MALAYO pa ay natanaw na ni Amere ang taxi sa kinapaparadahan nito. Dahil unti-unti nang pumapatak ang ulan ay napatakbo na siya palapit sa sasakyan. Agad siyang kumatok sa pinto ng back seat at mabilis iyong binuksan. Nang makaupo ay kinuha niya ang face towel mula sa dala niyang bag. Gamit iyon ay pinunasan niya ang basang braso, mukha at ulo. “Naabutan na tayo ng ulan, Manong. Tayo na po,” sabi niya sabay tingin sa driver. Nagulat siya nang tila nagbago ang height ng driver at bahagyang tumaas ito. Mabilis siyang napatingin sa rear view mirror at laking gulat niya nang makita si Red. “What are you doing here?” takang tanong niya sa lalaki. Akmang bubuksan niya ang pinto ng kotse para lumabas nang humarap ito. “Kalma, pare, at hayan na ang bagyo. Ako lang ito. You’re safe with me,” sab

