Chapter 24

1729 Words
ALAS-OTSO ng umaga na nang sapitin nina Amere at Opah ang Ibayo. Gaya ng dati ay hindi na naman sila pinapansin ng mga tao roon pero hindi sila sumuko. Nagpatuloy sila sa paglalakad upang hanapin si Apo Lakay. Ayon kasi kay Mang Paeng, ito raw ang makakatulong sa kanila. Iginagalang daw sa Ibayo ang lalaki at kapag iniutos nito na kausapin sila ng mga tao ay tiyak daw na susunod ang mga ito. Nang magtatanghali na ay napagpasyahan nilang mamahinga muna ni Opah. Nakakita ito ng isang nakahigang katawan ng patay na puno at doon niya ito pinaupo. Marahil ay hindi nito inaasahang tatabi siya rito kaya bahagya pa itong napapitlag nang maramdaman ang pagdaiti ng braso niya rito. Tila ba may kuryenteng bigla na lang nag-spark sa isang simpleng paglalapat ng mga balat nila ni Opah. He knew that she felt it, too. “Easy, Opah…easy!” he said, teasing her. Nilingon siya nito at saka hinampas sa braso. “Kapag hindi ka huminto sa kaiinis sa akin, iiwan talaga kita dito! Puro ka kayabangan diyan!” “Eh ‘di iwan mo. Alam ko naman na kahit ilang beses mo akong iwan ay mas maraming beses kang babalik sa’kin.” Namula ang pisngi ng dalaga sa hayagang pang-iinis na iyon ni Amere. Hindi niya napigilan ang sarili at napasil niya ang cute nitong ilong, sanhi upang mamula rin maging iyon. “Nagba-blush din pala ang isang macho!” bulalas niya bago binitiwan ang ilong ni Opah. “Ouch!” daing naman nito, at saka kinusot ang namumula nitong ilong, pagkuwa’y bumaling ito sa kaniya at bigla na lang siyang pinagkukurot nang pinong-pino sa tagiliran. Panay naman ang iwas niya habang hinuhuli ang mga kamay ng dalaga. “Stop! Stop!” wika niya nang sa wakas ay mahuli na ang dalawa nitong kamay. “Let go of me! Ano ba, Amere?” Pilit nitong binabawi ang mga kamay mula sa kaniya pero lalo pa niyang pinagbuti ang paghawak sa mga iyon. “Nananakit ka na naman ha! Ang bigat ng kamay mo, kung hindi mo alam, Opah!” “Hindi na! Sige na, bitiwan mo na lang ako!” “Sige. Bibitiwan kita pero subukan mo lang na manakit at hahalikan kita diyan!” pananakot nito. Binitiwan naman niya ang mga kamay ng dalaga. Marahil ay natakot nga itong mahalikan kaya hindi na gumanti. Kinuha niya mula sa dalang bag ang isang malaking tupperware ng pagkain na inayos niya kaninang umaga. Nang tinanong siya kanina ni Opah kung saan sila kakain ay sinabi niya ritong siya na ang bahala. Nag-ready siya dahil alam naman nilang lahat na walang carinderia sa Sinugban. Habang kumakain ay tumunog ang cellphone ni Opah. Nagliwanag ang mukha nito nang makatanggap ng isang text na buhat raw kay Gildo pero dagli ring nawala iyon nang mabasa ang kabuuan ng message. Ayon sa lalaki ay wala pa ring nangyayari sa lakad ng mga ito maging sa lakad nina Rona at Becka. Hindi pa rin daw nakikita ng apat ang kinaroroonan ng bahay ni Apo Lakay at ni isa sa mga taong naroroon ay wala ring kumakausap sa mga ito. ‘Pag sumapit daw ang alas-kuwatro ng hapon at wala pa ring nangyayari ay kailangan na nilang i-report kay Perry ang kapalpakan nila. Nag-type ito ng isasagot kay Gildo pero hindi naman nito nagawang i-send iyon dahil biglang mawala ang signal ng cellphone nito. Napailing ito habang inis na iginalaw-galaw sa hangin ang cellphone nito. Sinubukan nitong itaas ang hawak na device sa pagtatangkang makakuha ng kahit kaunting signal pero bigo ito. Sa huli ay ipinasya na lang nitong muling ibulsa ang mekanismo. “Hindi tayo dapat sumuko. Hindi ako papayag na mawalan ng saysay ang lakad nating ito,” seryoso niyang sabi sa dalaga habang nag-iisip. Hindi madaling tanggapin na hindi magiging maganda ang kalalabasan ng isang proyektong pinaghirapan na nila. Siya ang nakaisip ng Sinugban concept kaya malaking bagay sa kaniya na may maiuwing magandang report ang grupo. “Ako rin naman. Tutal ay dalawang araw pa naman tayo dito. Tapusin na natin iyon. Huwag tayong umuwi hanggang wala tayong matinong report,” tugon ni Opah na kahit paano ay nagbigay ng pag-asa sa kaniya. Tumango siya rito at muli nilang ipinagpatuloy ang pagkain. Sa mga sumunod na sandali ay tila naging tahimik ang si Opah kaya hindi na rin siya kumibo. Marahil tulad niya ay pinag-iisipan rin nito ang mga susunod pa nilang hakbang. GANAP nang alas-kuwatro ng hapon nang makasalubong nina Amere at Opah ang isang babaeng tila hindi hihigit sa labing-apat ang edad. Maganda ito at mahaba ang buhok na nakabagsak sa mga balikat nito. Nang mapatapat ito sa kanila ay hindi sila nakapagbitiw ng kahit isang salita. Basta hinintay na lang nila ang magiging reaksiyon ng dalagita. Sa wari ay kapwa na sila napagod sa kakakausap sa mga kaba-barrio nito pero sa huli ay wala rin namang napala. Nang huminto ito sa tapat nila ay natulala sila. Ngumiti ito at tila nahihiyang nagbigay ng pagbati. “Taga-Maynila kayo?” tanong nito na nakatutok partikular sa kaniya ang paningin. “Oo. Ako nga pala si Opah at siya si Amere,” tugon naman ng dalaga rito. Iniabot ni Opah ang kamay sa dalagita pero sa halip na abutin nito iyon ay mas inuna pa siya nitong kamayan bagaman hindi pa nakalahad ang kamay niya rito. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagkalukot ng ekspresyon ng dalaga. ‘Echoserang bata ito ah...’ Ibig niyang mapangiti sa mensaheng narinig buhat sa isip ng dalaga. “Ako naman si Ditas. Diyan kami nakatira sa duluhan at umahon lang ako para hanapin ang nawawala kong kapatid na si Rosario.” “Hello, Ditas! Puwede ba kaming magtanong? May hinahanap kasi kaming tao dito eh,” masigla niyang sabi rito. Mukhang may natanaw siyang pag-asa sa katauhan ng dalagitang kaharap. “Oo ba. Sino ba ang hinahanap ninyo?” maarteng tanong nito na hindi na nabakbak ang tingin kay Amere. “Hinahanap namin si Apo Lakay. Alam mo ba kung saan siya nakatira?” tanong niya rito sa mas pinasiglang boses. Nawala ang ngiti ng dalagita nang marinig ang tanong nila. Bigla ay tila nag-alala ang anyo nito. “Bakit ninyo hinahanap ang Apo?” tanong nito. Bigla siyang na-excite sa narinig. Kung gayon ay hindi naman pala sila uuwi ng luhaan. May mangyayari naman pala sa lakad nilang ito! “May assignment kasi kami na kailangan naming isagawa. Itong lugar ninyo ang napili naming pagsagawaan ng assignment at ito namang si Apo Lakay ang taong sinabi sa amin ni Mang Paeng na makakatulong daw sa amin. Saan siya nakatira, Ditas? Puwede mo bang ituro sa amin?” mahaba niyang sabi rito sabay tingin kay Opah.Kulang na lang ay sunggaban na nito ang dalagita at piliting ituro na ang daan papunta sa matanda. Pagod na pagod na sila kapwa sa kalalakad at tiyak na tulad niya ay masakit na rin ang bukong-bukong nito kanina pa. “Alam ko kung saan siya nakatira pero hindi kayo maaaring abutin ng dilim sa daan, Amere. May kalayuan pa naman ang bahay ni Apo,” tugon nito na nakatingala sa kaniya. Tila nalimutan na nito ang presensiya ng kaniyang kasama at kahit paanong kausap ang gawin ng dalaga rito ay sa kaniya lang bumabalik ang tingin nito. “Pero bakit? Ah, oo nga pala. Marami nga palang ligaw na hayop dito sa gabi, tama?” tanong ni Opah sa dalagita. Pilit niyang hinuhuli ang tingin nito na sa malas ay talagang napakailap. “Higit pa sa hayop ang naliligaw dito sa gabi. Basta hindi kayo maaaring gabihin,” tugon nito na kay Amere lang nakatingin. ‘Ay, talaga palang pang-isahan lang kung makipag-usap ang bruhang ito…’ “Ah, by the way Ditas, saan ulit nakatira si Apo? Kailangan namin siyang makita ngayon,” sabad ni Opah na bahagyang gumitgit sa kaniya para makuha ang atensiyon ng dalagita. Nagtagumpay naman ito dahil sa wakas ay napatingin din rito ang babae. “Hindi mo ba narinig ang sinabi kong malayo ang bahay ni Apo?” diretso nitong tanong na ikinabigla ng dalaga. Napaangat ang kilay ni Opah nang tarayan nito. Chill, Opah…huwag mong patulan ang kutong lupang ‘yan, kahit para lang sa project na ito, utang na loob… “Ah, okay.” maikling sabi na lang ng dalaga. Hindi mapigilan ni Amere ang mapangiti dahil kanina pa niya naririnig ang mga sinasabi ni Opah. Tila nakampante siya sa presensiya nito at nawiling makinig sa mga perception na narer-retrieve buhat rito. Samantala, inis na inis naman si Opah lalo na at nakikitang nagagawa pa niyang tumawa. Akala nito marahil ay pinagtatawanan niya ito dahil hindi ito pinapansin ni Ditas. Mukhang kulang na lang ay hampasin siya nito ng suot na rubber shoes dahil sa matinding inis. “Bukas, magbalik kayo rito ganap na alas-otso ng umaga. Hihintayin ko kayo.” Hindi siya nakahuma nang walang babala nitong haplusin ang kaniyang pisngi bago tuluyang tumalikod. Nang malayo na ang dalagita ay saka lumakad pasunod dito si Opah. Maagap niya itong inawat. “Saan ka pupunta?” tanong niya rito sabay hawak sa braso ng dalaga. “Susundan ko siya.” “Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Alas-otso bukas, hindi ba? Tara nang umuwi at ibalita na lang natin sa kanila na may development naman ang lakad natin kahit paano.” “Hindi na ako makapaghihintay, Amere. Dalawang araw na tayo rito pero kahit isang tanong sa isip ko ay wala pang nasasagot. Kung naduduwag kang humarap sa mga ligaw na hayop, puwes ay hindi ako!” sagot nito sabay wasiwas ng kamay upang alisin sa pagkakahawak niya. Muli nitong ipinagpatuloy ang paglalakad pasunod kay Ditas. Malayu-layo na ang nalalakad nito nang mapagdesisyunan niya itong sundan. Lumingon ito sa kaniya at saka sumimangot. “Ang akala ko ba ay uuwi ka na?” sikmat nito nang makalapit siya. “Maiiwan ba naman kita rito?” tugon niya na hindi maiwasan ang mag-alala. Hindi maganda ang kutob niya sa mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari. Nakita niyang sinupil ni Opah ang isang ngiti at sa halip ay itinutok ang paningin sa sinusundan, bago muling sumunod sa dalagita. Sumunod naman siya rito habang palinga-linga kung may mga taong nakakakita sa kanila. Daig pa nila ang mga tulisan na patago-tago sa mga punong nadadaanan nila, upang hindi makita ng papalayong dalagita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD