bc

Nefarious

book_age16+
631
FOLLOW
2.3K
READ
dark
possessive
reincarnation/transmigration
age gap
fated
twisted
bxg
mystery
illness
slow burn
like
intro-logo
Blurb

Celeste Ambrosia is dying. Slowly, and painfully. Determined to have a purpose in life, she runs away from the foster system and settles living alone in an unknown, unmarked city. She likes her new home, the morning view, and even the nearby lake but her only problem is her neighbor that lives in a castle, and is apparently a hypnotic, seven-feet-tall, blood-sucking vampire.

Konstantine Drakov Crinamorte is a thousand-year old creature that roams the world since it was created but ever since his wife died, he locked himself inside his castle. He infinitely despises humans so when a foreign girl from a foreign city dares to live beside him, he finally wakes up from his sleep and gets out of his coffin.

When the two meets, it is the irony of the two worlds. Nothing bad can possibly happen between a dying girl, and an eternal creature, right?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Mangkukulam “You mean to say… I’m dying and there’s nothing I can do about it.” Kahit na napipilitan, ngumiti ako sa mga doktor na kaharap. Isang matandang lalaking namumuti ang nauubos nang buhok, nakasalamin at nakatinging seryoso sa akin. In my opinion, he did a much better job than the one standing beside him. The other doctor, male, and looking in his late twenties couldn’t even look at me – a seventeen-year-old that was slowly dying. “Celeste…” Hinawakan ni Marcela ang balikat ko. Ang kaniyang boses ay mas bumaba, mas tumamlay. “We strongly advise home care, Miss Ambrosia. Please look at these…” Inabot ng matandang doktor ang iilang klase ng mga brochure. It was lengthwise and shiny, and smelled like old cupboards. The big and bold letters at the front of each individual page were either written as ‘new home’ or ‘new life’ which were neither inviting nor comforting. It wasn’t as nearly as how a home would feel like. For me, it was a cage. Hindi nasusukat sa kahit anong tayog o taas ng pader ang isang bahay. Wala rin sa pagkaing hinahanda tuwing umagahan, tanghalian, at hapunan. Kung may isang taong tatanungin tungkol sa kung ano ba ang basehan para maging tahanan ang isang bahay ay ako na yata ang papasok sa lahat ng hahanaping criteria. I was an orphan at an early age, fostered by different types of people, and jumping from one home to another. So, in a way, I already lived more than most lifetimes could, switching lives almost every two or three months. Tumira na ako sa isang maliit na bahay na tanging tanghalian lang ang binibigay. Tumira na rin ako sa isang mansion na kahit anong bagay na nainisin ko ay pwede kong makuha sa isang pitik lang ng mga daliri. At kung may magtatanong, tumira na rin ako sa isang bahay na tinalo ang dalawang binanggit kong nauna dahil sa lahat ng umampon sa akin ay doon ko lang naramdaman ang ibig sabihin ng salitang pamilya. “Salamat po…” sabi ko sa matandang doktor ngunit kahit ilang hibla ng buhok na lang ang layo ng mga brochure ay hindi ko pa rin hinawakan. All my life, I had been living under different types of roof that were so many and so different from each other that I was able to recognize what type of pipes they used at the first step inside. I didn’t need another one, didn’t need another cage in the last of my breaths. “We’ll leave you two to it." Tumango ang matandang doktor sa akin at kay Marcela. There was something about the old doctor that I couldn’t quite pinpoint. Maybe he too was old and slow that I was able to remember my old home where I felt the safest. It was the best three months of my life. Feeling belongingness under the care of the two old, married couple that weren’t able to conceive a child in their marriage. Namatay ang matandang mag-asawa sa hindi inaasahang pangyayari. “Ayos ka lang ba, Celeste? Anong iniisip mo?” Kaagad akong dinaluhan ni Marcela. Anong iniisip ko? I looked down at the floor. It was so shiny, polished and clean. Ano bang iniisip ko? “I’m fine, Marcela…” I said. No, I wasn’t fine. I was far from it and it hurts to say otherwise. I wanted to shout at her because you’re not supposed to ask those types of questions to someone who just found out that they’re dying. It was impolite and insensitive. But I couldn’t shout at her and could only smile in defeat. Because all those days that I jumped from one foster home to another ever since I was left in the orphanage and when the most important persons in my life left the world, I faced it all alone. I was not living, I was surviving. And it all bottled down to this. My life was a sad and terrible one. “Salamat kasi sinamahan mo ako. Hindi tuloy nalaman nila Sister. Para hindi na rin sila mag-alala.” Nag-angat ako ng tingin kay Marcela, ang classmate na nasa legal nang taon at tumayong guardian ko kanina. “Ikaw naman, Celeste. Ayos lang. Parang kapatid na rin kita.” Ngumiti siya sa akin, pinapakita ang pagkalumanay ng mukha. Parang iyon lang ang tanging nakita ko, hindi ang kumukurap at nakakasilaw na ilaw ng kwarto. Hindi ang katotohanang mamamatay na ako na wala man lang naging silbi sa mundo o sa kahit na kanino. Ang mga ngiti lang ni Marcela, isang taon lang na classmate sa eskwela at may malayong posibilidad na maging kadugo. Katulad nang mga nauna kong pagpunta sa ospital ay hinawakan niya ako, niyakap laban sa magulo at madilim na mundo. Hindi ko na napigilan ang panginginig at paghagulgol. Pagkatapos bisitahin ang ospital ay niyaya ko na ring umuwi si Marcela. Gusto niya pang kumain kami sa labas, at libre raw niya. Hindi na ako pumayag dahil gumagabi na rin. Baka hanapin siya sa kanila kahit pa mas matanda siya ng ilang taon sa akin. At isa pa, sapat na sa aking sinamahan niya ako kanina. I settled with the wave she gave to me before finally disappearing in the sea of people. It was the last time I saw her again. Sa bahay-ampunan na kaagad ang diretso ko. Ang bahay-ampunan ay katabi lang ng simbahang patron nito. Maliit lang. Masikip ang mga pasilyong pinalilibutan ng mga tanim naming gumamela. Kinakalawang ang sirang gate. At ang bawat pader ay may bulletin na ipinaliliwanag kung gaano ba kahalaga ang pag-aampon hindi lang sa mga mag-asawa at sa mga single kung hindi pati na rin sa mga bata at simbahan. Sinusubukan kong imemorya ang bawat detalye ng mga pader ng bahay-ampunan. Ang mga tanim nina Sister Betty at Sister Mina. Kahit ang mga ingay na nag-e-echo sa bakuran sa tuwing naglalaro ang mga bata. Matagal ko nang gustong umalis dahil kaya ko na ang sarili ko. Pinalaki na ako ng bahay-ampunan at ng simbahan. Hindi na nila kailangan pang buhayin ang isang katulad ko at mas magandang ilaan na lang ang gagamitin sa akin sa ibang batang mas may kailangan. Lalong-lalo na ngayon. Isang pasada pa sa kabuuan ng lugar bago ako tuluyang tumalikod at umalis, mahigpit ang hawak sa malaking bag na naglalaman ng mga damit at pera. “Oh, Legada! Legada! Aalis na! Legada de la Reina! Paalis na!” Nangingibabaw ang sigaw ng kundoktor ng bus kahit na mausok at matao sa terminal. Pagkatapos kong bumili ng ticket ay sumampa na kaagad ako sabay pakita ng maliit na papel. Tumango ang barker at muling nagsisigaw na para bang puputok na ang litid sa leeg. “Oh! Legada! Legada! Aalis na!” I settled in the seat next to the window. It was only a few minutes when the bus’ engine roared to life, speeding away from the city that I grew up in. Even in my sleep, I could hear the echoing voices of the doctors saying that I was slowly fading away. Hindi ko alam kung gaano katagal na ako bumabyahe pero nakatatlong palit na ng bus papuntang Legada de la Reina, isang malayong probinsiya na madalang makita sa mapa. Halos kalahating araw na rin akong bumabyahe. Nang tuluyan nang huminto ang bus sa isang bahay-kubong waiting shed ay naramdaman ko na kaagad ang pagod. Kinapos ako ng hininga at bahagyang sumandal sa kawayan habang naghihintay ng tricycle. Kinuha ko ang mineral water na binili sa stop over. The late husband and wife Alegre were my foster parents for a while. They were the old couple that didn’t have a child so they adopted me instead. Even old and a teen, they wanted me in their home and provided for me. I thought I finally found my family after all these years of searching, but they both died in car accident, leaving me all alone again. They did, however, left me a property once I come of age that the foster care wouldn’t be able to continue supporting. Alam kong hindi pa ako pinapaalis ng ampunan pero sa sariling desisyon ako umalis dahil sa sakit ko. Ayoko ng ibigay pa sa kanila ang pasanin. So, I was here. At a faraway town where the small property was located. It was much more meaningful and sentimental because even in death, both were still looking after me. Pagkatapos uminom ay muling sinilid ko ang mineral water sa malaking bag na dala. Ang paligid ng bayan ay lumang-luma. Lumang mga establisyemento, kinukupas na mga pader na kung hindi puting pinuputik ay nababakbak na mga semento, bihirang mga sasakyan at ang kakaibang hangin na bumabalot sa buong lugar. Madalas ay naglalakad ang mga tao at kung hindi naman ay nakasakay sa kabayo o kalabaw. Pare-pareho silang lumang ang suot – long sleeves, saya sa babae at maong para sa lalaki, balanggot na gawa sa hinabing dayami at botang natuyuan ng putik. It made me think of somewhat working in a farm. It must be their livelihood, judging the economy's vast and wide green lands stretching infinitely at the bottom of a huge mountain. Legada de la Reina was a sight to behold. Makalipas din ang mahabang paghihintay ay may dumaan ng tricycle sa wakas. Maingay at pumuputok-putok pa ang makina ng motor. Huminto ang tricycle sa harapan ng waiting shed, ang mamang driver ay mabilis akong dinaluhan. “Saan ka, miss?” tanong nito ngunit tiningnan ako mula ulo hanggang paa sabay ngiwi. “Uhh. Eto ho ang address, manong.” Binunot ko ang maliit na papel mula sa bulsa at ipinakita sa mama. Gamit ang puro lupang mga kamay at kuko ay inabot niya ang papel. Kunot-noo ito habang iniisa-isa ang bawat letrang nakasulat. Hinanda ko na ang mga gamit para sana isakay sa kaniyang maingay na tricycle. Kaunti lang naman ang mga ito. Baka kaunti lang rin ang bayad. Gaano kaya kalayo ang address ng bahay mula rito? Immediately, I stopped talking to myself only to face the local driver that was making such a commotion after reading the full the address out loud. Nanlalaki ang bilugang mga mata nito, laglag ang panga sabay bitaw sa papel. Dumausdos ang kawawang papel sa hangin pabagsak nang marahan sa naninilaw lupa. Bago ko pa man mapulot ay napaatras na ang mamang driver habang tinatanggal ang kaniyang balanggot. Dinuro niya ako gamit ang nanginginig na daliri. “M-M-Mangkukulam! Mangkukulam!” Nalaglag ang panga ko nang marinig ang sinabi ng mamang kinikilabutan sa takot. Hindi ako mangkukulam. At hindi rin naman ako mukhang mangkukulam! Napaupo sa panginginig ang driver at sinubukang makaalis sa pwesto. He failed miserably for a few times, scratching and clawing the dirt like a crazed chicken. It formed dust all around us, and with his incessant shouting, the other townspeople passing through were looking now at us. “Mangkukulam ka! Mangkukulam!” muli nitong sigaw.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
619.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
321.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
504.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook