“I UNDERSTAND what you feel, pare. Take it easy.” Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Amere sa sinabi ng kaibigang si Red. Lulan sila ng isang kotseng inarkila nito at nasa daan na pauwi sa bahay ni Jeena. Usapan nilang mag-aayos na ng gamit ang mga ito dahil maaga ang alis nila kinabukasan pero sa gabing iyon ay doon pa sila lahat magpapalipas ng gabi. “Hindi ko maintindihan kung paanong nangyaring iisa sila. I’ve met Serah two times and she speaks very differently compared to Opah. She’s more of a child-like person, while Opah was brave and determined...very fearless. Hindi ko talaga kayang paniwalaan...” “Another thing, why didn’t Opah tell me? Ipinipilit niya sa akin noon ang tungkol sa Hydra Terra...kung siya talaga si Serah, she would have told me.” “Ni minsan ba ay wala kang nap

