NANG muling magmulat ng mga mata si Amere ay napansin niyang wala na ang grupong naka-engkuwentro niya. Sinulyapan niya ang relong pambisig upang tingnan kung anong oras na, pero nakapagtatakang wala siyang suot na relo. Did he even put his watch inside his bag? Napabangon siya habang sinisikap alalahanin kung saan niya iyon naibaba. “Bilisan mo, hija. Dadaong na tayo,” dinig niyang sabi ng matanda sa nakababatang babae. Napasulyap naman sa kaniya ang huli at kiming ngumiti. Naramdaman niyang may pag-aalangan sa ngiting iyon kaya sinuklian niya iyon ng isang mas totoong ngiti. “Hindi totoo ang sinabi ng grupong iyon kanina. Hindi ako mangkukulam,” wala sa loob na sabi niya sa mga ito. Sumulyap sa kaniya ang matandang babae at alanganing tumango pero alam niyang hindi ito kumbinsido. Bal

