“HINDI ako mortal? Ano ito, teleserye?” pabirong sabi ni Amere sa kaibigang si Red kahit ang totoo ay alam naman niyang may bahid ng katotohanan ang sinabi nito. Siguro nga ay ayaw lang niyang tanggapin sa sarili, pero sa likod ng isip niya ay alam naman niyang noon pa niya naiisip at nararamdaman ang bagay na iyon. He was just trying to deny so many things. Hindi kayang tanggapin ng isip niyang kakaiba siya, pero ang totoo, alam niyang walang ordinaryo sa mga ekstraordinaryong abilidad niya.
“Huwag na tayong magbolahan pa, pare. Wala na tayong sapat na oras. Kumikilos na ang kabilang grupo, at natitiyak ko sa iyong sa mga sandaling ito ay may plano na sila.”
“Sinong grupo?”
“Naniniwala akong may ahas sa loob ng Eych. Nakapagtataka kasi na sa kabila ng malinis na mga plano ay palagi na lang pumapalpak ang execution namin. Alam kong may sumasabotahe at iyon ang isa sa mga bagay na kailangan kong alamin. Sa ngayon, nakikiusap ako sa’yo na tanggapin mo ang trabaho para makapagplano na tayo at magkatulungan.”
“Paano si Opah?”
“She should come with you, pare. Hindi mo siya magagawang iligtas sa oras na magkahiwalay kayo. Hindi kayang i-retrieve ng special abilities mo ang kinaroroonan ni Opah dahil maging iyon ay protektado nila.”
“Alam mo rin pati ang tungkol doon?”
“Yes.” Ipinakita nito ang suot nitong relo sa kaniya at pinindot iyon. Biglang lumabas mula roon ang isang three dimensional screen na tila hologram. Lumitaw ang kotseng kasalukuyang kinaroroonan nila at mula roon ay malinaw niyang nakikita ang mga sarili nila habang nag-uusap.
“Zafiro ang tawag dito. Kaya nitong makita ang mga nangyayari at detected nito lahat, maging ang extraordinary senses na mayroon ang subject. Alam kong may kakaiba kang kakayahan, Amere. Noong-noon pa. However, I can not see any of your visions. Nade-detect lang ng Zafiro, pero hindi nito kayang ipakita sa akin ang mga perception mo,” paliwanag ni Red habang titig na titig siya sa ipinakikita nito.
“Mabuti ka pa at alam mo. Ako kasi, hindi ko alam. Wala lang akong magawa pero kung alam mo lang. Madalas ay parang baliw na ang tingin ko sa sarili ko.”
“You are special, bro. Hindi ka isang ordinaryong tao at hindi rin ordinaryo ang mga kakayahan mo. Iyan ang dahilan kung bakit interesado silang lahat sa’yo. Ang layunin ng grupo ko ay pag-aralan ang iyong kakayahan at alamin ang origin mo, while the other group, I believe that they want to clone you and produce many individuals like you...Imulat mo ang mga mata mo, pare. Alamin mo ang katotohanan sa likod ng iyong pagkatao. Nandito lang ako at nakahanda akong tulungan ka sa bagay na iyan...”
“Bakit mahalaga iyon sa Eych, pare ? Why do you care so much about my roots?”
“Dahil naniniwala kaming isa kang Hydron na napadpad dito sa lupa. At hindi ka nag-iisa, pare. May kasama kang isang babae na nagngangalang Serah.”
Mabilis na lumipad ang isip niya pabalik sa mga alaala ng babaeng sinabi ni Red. Si Serah. Tama! Si Serah nga, ang makulit na babaeng panay ang habol sa kaniya noon. Na kung bakit sa tuwing makikita niya ay sinasakitan siya ng ulo, dahil sa sobrang kakulitan. At nanumbalik sa kaniya ang mga salitang paulit-ulit nitong sinasabi sa kaniya noon.
‘Tungkulin kong sabihin sa iyo na isa kang Hydron...na isa kang Merluso. Pero hindi ka isang ordinaryong Merluso, Wayde, kundi isang prinsipe at tagapagmana ng kaharian ng Hydra Terra.’
Sumulyap siya kay Red nang maalala ang tungkol sa Zafiro. Alam kaya nito ang kasalukuyang laman ng isip niya?
“I’m just curious. Sabi mo ay alam mo lahat ng espesyal na kakayahan ko. Meaning, you also know that I can read people’s minds.”
“Of course.”
“Then why can’t I read yours? Wala akong maramdamang kahit anong perception coming from you.”
“Because I am an employee of Eych and Zafiro protects me.”
Napasulyap siya sa suot nitong relo.
“Eych’ employees can control what they only want to be perceived by Hydrons. Though not everyone knows how to identify the gifted ones. Ibig sabihin, naka-block ang perception retrieval sa mga ito, pero hindi nila alam kung kaharap o katabi na nila mismo ang mga Hydrons.”
“Then why do you insist that I am?”
“Because you are my first assignment and I did everything to completely know you. Kinaibigan kita. Araw-araw akong laman ng bahay niyo noon. Lagi akong nakamasid at wala kang idea na alam ko ang mga nangyayari sa iyo. I was once there when you said you have gills at binigyan ka ng gamot ng daddy mo para mawala iyon because you were totally devastated at that time. I almost know everything, pare. Forgive me but that’s part of my job. And believe it or not, my primary goal is to save the human race.”
Marahan siyang napatango, bagaman gulong-g**o pa rin ang isip niya.
“I have noticed that these past few days, hindi ko matawagan ang ilang contacts ko. Do you also know anything about that?”
Tumango si Red at inilahad ang kamay upang kunin ang cellphone niya. Ibinigay naman niya iyon rito. Binuksan nito ang Zafiro at itinapat doon ang gadget. Bigla muling lumabas ang hologram mula sa Zafiro, at may kung anong mga figures na lumitaw mula roon. Ibinalik sa kaniya ni Red ang cellphone at umangat ang kamay nito sa hangin pabalik sa hologram. Nang gumalaw ang mga daliri nito ay tila ito gumagamit ng tablet device, kung pagmamasdan.
“Got it,” anito sabay pakita sa kaniya makalipas ang ilang sandali.
“It was wiretapped or something?” tanong niya nang maunawaan ang ibig nitong sabihin.
“Yes. Hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi mo sila ma-contact, pare. Pero iyon ang dahilan kung bakit i-b-in-lock ko ang cellphone mo from contacting other people, aside from colleagues and others na hindi relevant sa iyo. May gustong kumontrol sa iyo at dahil na-detect iyon ng Zafiro, gumawa ako ng paraan para protektahan ang device mo. But that’s the consequence, hindi mo sila makakausap gamit ang gadget na iyan. At least, wala rin silang info na mapipiga sa iyo, hindi ba?”
Sinalo niya ang ulo na tila mababaliw sa dami ng mga impormasyong nalaman buhat kay Red. Ngayon ay alam na niya kung bakit hindi niya ma-contact ang mama at kapatid niya, gayundin si Opah at ito mismo. Ito rin pala ang may gawa ng lahat.
“Wait, I can still contact my dad,” aniya nang maalalang natawagan niya ito nang gabing inaalam niya ang problema ng kaniyang cellphone.
“Because he’s also a subject, pare. We also need to know his whereabouts.”
Napatingin siya rito sa sinabi nitong iyon. Kung ganoon ay kaya pala ganoon na lang ang pag-iingat nito nang gabing nagpunta ito sa kanila. At kaya rin pala napakabilis nitong nawala nang kumatok sa pinto ng room ang daddy niya. Kaya naman pala. Sinusubaybayan din ng mga ito, maging ang daddy niya.
Napapitlag siya nang biglang nag-ring ang hawak niyang cellphone. Si Becka ang caller. Mabilis niya iyong sinagot.
“Amere...where are you?” bungad ni Becka pagsagot niya ng phone.
“I’m just a few blocks away. I’ll be back in a few minutes, Becks. Hinahanap ba ‘ko ni Boss?”
“It’s about Opah, Amere...”
Agad na sinalakay ng kaba ang dibdib niya pagkarinig sa pangalan ng dalaga. May kutob siyang isang masamang balita ang maririnig buhat sa kaibigan ng nobya. “W-what is it?”
“Tumawag sa akin ang mommy niya,” sabi ni Becka na tuluyan nang nabasag ang boses. “Wala na si Opah, Amere! Wala na ang kaibigan ko!”
Pakiramdam ni Amere ay may tila malaking kamay na dumukot sa puso niya at walang awa iyong piniga hanggang tumigil sa pagtibok.
Panaginip ba ang lahat? Nagbibiro ba si Becka? Siguro nga ay nagbibiro lang si Becka, dahil hindi maaaring mangyari ang sinabi nito. Hindi siya maaaring iwan ni Opah! Hindi totoong patay na ito!