bc

Behind Roses and Thorns (Filipino)

book_age16+
511
FOLLOW
1.4K
READ
possessive
fated
second chance
heir/heiress
drama
sweet
bxg
lighthearted
serious
city
like
intro-logo
Blurb

Hindi maintindihan ni Cecilion Delamere ang ipinapakitang poot sa kan'ya ng kapwa gurong si Carmilla Ansaac. Mula sa unang araw pa lamang nito sa unibersidad bilang college instructor ay napansin na niyang may dinadala itong muhi sa kan'ya kahit hindi naman niya ito kilala. Gayunpaman, pinilit niyang huwag magpaapekto ngunit mas'yadong mapaglaro ang tadhana dahil palagi silang nagtatagpo ng landas kahit pa sa lawak ng unibersidad.

Sa hindi mawaring rason, ang puso't isipan niya'y hindi makapagpahinga sa tuwing naglalaro sa kan'yang isipan ang maganda nitong mga matang animo ay may malalim at mapait na dinadala. Posible kayang may mabigat na rason ang babae para sa tinitikis nitong galit?

Date Started: January 18, 2021

Date Ended:

@ColoredHands, a stand alone novel.

Language used are English and Filipino

chap-preview
Free preview
Prologo
"T-Teka! Hintay!" Humihingal na tumigil ang isang batang babae mula sa mahabang pagtakbo, ang dalawa pang mga kamay ay itinukod sa magkabilang tuhod habang naghahabol ng hininga. Tumutulo sa noo nito ang iilang butil ng pawis na hindi na niya nabigyang-pansin lalo na at ang importante lamang sa kan'ya ay ang maabot ang lalaking naglalakad sa unahan. Sa mahahaba at may kapayatan nitong mga paa ay hindi kataka-takang mabilis itong maglakad kumpara sa kan'ya na kinailangan pang takbuhin ang distansiya sa kanilang pagitan upang tuluyang makalapit. Nakita niya itong huminto at mabagal siyang nilingon kaya mabilis siyang tumayo nang tuwid, pinagpagan ang mahabang sayang nagkalukot-lukot na ang laylayan dulot ng tinik ng mga rosas na ginambala ng kan'yang pagtakbo saka ito matapang na hinarap. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay walang ibang maramdaman ang labing-limang taong gulang na si Carmilla kun'di purong paghanga para sa lalaking ang mga mata ay walang kasing tanglaw. Punong-puno ang kan'yang damdamin ng saya para sa pinakaunang pagkakataong makaharap ito habang suot ang damit na matagal niyang pinag-ipunan. Para sa mura niyang damdamin, wala ng mas gaganda pa sa tsansang makita ito, makausap at sana... Sana makasama ito sa iilan nitong paglalakbay. "Why… are you here?" mababa at seryoso nitong tanong bago ang paningin ay dumapo sa mga rosas na nakatanim sa buong sampung ektarya ng lupain. Dahil hindi ito nakatingin ay natitigan niya ito nang ilang segundo. Wala nang mas gaganda pa sa hubog at tangos ng aristokratiko nitong ilong. Ang labi naman nito'y bagaman at laging nakalinya ay tunay na may ikabubugang pulidong hugis at kulay na animo ay hinalikan ng maputlang rosas. Malalalim at mapang-arok ang mga mata nitong kayang-kayang pahinain si Carmilla sa isang tingin lamang at dahil sa likas itong matangkad ay payat itong tingnan. Gayunpaman, hindi nabigo ang poon sa paghulma ng kaanyuan nito dahil nagtataglay lamang ito ng nag-uumapaw na karisma kahit sa walang kabuhay-buhay nitong ekspresiyon. Isang bagay, na tunay na ikinamangha ni Carmilla sa pagkatao nito. "A-Aalis ka…" Ibinaba niya ang tingin sa sapatos. Nagkaputik-putik pa iyon mitsa ng basang lupa dahil kadidilig lamang ng buong plantasiyon.   Nang hindi ito sumagot ay napilitan siyang tingnan ulit ito pero kaagad niya iyong pinagsisihan dahil ang matiim nitong titig ang bumungad sa kan'ya. Mas lalo lamang umapaw ang kaba sa kan'yang dibdib lalo na nang maisip niya ang mga posible nitong sasabihin. Noon pa man, alam na ni Carmilla na wala itong interes sa kan'ya maliban na lamang sa ipinangako nito sa donya. Matagal na rin niya iyong tinanggap pero hindi iyon naging rason para tikisin niya ang kagustuhang makita ito araw-araw at kahit pa ang pagpapahalaga nito sa kan’yang minsan ay mas malalim pa sa pagiging nakakatandang kapatid lamang. Nakukontento na siya sa panonood rito mula sa malayo noon, ang atensiyon ay nahahati sa iniuutos ng mayordoma at sa mismong haciendero. Ni minsan ay hindi niya naisip na darating siya sa puntong magiging ganito siya kalapit sa binata. Nag-iisang anak ito ng Don at Donya Conciello Delamere na may hawak ng pinakamalawak na lupain sa probinsiya ng Provedence. Nakilala niya si Cecilion nang minsan ay isinama siya ng ina na kasalukuyang naninilbihan sa hacienda bilang katulong. Unang paglapat pa lamang ng kan'yang tingin dito na noon ay abala sa pagtipa ng mga piano keys sa may music room ng mansiyon, nakadama na si Carmilla nang matinding paghanga sa lalaki na halos tatlong taon din ang tanda sa kan'ya. Sa kagustuhang mas makilala pa ito ay napagdesisyonan niyang tumulong at manilbihan na rin sa hacienda kada-hapon pagkatapos ng eskwela. "I am," tipid nitong tugon bago ulit inalis ang tingin sa kan'ya. Kahit na alam na niya ay hindi pa rin niya naitago ang pagkahabag sa kumpirmasiyon nito. Damang-dama niya ang pagbagsak ng dalawang balikat at ang agarang paglabo ng kan'yang paningin hatid ng luhang nagbabadyang malaglag. Naninikip ang kan'yang dibdib sa sakit. Mas'yado pa siyang bata para makadama ng ganito pero alam niyang totoo ang kan'yang damdamin para dito. Kahit mas'yadong imposible, wala siyang ibang inaasam kun'di ang makasama ito maliban pa sa pag-irog ni Cecilion. "H-Hindi na pala mapipigilan..." mahina niyang usal na sa pandinig ng kahit sino ay isang katanungan. "M-Malayo siguro, ano? Maynila? B-Basta ba... siyudad?" pumipiyok ang boses na pagpapatuloy niya habang kinukuyom ang mga kamay sa likuran upang patatagin ang sarili.   Wala siyang narinig na sagot mula rito pero wala na siyang natitirang lakas ng loob na tingnan ulit si Cecilion dahil baka mas lalo lamang siyang maluha sa sakit. Sa estado nila, nakapagitna ang katotohanang hindi siya ang tipo ng babae para dito pero sa mga taong nakilala niya ito ay hindi nito kailanman pinamukha sa kan’ya na may distansiya sa pagitan nilang dalawa. "Kung aalis ba ako... sasama ka?" mas mababa sa natural nitong boses na tanong nito. Napatda siya sa naging pahayag nito, hindi mawari kung bakit nito iyon nasabi. Nakagat niya ang labi bago umiling na halata namang nakita nito dahil ramdam niya ang malalim nitong titig sa kan'ya. "H-Hindi maaari," banayad at kababakasan ng lungkot sa tonong sambit niya. "What did I even expect..." may pait sa tonong bulong nito. Mayamaya ay nakita niya itong tumango. "Don’t worry." "A-Ano?" gulantang niyang tanong at hindi na napigilang tingnan ang binata. Nahuli niya pa itong nakataas nang bahagya ang gilid ng labi ngunit hindi kagaya ng nakasanayan niyang makita ay wala iyong kababakasan ng pang-aasar o kung ano pa mang kasiyahan. "Babalik ako. Give me some years." Isinuksok nito ang isang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon saka inanggulo ang katawan sa malawak na taniman ng rosas. Umihip ang malamig na panghapong hangin kaya kitang-kita ni Carmilla ang pagsasayaw ng iilang hibla ng may kahabaang buhok nito. Muli ay kumabog ang kan'yang puso sa sinserong paghanga para kay Cecilion na hanggang ngayon ay nananatiling misteryo para sa mura niyang isipan. "You can always choose to wait or not, Carmilla. But I will still return… and when I do so, I hope you would..." Hindi nito tinapos ang sasabihin kaya hindi niya maintindihan ang nais nitong ipahawatig. Pumitas ito ng isang rosas sa may gilid saka ito itinaas hanggang sa may baba, ang mga mata ay natuon doon nang ilang segundo bago bumalik sa kan'ya. Pinanood lamang ni Carmilla kung paano ito maglakad palapit, mabagal ang bawat hakbang. Mas lalong lumakas ang pintig ng kan'yang puso kaya halos hindi na niya pinakawalan ang hininga. Nang iabot nito ang rosas sa kan'ya ay tulala at wala sa sariling tinanggap niya iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
138.9K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

He's Cold Hearted

read
160.7K
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
442.4K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook