Chapter 5

2166 Words
EnjoyReading.... Yna's POV Nagtataka na ako sa kinikilos ni Hayila at Crakky. Kunot noo akong naglakad papalapit sa sala ng marinig kong naguusap sila at tungkol sa akin yun. Sa totoo lang hindi naman magtatago si Hayila sa akin kung hindi talaga yun kailangang sabihin. "Kailan mo sasabihin honey? Hindi natin sila matatago dito." Sabi ni Crakky habang yakap yakap si Hayila. Magkatabi sila sa sofa at magkayakap. Halos nakapatong na si Hayila kay Crakky. Nakakainggit talaga ang dalawang ito. Sana ganito kami ni Ainsley kapag naayos namin ang gusot na meron kami ang relasyon namin. Edi sana hindi nahihirapan ang anak namin. Si Kyla din ang isa sa iniisip ko. "Alam ko naman yun mahal pero kasi ayaw ko ng masaktan si Yna. Hangga't maaari wag na muna natin sabihin. Hindi naman importante." Sabi nito at hinalikan si Crakky sa labi. "Let's make love. Sundan na natin ang bunso natin." Malambing na sabi ni Crakky. Napailing iling nalang ako sa dalawa. "Che! Katatapos lang natin kanina. Tigang ka nanaman?!" Inis na tanong ni Hayila. Bago pa mapunta kung saan ang usapan ng dalawa umalis na ako at pumunta sa taas. Naglalaro kasi ang mga bata dun. Gusto ko padin malaman kung ano yung tinatago ni Hayila at Crakky sa akin. Pero siguro masyadong importante yun na kailangan na sila lang ang nakakaalam. Hindi naman gagawa si Hayila na ikakasama ko. Sabi ni Hayila ayaw niyang masaktan ako. Nakakataba ng puso kapag may kaibigan ka na para mo ng kapatid ganon yung turing ko kay Hayila. Masyado din siyang importante sa akin. Napabuntong hininga ako ng mapatingin ako sa wedding ring namin ni Ainsley. Kahit na pinermahan ko na yung annullment papers namin hindi ko magawang tanggaling ito sa kamay ko. Pati yung engagement ring. Napakagat labi ako dahil naramdaman kong naginit ang sulok ng mga mata ko. Umiling ako ng marinig ko si Kyla na papalapit sa akin. "Mommy uwi na po tayo." Sabi ni Kyla habang nakangiti sa akin. Binuhat ko siya at pumunta kaming sala at yung dalawa naman ay nanonood ng TV. Buti nagkakaroon ng oras si Crakky kay Hayila. Ang saya saya na ni Hayila. Sa lahat ng sakit na naranasan nito. Deserve niyang maging masaya. Ako din. Oo ako din. Kasi umaasa ako na sa lahat ng naranasan kong sakit. Paggising ko isang araw masaya na ako. Malaya na ako sa nakaraan. "Hayila una na kami. Naiinip na kasi si Kyla baka namiss na yung kama namin." Nakangiti kong sabi kay Hayila. Bigla naman akong may nakita na kaba sa mga mata niya. "A-ahm pwede bang dito muna kayo? Gusto pa kitang makasama eh." Sabi ni Hayila sa akin. Lumapit ako sa kanya at ngumiti. "Hayila naman wag kang mag alala sa akin, sa amin ni Kyla. Uuwi na kami tsaka babalik nalang kami ni Kyla dito. Welcome naman kayo sa condo eh. Kung namimiss mo ako pwede naman tayong magbonding tatlo ni Aliyah. Pero ngayon uuwi muna ako, okay ba yun mahal?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Nagkatinginan naman sila ni Crakky. Bago unti unting tumango si Hayila at yumuko. "Hatid kana namin." Nakangiting sabi ni Crakky pero mababakas mo sa kanya yung kaba. Ano ba talagang nangyayari sa dalawang ito? Tumango naman ako at binuhat si Kyla kahit nahihirapan ako. Agad naman lumapit si Crakky at binuhat si Kyla. Siya nalang daw dahil mabigat na si Kyla. Paanong hindi bibigat? Kain ng kain ang taba taba na nga niya eh. "Papa ninong mabigat na po ako pero nabubuhat niyo padin ako." Nakapout na sabi ni Kyla kay Crakky. Tumawa naman ng malakas si Crakky at ginulo ang buhok ni Kyla kaya yung anak ko nakabusangot lang habang pinipigilan si Crakky. Kung sana nandito si Ainsley at tanggap niya si Kyla. Pinapakitaan ko ng picture si Kyla na yun yung daddy niya. Yung hope na nakikita ko sa mga mata ng anak ko ang nagpapakaba sa akin. Kasi alam ko na mawawala yun habang tumatagal na wala namang Ainsley na bumabalik. Siguro may anak na sila ni Annika. Masaya na at handa ng magpakasal. O baka nga kasal na silang dalawa. Wala namang imposible kung si Ainsley. Makakagawa yun ng paraan para makuha niya ang gusto niya. Nang nakalabas na kami nila Crakky sa bahay nila nakangiti ako kahit na sa loob loob ko masama ang loob ko at patuloy na nasasaktan. Pero nagulat ako at napatingin sa lalaking tumawag sa pangalan ko. "Yna." Third Person's POV Napabuntong hininga si Ainsley habang nakayuko sa kotse niya. Hindi niya akalain na tinago ito ng parents niya. Nagulat din siya ng malaman na wala pang kaalam alam ang parents niya na nangyari sa kanila ni Yna. "Naku anak ikaw ba yan!?" Nagtitiling tawag sa kanya ng mommy niyang pababa sa hagdan. Napabalit ang gulat ang muka niya dahil ang ineexpect niya ay suntok o kaya sampal dahil sa nangyari sa relasyon nila ni Yna. Botong boto ang mga ito kay Yna. Hindi din nila alam kung anong nangyari sa relasyon nila matapos nilang ikasal ni Yna. "Nasan ang asawa mo bakit hindi mo kasama? Ang apo ko nasan?" Nakangiting tanong sa kanya ng mommy niya. Hindi niya ito maintindihan. "H-huh?" Magtataka niyang tanong dito. Hindi ba nila siya sasampalin? Why is that? "Anak may jet lag kaba? Si Yna at Kyla nasaan? Ikaw ah hindi ko man lang sila isinama dito para mayakap ko ang apo ko!" Nagtatampong sabi ng mommy niya. Mas lalo naman siyang nagtaka sa pinagsasabi nito. "Nagkausap kami ni Yna at nagtanong ako sa kanya kung nasaan ka dahil ang tagal mong hindi nagpapakita sa amin ng daddy mo tapos malalaman ko na pumunta kang ibang bansa para mag trabaho! Siraulo kaba!? Iniwan mo yung mag ina mo dahil sa trabaho? Sabi ni Yna umuuwi ka naman daw pero dalawa o tatlong linggo kalang dito tapos hindi mo naman kami dinadalaw. Nagtatampo ako!" Sabi ng mommy niya. Nagsinungaling si Yna sa mga magulang niya?! Bakit?! "Sandali nga at tatawagin ko yung daddy mo! Nasa library at may inuwing trabaho. Sure akong matutuwa yun ngayong umuwi kana." Sabi ni mommy at tumakbo paakyat sa hagdan. Bakit hindi sinabi ni Yna ang totoo sa mga magulang ko? Napailing siya at nasa harapan na siya ng bahay nila Crakky. Hindi niya alam kung bakit gusto pa niya itong kausapin at masagot lahat ng tanong niya. Napatingin siya sa pinto nila Crakky ng may marinig na tawanan. At Nakita niya ang ngiti sa mga labi ni Yna. Sobrang daming nagbago dito. Naging matured ang muka nito dahil sa short hair niyo. Mas mataas lang ng konti sa balikat nito ang buhok niya. May nakita din siyang bata na buhat buhat ni Crakky. So cute. "Y-yna." Mahinang tawag niya sa dalaga. Sapat para marinig ng mga ito. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Yna ng magtama ang paningin nilang dalawa. Parang may sumakal sa puso niya dahil dun. Umubo siya dahil imposible. Hindi na niya mahal ni Yna at nandito siya para sa annullment papers nilang dalawa. Hindi para makipagbalikan at iayos ang gusot sa relasyon nila. Babalik ako kay Annika. Nagulat nalang siya ng may nakayakap na sa binti niya. Nanlamig at nanigas siya sa kinatatayuan niya na yung buhat buhat na bata ni Crakky ay nakayakap na sa kanya. "Daddy? Bakit ngayon kalang po?" Nag angat ng tingin sa kanya yung batang babae at may sumuntok sa puso niya ng makitang umiiyak ito. Pero ng makita niya si Yna at Kian na hubad hubad na nakahiga sa kama biglang nagdilim ang paningin niya at dumaungdong ang galit niya sa dibdib. Bigla niyang tinanggal ang pagkakayakap sa kanya ni Kyla at umatras. Nakita naman niya ang sakit sa mga mata ni Yna kaya mabilis na binuhat si Kyla na pilit siyang inaabot. "No! I want my daddy! Mommy please! Daddy!!" Umiiyak na sigaw ni Kyla. Napatingin naman si Yna kay Crakky kaya agad na inagaw sa kanya si Kyla at pinapasok sa loob ng bahay. "Hayop ka talaga! Pati sa anak mo hindi mo kayang tumino!" Sigaw ni Hayila sa kanya at handa na siyang sugudin ng humarang si Yna at harapan ni Hayila. "Ano nanaman Yna?! Anak mo na ang pinaguusapan dito! Wala talagang gagawing maganda si Ainsley sayo!" Sigaw ni Hayila. "Alam ko! Mahal please! Magtiwala ka naman sa akin." Mahinang sabi ni Yna at nanginig na ang boses nito. Napakagat labi siya. Yna's POV Masakit lalo na pag nakita mong tinulak ng tatay mismo ni Kyla ang anak ko. Nangyari at dumating na ang araw na kinakatakutan ko. Ang makita kong nasasaktan ang anak ko. Bakit pa kasi siya bumalik pa? "Hayila alam ko. Anak ko yung masasaktan please naman oh magtiwala ka naman sa akin." Sabi ko sa kanya at pilit na pinipigilan na maiyak. Hindi ako pwedeng maging mahina sa harapan ni Ainsley. Magkakasakitan nanaman kaming dalawa. "Tiwala?! Kanino sayo?! Naalala mo noong huli kitang pinakatiwalaan na kaya mo ang sarili mo. Anong nangyari sayo?! Umiiyak kang lumapit sa akin kasama si Kyla. Alam mo kung hindi mo kayang pigilan ang pagmamahal mo sa demonyong ito!" Sabi niya at dinuro si Ainsley na tahimik lang na nakamasid sa amin. "Sige! Pumunta ka sa kanya, grabe sasama ka ulit sa lalaking ito?! Seryoso kaba? Tandaan mo sa lahat ng desisyon mo damay na si Kyla. Bahala kana sa buhay mo. Nakakasawa ka ng pangaralan." Sabi nito at umalis para pumasok sa bahay nila ni Crakky. "Hayila." Tawag ko sa kanya puno ng luha ang mga mata ko. Ang sakit sakit ng mga pinagsasabi niya sa akin at ang mas masakit. Totoo ang mga yun! Totoong masasaktan nanaman ako. Dahil aminin ko man o hindi. Mahal ko padin si Ainsley. Gusto ko lang naman mabuo ang pamilya ko. Humarap sa akin si Hayila. "Magpakatanga ka muna kay Ainsley. Kunin mo dito sa bahay pag tapos ka ng maniwala sa kasinungalingan ng lalaking yan. Alam mo Yna? Ang lalaking yan ang papatay sayo." Sabi nito at tumalikod na pagkatapos ay naglakad papaalis. Iniwan niya din ako. Napaupo ako sa sahig dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Tama siya lahat ng desisyon ko damay si Kyla. Dapat piliin ko yung hindi makakasakit sa anak ko. Nagulat nalang ako ng may humawak sa akin at hinila ako papasakay sa kotse niya. Hindi na ako umangal gusto ko din naman siyang makausap at makasama. Tanga ko nanaman. Tahimik lang kaming nakaupo sa loob ng sasakyan niya. Walang gustong magsalita. Napatingin ako sa bintana kung nasan ang kwarto nila Crakky at Hayila at ganon nalang ang sakit na naramdaman ko ng makita kong nakatingin din si Hayila sa gawi namin. Hindi ko kaya na pati si Hayila mawawala sa akin. "Bakit hindi mo sinabi ang totoo sa mga magulang ko?" Malamig na tanong ni Ainsley sa akin. Namiss ko ang boses niya. Kahit kasing lamig pa yun ng yelo. Ilang taon din kaming hindi nagkita. Ilang taon din akong nangulila sa kanya. Kahit na sobrang sakit na. Masaya naba ito kay Annika? Tumingin muna ako sa kanya bago yumuko. "Para ano? Para magalit sila sayo? Alam ko yung pakiramdam ng walang magulang Ainsley alam mo yan. Kaya hindi ko sinabi." Sabi ko sa kanya habang nakayuko. "Tsk. Umaasa ka padin talaga no?" Tanong niya sa akin at ramdam ko ang pagiinsulto sa boses niya. Oo......"Hindi sa umaasa. Kundi humihingi ng closure para makahinga na ako ng maluwag. Alam mo na, piece of mind." Sabi ko habang nakayuko. Si Kyla ang pipiliin ko. Maging masaya siya. At magiging masaya ako kapag malayo ako kay Ainsley. Natahimik nanaman kaming dalawa ni Ainsley. "Bakit nasa condo pa kita? Kayo ni Kyla?" Tanong niya sa akin.. Gusto ko kasi sa bawat sulok na nakikita ko naaalala kita. Miss na miss na kasi kita. "Aalis nalang kami dun. Bukas na bukas kukunin ko na lahat ng gamit namin si Kyla duon." Sabi ko at pinatatag ang boses ko. "Paano ko sasabihin ang totoo sa mga magulang ko?" Tanong nanaman niya sa akin. Kailangan mo ba talagang sabihin na tapos na tayo? "Magpapaliwanag din ako pero alam ko na kung nagkataon mang magalit sila sayo mawawala din yun agad." Mahinang sabi ko sa kanya. "Wala kana bang sasabihin? Papasok na ako sa loob baka hinahanap na ako ni Kyla." Sabi ko sa kanya. "Kamusta ang a-annullment natin? Tapos na ba yung proseso?" Tanong nito sa akin. Patapos na kaya nga masakit eh. "Matatapos nadin yun tsaka kung gusto mong mabilisan diba may koneksyon ka naman. Gamitin mo yun para mas mapabilis baka nga bukas tapos na eh. Malaya kana." Sabi ko sa kanya. Lumabas na ako at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay nila Crakky. Nakita ko sa sala si Hayila. Napakagat labi ako. "Mas pinili ko si Kyla." Sabi ko Ngumiti naman siya at yumakap sa akin. "Tama ito. Magstart ka kasama si Kyla. Si Kyla lang." Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Si Kyla lang. - - - - - - Please READ, VOTE & COMMENT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD