouted." Wala sa loob niyang nahaplos ang sintido. Isa-isang nanumbalik sa isip niya ang mga nangyari. Nasa banyo siya at katatapos lang magbihis nang umugong ang tainga niya at labasan ng dugo ang mga iyon. Kasabay ng nakabibinging ugong na tila nakapaknit sa tainga niya ay matinding sakit ng ulo na siyang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay. "Pare, ayos ka lang ba? Kumusta na ang pakiramdam mo nga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD