Chapter 44

1283 Words
“DAD?” bungad ni Amere sa napagbuksang ama. Bahagya itong luminga sa gawing likuran niya at siya naman ay nagkunwaring naistorbo sa pagtulog. “Were you talking to someone?” tanong nito. Bahagya siyang nagtaka sa tanong nito. Mga sampung metro rin ang layo ng silid nila sa isa’t-isa at kung hindi rin lang naglalakad sa pasilyo ay mukhang malabo naman nitong marinig ang pag-uusap nila ni Red. How come he overheard them? “Nope, but I fell asleep with Youtube on. Must be ads.” Akala niya ay tatanggapin na nito ang alibi niyang iyon kaya dagli siyang kinabahan nang humakbang ito palapit at sinenyasan siyang bigyan ito ng daan. Wala siyang nagawa nang sapilitang pumasok ang ama, habang papalakas nang papalakas ang kabog sa kaniyang dibdib. Binuhay nito ang ilaw ng silid at nilibot ang kuwarto niya. Pati banyo ay pinasok nito at sinisilip maging mga sulok at likod ng bawat pinto. Nang puntahan nito ang verandah ay halos hindi na siya humihinga. Nagtagal ito roon ng halos dalawang minuto bago ito muling pumasok sa kaniyang silid. “Go to sleep now, Amerito,” anito sa kaniya sa maawtoridad na tinig. Isang simpleng pagtango lang ang nagawa niyang itugon rito, habang ang kaba sa dibdib ay hindi pa rin humuhupa. Bahagya pa siyang napapitlag nang tapikin siya nito sa balikat. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ito ng kaniyang silid habang siya naman ay naiwang nakatingin sa madilim na bahagi ng garden. Inabutan pa niya ang tuluyang paglabas ni Red mula sa kinakukublihan nitong mga halaman. KINABUKASAN ay matiyaga muling naghintay sa parking area ng CEN si Amere. Plano niyang kausapin si Opah tungkol sa impormasyong nalaman buhat kay Red nang nagdaang gabi. Kailangan niyang malaman ang dahilan ng paglilihim nito sa kaniya, and maybe he would consider telling her some of his secrets. Dalawang oras na ang lumipas ay wala pa rin si Opah. Hindi rin niya ito ma-contact sa cellphone number nito. He had no choice because it was already past nine in the morning. He had to get his a*s off the car and directly head to the boss’s office now. “Amere! Nag-report ka na ba kay Boss?” bati ni Becka sa kaniya nang makasalubong niya ito sa pasilyo. “Boss who?” “Perry. Kanina ka pa niya gustong makausap.” “I just arrived. I’ll go see him now.” Nakalampas na si Becka sa kaniya nang maalala niya itong tawagin. Lumingon ito nang marinig ang pangalan. “Yes?” “Has Opah arrived yet?” alanganin niyang tanong rito. He was expecting Becka to smile and tease him, knowing his personality, but he didn’t. “Nope. Oo nga ano, parang wala pa siya. Mukhang absent ah.” Kinuha nito ang cellphone at sinubukang tawagan ang dalaga. “Her phone is dead.” Natigilan siya sa sinabing iyon ni Becka. Pakiramdam niya ay tumigil ang pag-inog ng mundo habang ang mga huling sinabi nito ay nagpaulit-ulit sa kaniyang pandinig. ‘Her phone is dead...her phone is dead...is dead...is dead...’ “Amere?” Tila siya nakatulog sa kinatatayuan, kung hindi pa siya naisipang tapikin ni Becka sa pisngi. “Ayos ka lang ba?” “Napilitan siyang tumango kahit ang totoo ay biglang sumama ang pakiramdam niya. Hindi niya magawang ipaliwanag ang nadarama habang nasa balintataw niya ang maamong mukha ni Opah. ‘Opah...Mahal, please be safe...’ bulong ng kaniyang isip. “Susubukan kong tawagan ang mommy niya. Magpapasabi naman iyan kung may sakit, unless she accepted the vacation that Boss Perry offered her yesterday.” “Vacation?” he parroted. “Yes. I heard ikaw rin,” anito habang lumilinga sa paligid. Alam nitong confidential na ang mga sinasabi nito. “I haven’t talked to the boss yet. Ang akala ko ay sabay kami ngayong umaga,” sagot niya sa pag-asang makakuha ng ilang impormasyon mula sa kausap. Gayon man ay alam naman niya ang plano ni Opah. Sa tono ng pananalita ng dalaga nang huli niya itong makausap ay alam na niyang agad nitong kakausapin si Perry tungkol sa desisyon nito. And now, she didn’t report to work. Her vacation might be effective that same day, then. “Thanks, Becka. Please inform me when you get to talk to her. May importanteng details lang akong kailangang itanong sa kaniya tungkol sa SP.” “Sure.” Iyon lang at tinalikuran na siya ni Becka. Nang makaupo sa harap ng sariling mesa ay agad niyang kinuha ang cellphone at sinubukang tawagan si Red, pero hindi niya pa rin ito ma-contact. Isinunod niyang tawagan nang ilang ulit si Opah, pero wala pa rin. Maging ang cellphone ng kaniyang ina at ng kapatid na si Claire ay unattended sa kaniya. Iritadong ibinagsak niya sa ibabaw ng mesa ang kaniyang cellphone. Noon naman ito biglang nag-ring kaya nagulat pa siya at napaangat sa pagkakaupo. Nang silipin niya ang caller sa screen ay unknown number ang nakarehistro roon. Hinayaan niyang tumigil sa pag-iingay ang cellphone pero nang muling tumunog iyon ay sinagot na niya ang tawag. “Red...” ANG KAIBIGANG si Red ang caller niya. Nasa labas raw ito at hihintayin siya. Dali-dali niyang pinuntahan ang street kung saan nakaparada ang kotse nito. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan sa gawing kanan at lumulan siya roon. “That was close last night,” sabi nito sa kaniya. “I actually expected to be caught. Hindi ko akalaing may sa pusa ka pala.” “Employees in Eych are all trained and ready for those kinds of circumstances,” sagot nitong bahagyang napapangiti. “Where are we going?” tanong niya rito nang maramdamang umaandar ang sasakyan. “We need to move. Don’t worry, ibabalik din kita agad.” Mabagal lang ang patakbo nito at halatang walang tiyak na direksiyong nais puntahan. “Amere, sa trabaho natin, kailangang lagi kang handa. Hindi ka rin dapat gumamit ng puso, mind over matter sa lahat ng oras.” “I’m not going to be one of you--” “Don’t worry, I’ll guide you. You just have to--” “Are you even listening, pare? Ang sabi ko ay hindi ako puwedeng mapasama sa inyo. Buo na ang desisyon ko. Tatanggapin ko ang bakasyong inaalok ng kompanya.” “That means accepting death, pare.” “Ano’ng sinabi mo?” gulat niyang tanong rito. “Tulad ng bagay na alam mo na, nasa panganib ang buhay niyo ngayon ng kasama mong babae sa Sinugban. Whether you like it or not, you should cooperate.” “Hindi kaya sa Eych na iyan pa kami mapahamak?” “No, pare, you don’t mean to say that. Kung maipapaliwanag ko lang sa’yo sa mabilis na paraan.” “I’m listening.” Humugot ng malalim na paghinga si Red saka itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Ang bahaging iyon ay tila dulo na ng village na pinasok nito, kung saan nagtataasang d**o at malawak na kalangitan lang ang nakikita nila. Sa kabila ng makapal na d**o na iyon ay may mataas na pader na alam nilang nakatunghay sa isang mataas na bangin. “Can you remember your childhood years, pare?” Marahan siyang umiling at ikinuwento rito ang dahilan kung bakit hindi niya magawang maalala ang buhay niya before the accident. It was like he was born at the age of fourteen. “Hindi mo maalala dahil ninakaw ng dagat ang memorya mo. Hindi ko alam kung bakit dahil ayaw rin nilang sabihin sa akin kung bakit ikaw ang unang assignment ko. Ang sigurado lang ako ay ang katotohanang hindi ka isang mortal, pare. And I think you, yourself, know that.” Napatitig siya sa kaibigan sa mga salitang binitiwan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD