Chapter 2

1747 Words
Chapter 2 Kastilyo Hindi ako mangkukulam. At paano naman ako magiging mangkukulam? Kakarating ko pa lang rito, pagod na pagod dahil sa byahe at hindi pa gaanong alam kung paano ang sistema. Kahit ang tutuluyan kong bahay ay hindi ko pa alam kung saang gawi. “Hindi po, manong! Ano bang pinagsasasabi mo?!” laban ko rito. Pero kahit yata anong paliwanag ko, kahit ipakita ko pa ang medical certificate ko na nagsasabing mamamatay na ako ay hindi siya maniniwala. Unang tingin ko pa lang sa bayan ng Legada at sa mga taong nakatira rito ay napagtanto ko na kaagad na hindi sila ang mga tipo ng taong kakalimutan ang mga iniingatang prinsipyo at mas lalong hindi kung uunahing paniwalaan ang isang dayuhang katulad ko. “L-Lumayo ka! H’wag kang lalapit! Mangkukulam!” Hindi magkamayaw ang mama habang hinihilahod pa rin ang sarili sa lupa. Bumwelo ako para itanggi ang mga pang-aakusa niya pero dahil sa sigawan naming dalawa ay mas lalo lang nakakuha ng atensyon mula sa mga dumadaan. Soon enough, more and more people stopped to watch the scene unfold, disdain in their similar, big, brown eyes. I was already having a mental breakdown aside from the physical exhaustion. The driver was on the ground, shouting helplessly while deliriously pointing his dirty fingers at me, standing and demanding to lower his voice. From a far, it surely looked like I was the one at fault. Mas lalo lang akong nainis. Lalo na sa mga pag-iling ng taumbayan habang nanunuod. Dismayang-dismaya sila sa dayuhang kadarating pa lang ay pumipinsala na kaagad. Wala naman akong ginagawang masama. Pinakita ko lang ang address na pupuntahan ko sana. Soon enough, people came closer like flies and circled us both. I made up my mind that this town was as weird as its arch at the entrance which clearly said, “mag-ingat”, instead of “welcome”. “Anong nangyayari, Simon? Sino ang babaeng ‘yan?” Dumalo ang isang matabang ale na may dalang palayok. Binaba niya ang palayok sa buhangin para tuluyan ang driver, si Mamang Simon, na makatayo. “Nakita ko, Lyn! Nakita ko! Nagpapahatid siya sa bahay! S-Sa… sa bahay!” “Ano? Alin ang nakita mo? Anong bahay?” Nagmamadali kong pinulot ang maliit na papel kung saan nakasulat ang address ng bahay ng mag-asawang Alegre. The small piece of paper was now colored like dirt. Bright yellow and brick red. Pinagpag ko ang papel sabay pasok sa bulsa. I looked at the big circle of men and women of the town. They must have created it when I was busy defending myself. But it wasn’t as big and loose as it was before, and the circle was completely filled with the townspeople throwing me a look and a curse or both. Their skin was a deep color of tan, almost bronze that I assumed was because of their hard work on the fields under the glaring sun. Itim na itim ang mga buhok na kung hindi nakapuyod pataas ay nakatirintas. Kahit lalaki ay mahahaba rin ang mga buhok. Out of all their similarities as the people of this town, the most intriguing one was their prejudice of me. “Bahay, Lyn! Bahay ni Alondra! Gusto niyang pumunta sa bahay ni Alondra!” There were loud, audible gasps rushing through the entire circle. When Mamang Simon said it, the townspeople took a step back. I watched how the anger in their eyes quickly dissipated into fear. “Dios mio! Lumayo ka sa babaeng iyan, Simon!” sigaw ni Aleng Lyn sabay hatak sa kwelyo ni Mamang Simon. Kinaladkad niya ang kawawang driver para lang maialis sa harapan ko. “Mangkukulam ka! Umalis ka rito!” “Mangkukulam! Layas!” Nakisigaw ang iilang mamamayan na sinundan pa ng ilan. “Anong ginagawa mo rito sa Legada? Bakit ka pa bumalik dito?!” “Alis! Alis!” “Susunugin ka namin kasama ng bahay niyo ni Alondra!” Para silang mga sinisilabang buhay na isda, hindi alam ang gagawin sa sobrang init pero imbes na mantika ay ang presensiya ko lamang ang naging gatilyo para maging ganiyan sila kalubha. “Mangkukulam! Kayong dalawa ni Alondra!” There it was again. That name. Sino si Alondra? What was about that house and why was Alondra always mentioned with it? “Hindi ko ho kilala ang sinasabi niyo. Bahay ho iyon ng Tatay at Nanay ko. Pamana nila sa akin. Hindi ko kilala si Alondra,” maliwanag kong sabi. Para silang mga sinasapian sa galit, papalapit nang papalapit sa akin. Whispers were everywhere. It was like a bad dream. Pumikit akong mariin ngunit parang tumigil ang lahat sa paghinto ng isang sasakyan. Binukas ko ang mga mata nang marinig ang kumakamot na gulong ng isang lumang jeep sa sahig. Mula rito, apat na unipormadong lalaki ang bumaba at pinakahuli ang isa, mas matanda sa mga lalaki at may balbas. “Tama na ‘yan, mga kasama! Hindi natin ganito tratuhin ang isang bisita,” aniya habang papalapit, tinitingnan isa-isa ang mga tao. That made the people cool down a bit. I breathed in relief. “Mayor! Hindi natin siya bisita! Gusto niyang pumunta sa bahay ni---” “Mang Simon, huminahon ho kayo. Huwag na ho nating balikan ang nakaraan.” “Pero, mayor~!” Whispers erupted again but this time, it was mere curiosity and not hatred. The town’s mayor found me inside the bamboo shed, sweating like a pig. Ngumiti ito sa akin at minuwestra ang daan paalabas. Dahan-dahan akong sumunod sa kaniya. Nang nilingon ko ang mga gamit ko ay isa-isa na itong kinukuha ng kaniyang mga tauhan. Sumakay ako sa kaniyang jeep. I was quiet the whole ride. I didn’t even know where we were going. As we traveled, I made a mental note that when I assumed that this town was old, I was certainly right. It really was old. Older than most cities. There was civilization but the town was like a community of all the old beliefs and practices gathered to stay here, all applied in how they live their lives. If I wasn’t harassed earlier, I would’ve appreciated the simplicity of the place and the colossal patches of land on the either side of the road. Minsan sa buhay ko, ganito ang inisip kong pangarap. Sa tabi ng dagat o sa paanan ng bundok. Hindi kailangan ng ingay ng siyudad dahil sapat na ang probinsiya. Ang simpleng buhay. “Maligayang pagdating ulit sa Legada de la Reina. Humihingi ako ng paumanhin tungkol sa nangyari kanina,” anang mayor nang huminto kami sa harapan ng isang maliit at lumang bahay. “Salamat po. Ito na ba ang address?” Binunot ko sa bulsa ang papel. Hindi naman ito tumingin at ngumisi lang sabay tango. Nilahad niya ang kamay para alalayan akong makababa. “Ako nga pala si Benjamin, ang alkalde ng Legada. Ang pangalan mo ay…?” “Celeste. Celeste Ambrosia.” Sinalubong ko ang nakalahad nitong kamay. Ngumising muli si Mayor Benjamin sabay lahad sa akin ng daan patungo sa lumang bahay. Unang tingin pa lang ay mukhang ilang taon na ring hindi tinirhan. “Sige, Celeste. Maiwan na kita. Pasensiya na ulit sa nangyari kanina. Kung may kailangan ka pa ay huwag kang mahihiyang lumapit,” paalam ni Mayor Benjamin bago tuluyang umalis. I waved silently, watching the jeep disappear on the long driveway. Nang naiwang mag-isa, nilingon ko ang bahay at napabuntong hininga. The house itself was situated at the back of the town’s decaying chapel. It looked so old that it seemed to be falling apart. Like the rest of the shops of Legada or maybe Legada itself. The unmarked city wasn’t even on the map like something was eating it from the inside. At kung susundan ko ang daan pagkatapos ng kapilya, makikita na ang likuan sa kaliwa kung nasaan ang bahay. Isang mahabang diretsong kooperatiba na tinatakpan ng matataas na talahiban at maisan sa magkabilang gilid. Lumalangoy ang mga halaman sa tubig na abot hanggang tuhod kaya maaaring hanggang ngayon ay nag-iingay pa rin ang mga tagak at bibeng naliligo rin doon. Hindi kalakihan ang bahay pero kung tatantyahin ay sapat na para sa tatlong titira. Malaki na para sa akin. The wooden walls were coated with blue paint but I couldn’t quite see it because of the paint wearing off. Even standing from outside, I could make out the large cobwebs vacating the entire space. No fence, no gates, and only a water tank stood as guard outside the house. There was a small patio facing the now setting sun, completed with two sets of backyard chairs and an umbrella – a skeleton of an umbrella. The house, being situated at a dead end, was a dead end itself. “Kaya mo ‘yan, Celeste. Kayang-kaya mo ‘yan…” bulong ko sa sarili. Unang tapak pa lang sa teresa ng bahay ay lumangitngit na kaagad ang kahoy. Binagsak ko ang mga gamit at napaubo dahil sa usok ng alikabok. I took out the keys and brought it near the door. Heck, I could even get inside without this damn key. Pwedeng-pwedeng sipain ang inaanay na pinto. Tuluyan ko nang pinasok ang susi sabay marahang tulak sa pinto. Lumangitngit din ito ngunit mas malakas, mas maingay. Tama ang hinala ko. Puros alikabok, agiw at dumi lang ang mayroon. Tumatakbo na sa isip kong mag-renta muna ng matutulugan kahit pa sa isang gabi lang pero sa pinakita ng taumbayan sa akin ay baka mas mauna pa akong mamatay habang natutulog ako kaysa sa sakit na mismong papatay sa akin. So, I did the most rational thing to do. I started cleaning, taking out as much cobwebs as possible as I could, never minding the spiders running up my arms or the occasional sneeze. Halos isang oras akong naglilinis ngunit parang hindi pa rin sapat. Dumidilim na. Nagpasya akong bukas na lang ulit ipagpatuloy. I brought the chair from the outside to the terrace. I made sure to lock my all things inside the house before finally drifting off to sleep. A loud thunder broke the tranquil sky, rumbling and rumbling for quite some time until it was gone. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na alintana ang pagod at gutom nang tuluyang kinuha ng dilim. The next morning, my back was aching like hell. I slightly thanked the sun and stars when the water tank of the house was working quite smoothly. The running, cold water felt like heaven on my skin. Ang higanteng bundok ang kaharap ko habang inuubos ang laman ng tanke. Sobrang lamig at sobrang sarap sa balat. Ito na ang magiging kaharap ko tuwing umaga hanggang sa mamatay. Nang ibaling ang tingin sa kabila ay para akong nabilaukan. Kahit pa mataas ang mga talahib o kung dapuan man nang hindi mabilang na mga tagak ang mga nakatayong karatula sa harap ay kitang-kita pa rin ang nakatanaw na gusali sa hindi kalayuan. Halos pagalitan ko ang sarili kung bakit hindi ito kaagad napansin kahapon ngunit marahil sa madilim na rin. Ito ang pinakakakaiba sa lahat, ang nangingibabaw sa buong Legada de la Reina. Isang kastilyo ang nakatayo sa tabi ng bahay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD