“JEENA, ano’ng nangyayari?!” malakas na sigaw ni Amere. Bukas ang bintana ng silid at ang malakas na hanging nagmumula sa dagat ay diretsong pumapasok sa loob. Ang mga kurtina ay nagliliparan at ang mga damit na nakasampay sa alambreng sampayan ay nagmistulang mga taong nakatayo na nagsasayaw sa hangin. Kumilos si Amere upang buksan ang ilaw ng silid. Himalang biglang tumigil ang malakas na hangin at ang paggalaw ng mga gamit ay nagsihintuan rin. Napatakbo si Jeena palapit sa kaniya. “Si Carlo, Amere! Bigla na lang siyang umungol kanina at kung ano-ano ang sinasabi na parang binabangungot! Kahit anong yugyog ay hindi ko siya magawang gisingin! Tapos ay bigla na lang bumukas ang bintana at para kaming pinasok ng delubyo dito!” “Nasaan na si Carlo?” “Tumayo siya at tumalon sa bintana, Am

