Chapter 23

1338 Words
MATAPOS maiayos ang task na isasagawa ng grupo ay nagsimula na silang lakbayin ang daan papunta sa Ibayo ng Sinugban. Sa bungad ng daan ay wala kahit isang bahay na makikita pero nang halos kalahating kilometro na ang nalalakad nila ay nagsimula na silang makakita ng ilang dampang yari sa sawali at makikitid na tapyas ng katawan ng puno. Napakapayak ng lugar at ni isang sasakyan ay wala man lang silang nakasalubong sa daan. Naghanda sila upang ipagtanong kung saan nakatira ang taong sinabi ni Mang Paeng na makakatulong sa kanila-si Apo Lakay. Hindi nagtagal ay may nakasalubong silang isang payat na babae. Mabagal itong naglalakad sa daan habang may kargang sanggol. May hawak itong isang timba sa kaliwang kamay. Nang mapalapit sa kanila ay saka nila nakitang nagdadalantao pala ito. “Miss, dito ka ba nakatira?” panimula ni Jerry. Kinutusan ito ni Gildo. “Natural! Nakita mo namang narito siya eh.” Inawat niya ang dalawang lalaki at ito na ang kusang lumapit sa payat na babaeng nakamasid sa kanila. “Miss, taga-Maynila kami. Hinahanap namin si Apo Lakay. Alam mo ba kung saan siya nakatira?” tanong niya na inilahad pa ang isang kamay. Hindi tinanggap ng babae ang kamay niya at sa halip ay diri-diretsong lumakad at nilampasan sila. Nakita nilang lumapit ito sa isang kalawanging poso na malapit sa gilid ng kalsada. Nabububungan ang poso ng ilang malalaking dahon ng buko at iyon ang nagsisilbing lilim ng sino mang iigib doon. Nagsimulang gumaod ang babae habang kilik sa kanan nitong kamay ang sanggol na hawak . “Miss, hindi kami masamang tao. Nagpunta kami rito para…” “Alam ko kung bakit kayo naririto. Gusto ninyong ikalakal ang buhay namin, hindi ba? Kung bakit maaga kaming nagkakaanak at kung bakit paisa-isa lang ang nagiging anak namin dito sa Sinugban,” tugon ng babae na ikinabigla nilang lahat. Marunong itong managalog. Ibig sabihin ay nakapag-aral ito. Kahit pala hindi nila makita si Apo Lakay ay magagawa nilang magsagawa ng interview sa mga taong naroon. “Hindi naman sa ganoon. Gusto lang sana naming makatulong sa inyo. Ibig naming alamin kung anu-ano ang posibleng dahilan ng maaga ninyong pag-aasawa dito. Baka sakali ding may magawa kaming tulong para sa komunidad ninyo tulad ng pagbibigay ng mga libreng gamot, pagkain at damit,” aniya na ang nasa isip ay ilapit nila ang Sinugban sa mga NGO communities sa Maynila. “Ano ba ang gusto ninyong marinig? Simple lang ang Sinugban. Kung ano ang nakikita ninyo ay ito na ‘yon. Mahirap ang buhay namin pero dahil may tig-iisang anak lang ang mga tao dito ay hindi kami nahihirapang mabuhay. Hindi namin kailangan ang tulong ninyo. Umalis na kayo.” Iyon lang at mabilis nang tumalikod ang babae. Naiwan silang nakamasid dito at nagtataka. Sinikap nilang magtanong sa ilan pang babaeng nakita nila sa daan pero ni isa sa mga ito ay walang sumagot sa kanila. Lahat ito, kung hindi man marunong magsalita ng Tagalog ay maiilap din gaya ng unang babaeng una nilang nakausap. Tila galit pa nga ang mga ito sa kanila. Natapos ang hapong iyon na wala silang nakuhang datos kahit isa. Pulos maiilap ang mga taong nakasalamuha nila at tila walang isa man ang gustong humarap sa camera. Tanging si Apo Lakay lang ang makakatulong sa kanila pero dahil walang ni isa man ang nagbigay ng eksaktong lugar na kinaroroonan nito ay walang nangyari sa kanilang lakad. Lulugo-lugong nagbalik sila sa bahay ni Mang Paeng. “Hindi nila tayo haharapin kung ganito tayo karami.” Napatingin ang lahat sa nagsalitang si Jerry. Nasa harap sila ng hapag noon at salu-salong dumulog sa dalang inihaw na bangus at hinog na mangga ni Aling Edna. “Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Gildo rito. “Baka kailangan ay maghiwa-hiwalay muna tayo. Lumakad tayo by two’s,” muling tugon ni Jerry. “Sa tingin ko ay may point siya. That way ay hindi matatakot ang mga tao kung padala-dalawa lang tayo. Built in cam din muna ang gamitin natin para hindi rin sila mailang na magsalita though we should inform them that there’s a cam before we air them.” Sumang-ayon ang lahat sa suggestion na iyon ni Jerry. Iniabot dito ni Rona ang list of questionnaires na ginawa nito na ikinalat naman ng lalaki iyon sa buong grupo. “BAKIT hindi ninyo ako ginising?” gigil na tanong ni Opah sa nagisnang si Amere. Nagkakakape siya sa harap ng maliit na mesang nasa isang sulok ng dampa nang marinig ang boses ng dalaga. Sa itaas ng bahay ni Mang Paeng natulog ang mga babae kabilang na si Becka habang sa ibaba naman ng dampa silang mga lalaki. “Mahimbing ang tulog mo eh,” tugon niya na bahagya lang itong tinapunan ng pansin. Nakabukas ang laptop niya at kasalukuyang may ini-re-research habang nagkakape at pandesal, kaya doon nakatutok ang atensiyon niya. “You mean tayo na lang dalawa ang naiwan dito?” gulat na tanong ni Opah. Ngumisi siya sa tanong nitong iyon. “Oo. Liitan mo nang bahagya ‘yang mga mata mo dahil hindi naman kita aanuhin diyan,” dagdag niya habang napapailing. “Wala akong sinabing ganoon. Nagtataka lang ako na iniwan nila tayong dalawa,” depensa naman nito na tila tinablan ng hiya. “Hindi nila tayo iniwan. Bahagi iyon ng plano kagabi pa, hindi ba? Lalakad tayo by two’s, remember?” Napakunot ang noo nito upang balikan ang nagdaang gabi. Oo nga at sinabi ni Jerry na by two’s ang lakad nila pero marahil ang inaasahan nito ay si Becka ang makakasama sa pagbalik ng Ibayo. “Since napag-usapan na kahapon na tayong dalawa ang mag-e-execute ng questions, tayo ang magkasamang aalis.” “Himala! Pumayag si Rona.” Umismid pa ito matapos sabihin iyon. “Bakit naman hindi siya papayag?” amused naman niyang balik-tanong rito. “Girlfriend mo siya, ‘di ba?” Napangiti siya sa tanong na iyon ni Opah at may kalokohang pumasok sa kaniyang isip. Isinara niya ang kaniyang laptop at tuluyan nang bumaling rito. “Huwag kang masyadong selosa diyan. Hindi ko girlfriend si Rona. She’s just acting like one but believe me, she’s not my girl,” nakatawa niyang tudyo. “Bagyo ka talaga!” bulalas ng dalaga sabay irap sa kaniya. Natawa siya sa reaksiyon nito. Iniatras niya ang katabing upuan at ipinakita kay Opah. “Upo na. Magtinapay ka muna at magkape bago ka maligo. Kailangan na nating umalis in less than thirty minutes.” “Saan tayo maliligo?” tanong nito kapagdaka na tila hindi nag-iisip. Mukhang tulog pa ang diwa nito sa mga sandaling iyon. “Hindi ako sanay maligo nang may kasamang babae eh kaya sa labas ako. Diyan ka naman sa batalan,”sagot niya rito habang nagpipigil ng tawa, pero hindi niya napigilang yumugyog ang kaniyang balikat dahil doon. “Tse! Ang angas mo talaga!” anitong kulang sa emosyon. Kung dati lang, dapat ay galit na galit na ito sa kaniya at iisipin na agad nitong nakakabastos na ang mga patawa niya, pero sa mga oras na iyon ay tila kalmado naman ang dalaga. Marahil ay maganda ang tulog nito kaya walang saltik, naisip niya. “Sige na, kumain ka na. Ipinagtimpla na kita ng kape. Ipinag-igib na rin kita ng tubig na pampaligo. May kailangan ka pa ba?” aniya rito at saka tumayo upang ayusin na ang kaniyang mga gamit. Luminga sa kaniya si Opah. Tila sinusuri nito ang mga kilos niya. Siguro ay tinitingnan kung sarcastic ang tanong niyang iyon dito. “Wala na,” maikling tugon nito, makaraan ang ilang saglit. “Are you sure?” pangungulit niya rito. Lumakad na siya patungo sa pinto. Akmang hihigop na sana ng kape ang dalaga nang biruin niya ito. “Learn to say thank you, okay? Iyon ang tamang asal ng isang babae,” wika nitya rito at matapos ay tuluyan nang tumalikod. Hindi na siya lumingon dahil tiyak na tiyak na nagpupuyos ang loob ng dalaga sa gigil sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD