Chapter 3
Saklolo
The castle was more ancient than the town of Legada de la Reina itself, yet it looked so alive. It might be the only thing alive in this dead town, alive and breathing on its own more than any bones buried under the brick red soil. Pitted and scarred rocks, no longer the bastions of protection they used to be, stood as muted walls that stabbed the skies. The castle, like my small house, looked dark and empty.
After a couple of minutes, I finished showering. The loose t-shirt and jeans I wore that day were for the heavy cleaning I will do once I’m done doing my errands for the day.
Ang unang ginawa ko ay ang kumain ng umagahan sa hindi kalayuang karinderya. Maliit lang ang Legada kaya naglalakad din ang halos lahat ng tao. Kapag may buhat lang na mabigat gumagamit ng sasakyan katulad na lang ng dumadaang traktorang may dalang mga dayami habang kumakain ako. May naglalarong mga bata sa labas, may nagpapagpag ng mga basahan, at naglalako ng mga panindang itlog.
Life here was very simple.
“Akala ko pinaalis na ni Mayor Ben. Ang kapal talaga ng mukha…” bubulong-bulong ang isang kalapit na kumakain din.
Yes, it was indeed very simple until I came here and ruined their peace. And as much as I ruined theirs, they were ruining mine. It was a miracle that I was able to eat my first meal here without someone trying to poison me.
I mentioned that this was a small town and that only meant one thing: news travel like wild fire.
“Balita ko, pinapaayos daw ng babaeng iyan ang kuryente sa bahay niya. Ha! Akala naman niya susundin siya ng mga tiga-elektrikal. Tingnan lang natin kung hindi tamaan ng kidlat ang bahay niya!”
“Salot sa lipunan. Hindi na nahiya. Mangkukulam…”
Sakto ang pagdating ng isa ko pang order na putahe. Puros gulay lang ang in-order ko para naman maging maayos kahit papaano ang lagay ko habang pansamantalang nakatira rito. Ang magiliw na may-ari ng karinderya ang naglapag mismo ng pagkain sa aking lamesa.
“Salamat po…” I said, ignoring the audible gasps and whispers from the other customers.
I ate my food in silence.
Habang kumakain ay napadpad ulit ang isip ko sa katabing mansyon ng aking maliit na bahay.
Alam kong maliit na talaga ang pamanang bahay sa akin pero nang makita ang dambuhalang gusali ay mas lalo lang itong nanliit sa paningin ko. Parang isang lumang kastilyo na binunot mula sa mga librong binabasa sa mga bata bago matulog.
When I first saw the castle, it was exactly the first thing that ran through my mind. A castle from one of my bedtime stories. I actually experienced it from a wealthy foster home that only wanted a little girl to dress up and play princess with. Except, I was no princess. I wasn’t no beggar, too. And I guess that’s the problem with me. I didn’t even know what to call myself because I was asking that same question ever since I was a child.
The castle might look cold and dark on the outside, but in my mind, it was still a lonely castle in the middle of nowhere.
Pagkatapos kumain ay sa palengke naman ang diretso ko. Nakakatakam ang naglalakong mga puto at bibingka. Gusto ko ring bumili ng mga isda o karne para ihawin mamayang gabi. Ang sarap libutin at tuklasin ng Legada ngunit limitado lang ako dahil kung hindi pinapaalis ng may-ari ay sinisingil naman nang malaki.
“Magandang umaga! Anong okasyon, miss? Birthday? Pasko? Bagong taon?” masiglang bungad ng may-ari ng isang flower shop.
Tapos na akong bumili ng mga materyales pang-linis. Marami-rami rin ang nagastos. Sa susunod ay kailangan ko ng magtipid dahil baka sa susunod ay wala na akong gagastusin pa. Hindi ko sinasadyang maengganyo sa mga tinitindang halaman sa daan kaya pinasok ko ang flower shop.
“Hindi naman pasko o bagong taon,” natatawa kong puna sa may-ari.
“Hmm. Birthday?” Napaisip pa ang babae.
The flowers displayed outside the fragrant flower shop were quite attracting, lined up on the walls like soldiers but not really. Pink, yellow, and orange freshly picked buds that had just opened on the first daybreak, elegantly bowing at me as I crossed the street. However, the flowers inside the shop that I was seeing now were beyond anything bright and colorful and breathtaking.
May mga gumamela, daisy, lily, calla lily at lahat yata ng mga bulaklak na may ‘ly’ sa dulo.
For the moment there, I doubted the town being dead and rotting. It was a wonder that this kind of place existed in a lonely town.
“Ako si Gianna. Anak ako ng may-ari ng flowershop. Ikaw?” tanong sa akin ng babae sa kahera.
It was also a breath of fresh air that another resident welcomed me.
“Hello, Gianna! Ako si Ce---”
“Celeste Ambrosia?” ngisi niya.
“Right. The whole town knows about me. Why do I always forget that…” I whispered under my breath.
It was a wonder, really, not just this place but also the woman or co-owner of this place who was giggling at me. The way she braided her hair with tiny, white flowers, and her floral off-shoulder dress seemed more like her character. Not to mention this whole flower shop and its arrangement. Everything seemed bright and charming. Like her.
“Halata ngang turista ka lang. Hindi ko rin alam kung bakit mangkukulam ang tingin nila sa’yo. Mas mukha ka ngang nawawala kaysa sa maghahasik ng lagim,” sabi niya sabay ngiti. “Welcome sa aming flower shop! Anong bibilhin mo at anong okasyon?”
“Wala namang okasyon. Napadaan lang ako kasi magaganda ang mga bulaklak niyo sa labas."
Mas lalo lang kumislap ang inosente nitong mga mata.
“Talaga? Ako ang nag-ayos ‘nun kaninang umaga. Ang ganda, ‘di ba?”
“Oo. Maganda…” Ngumiti ako.
Magsasalita na ulit sana ito pero mabilis na yumuko. Nawala siya nang ilang segundo sa ilalim ng estante bago ulit nagpakita. This time, she was holding something as delicate as her hands. It was a bloody red rose without thorns.
“Para sa’yo, Celeste. Libre ko na lang. Sa tutuusin, kulang pa nga ‘yan sa ginagawa ng taumbayan sa’yo. Wala ka namang ginagawang masama..."
Napangiti ako kaagad. Walang pasubali kong tinanggap ang bulaklak.
“Thank you so much, Gianna!” I beamed at her but my smile died down instantly. It wasn’t her job to clean the name of the town that painted me as an outcast.
“Welcome! Sa susunod may bayad na ha!”
Napabuntong hininga na lang ako. Habang tinititigang mabuti ang pulang rosas ay hindi ko na napigilan ang pagtatanong.
“Alam mo ba kung bakit ayaw sa akin ng mga tao?” dahan-dahan kong tanong. “Dahil ba sa bahay ko o sa katabing bahay?”
“Bahay? Hindi bahay ‘yun, ‘no! Ang liit namang bahay, Celeste!” came her outrageous response.
Nagkibit-balikat ako.
“Kastilyo, Celeste. Kastilyo…”
So, it was indeed. A castle that looked so alive, yet it was as dark as its bricks and stones. The resemblance of it to me was uncanny.
“Kastilyo,” I repeated, feeling shivers ran up my spine.
“Ang sabi ng mga matatanda, pinagmumultuhan daw ang kastilyo sa dulo ng Legada. Ito raw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi kami makita sa mapa o patay ang komunidad. Sinisisi rin nila Mama ang kastilyo kapag bumabagyo o pangit ang mga ani. Malas daw…”
Malas?
“Maraming bali-balita na ang mga naliligaw ay kinukuha ng kastilyo. Kapag pumasok ay hindi na bumabalik. Marami na ring mga namatay na hindi naman nakikita ang katawan. Ang sabi nila ay nasa loob daw ng kastilyo…”
Kahit na tumataas ang mga balahibo ko sa kwento niya ay nagkibit-balikat lang ako.
As far as I observed, this town still held on their ancient beliefs. They were trying to blame an inanimate object for natural disasters or even crops running dry. In my opinion, it was probably nothing but a castle built a thousand years ago. It was just a myth.
“Celeste?” tawag ni Gianna.
“Yeah?” wala sa sarili kong sagot.
“Naniniwala ka ba sa mga aswang?”
Kumunot ang noo ko. Iyong aswang ay ang lumilipad na kalahati ang katawan, hindi ba?
“Hindi,” direkta kong sagot.
“Sa mga multo?”
“Hindi rin.” Natatawa na ako. Nagkibit-balikat si Gianna. “E, sa mga bagay na ikaw lang ang nakakakita?”
“Kung ako lang ang nakakakita, baka guni-guni ko lang…” paliwanag ko.
“Hmm. Okay.” Sa wakas ay tumango na ito at ngumiti.
“Salamat ulit, Gianna! May bayad na ito sa susunod!" sigaw ko nang nasa pinto na.
Nagpasya na akong umuwi. Para bang kada isang yapak ko sa lupa ay mas lalong kumakapal naman ang balat ko. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila sa tuwing may magbabato ng insulto. Mayroon pang mga madreng dinadasalan ako at ibig batuhin ng krus.
Bumili na rin ako ng pang-tanghalian. Kaya naman nang marating ko ang aking lumang bahay ay nagsimula na ako sa trabaho.
I was busy the whole day. Scrubbing floors, the walls and even the ceiling. Thankfully, the walls inside weren’t festered by termites. I was thinking of reinforcing the house’s structure aside from re-modelling it.
I took a small break before washing myself in the now covered water tank. Inayos ko kanina para may maayos akong liguan. The long driveway and spacious yard of the house set me apart from everyone. The one thing upsetting about my peaceful location, however, was the looming castle nearby.
“Bukas naman ang kitchen at sa isang bukas ay ang kwarto…” Sinasabay ko ang daliri sa pagbibilang ng mga araw.
The small lamp I bought earlier provided light and heat as I ate my dinner alone. Cup noodles. Yet I had never felt so alive in my life because I accomplished something today. Pagkatapos ng dinner ay inayos ko na ang higaan. Sa sofa muna ako pansamantala. Baka ipaayos ko na rin ang kuryente bukas.
That night, as I laid on the worn, matting sofa, sleep couldn’t quite reach my eyes no matter how tired I was. It was one of those nights where I just couldn’t sleep, where I was deeply thinking about something. Maybe I was thinking about my life or maybe I wasn’t.
A lightning struck and a loud thunder followed soon. The wolves howled.
Napapikit akong mariin sa hindi sa lakas ng kidlat o kulog ngunit sa sakit na umatake sa aking dibdib. Laging ganito tuwing napapagod ako. Tuwing balisa at nag-iisip. Sobrang sikip ng dibdib ko sa hindi maipaliwanag na sakit. Naubos na ang lahat ng hangin sa aking katawan habang dumadaing kasabay ng pagbuhos ng ulan.
If I were to die this way, in this house and in the dark, then so be it.
Bago pa man pumatak ang mga luha ko sa sakit ay tatlong kalabog sa pinto ang nagpagising sa nananakit kong diwa. Napaawang ang aking bibig nang marinig muli ang mga nagmamadaling kalabog.
“Tao po! Pagbuksan niyo ang pinto! Parang-awa niyo na! Tao po!”
Immediately, I tried to stand up while clutching my aching chest. The rain poured harder, but the man knocking my door down outside was screaming like an animal.
“Maawa kayo! Buksan niyo ang pinto! Tulong! Tulong!”
Another lightning struck. A harsh wind wiped out the light from the small lamp.
“Paparating na siya! Tulong! Tulungan niyo ako! Saklolo!”