KABABABA lang ni Amere ng cellphone. Naroon siya at nakatayo ngayon sa labas ng kaniyang silid. Ang veranda na kinaroroonan ay nakatunghay sa malawak na karagatan na bagaman madilim ay aninag pa rin dahil sa maaliwalas na kalangitan. Katatapos lang nilang mag-usap ni Boss Perry. Kinumusta nito ang biyahe at accommodation niya. He sounded pleased when he said he was more than satisfied. However, he reminded him of their agreement. Inulit nitong walang ibang taong pupuwedeng makaalam ng eksaktong lokasyon niya. Maging pamilya o malalapit na kaibigan, if he didn’t want to risk their safety. Of course, he didn’t know anything about Red. Iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi sa pinakasikat na hotel sa Cebu siya i-pina-book ng CEN. He had to protect his whereabouts since he already told h

