Nabigla ako sa sinabi ni Jash, seriously? Asking me sensitive stuffs like that will only make me feel worst.
"Seriously, Jash? Do you really think na tanging lalaki lang ang makakapagpatigil saakin at madaling makakuha ng atensyon ko?" Tanong ko sakaniya.
"Wala na akong ibang ma-isip na pwede mong tignan at kinailangan mo pa talagang tumigil sa paglalakad." Sagot niya.
"I told you already na wala 'yon. Hindi mo 'yon naintindihan, it's just so simple."
"Tsk. Hindi ako maniniwala sayo." Tapos nag-pout siya, ngumiti lang ako at tumingin sa ibang direksyon. Hindi ko masukat ang lawak ng imahinasyon ni Jashea pero alam kong sa mga oras na ito ay nag-iimagine na 'yan kung ano ang nakita ko kanina.
Nakita ko si Lenon sa kabilang table, may kasama siyang dalawang babae at isang lalaki. Ngumiti lang ako sakanya at nagsalute naman siya bilang tugon kaya napatingin ang mga kasama niya sakin. What's with the glare, people? I'm not a sinner.
Binaling ko na lang ang tingin ko kay Jash na kasalukuyan pa ring nakatingin saakin habang nakanguso.
"Jash, can you please stop pouting your lips?" Naiirita kong request sakaniya.
"What?" She asked in confusion. Hindi niya ba talaga naintindihan 'yung sinabi ko? God! This b***h's giving me migraine.
"Ubusin mo na 'yang kinakain mo, ayokong ma-late. Five minutes from now mag si-start na ang last class natin sa umaga."
"Sure, basta libre mo ako ng lunch mamaya ha?" She showed me her puppy eyes. Yuck! Bakit ba iniisip niya na cute siya sa ginagawa niya? She's isn't close to being one. Jashea is pretty and she doesn't need to do anything para makatanggap ng favor from someone. Periodt.
"Okay, ililibre kita ng lunch basta magpakabait ka lang at 'wag makulit. " Sabi ko tapos inubos ko ang juice sa baso at tumayo. Tignan mo naman 'tong babaeng ito, isip bata kailangan pang ilibre para magpakabait.
"Aye! Aye! Honey!" Sigaw niya.
Aish! Bakit siya sumigaw? Nakatingin tuloy saamin ang mga tao sa cafeteria. Napailing nalang ako dulot ng kahihiyan na ginawa niya. Baliw.
-
Jash
Yes! Jerson will treat me later. Ngayon ay nag-iisip na ako kung saan ako kakain ng lunch, maybe somewhere in downtown? Pwede ring korean restaurant? Pero I'm craving for seafood dishes! Teka, why are they staring at me? May dumi ba ako sa mukha?
"Jerson, may salamin ka ba?" Tanong ko kay Jerson.
"Huh? Bakit naman ako magdadala ng salamin?" Nalilito niyang tanong. Actually, nasa cafeteria pa kami, tinatapos ko lang ang pagkain ko.
"Wala lang, naisip ko lang, you know." Saka ako ngumiti.
"Look Jash, I might be gay pero hindi ibig sabihin na kailangan kong magdala palagi ng salamin. That's hilarious." Sabi niya at inirapan pa ako, ganon? Nagbabakasakali lang naman ako kung may salamin siya e, naiwan kasi 'yung akin.
'Wag na nga lang. Pinunasan ko nalang ang mukha ko tapos tumayo.
Tinaasan ako ng kilay ni Jerson tapos nagsalita, "Tapos ka na?"
Inirapan ko siya at sinabing, "Obviously."
We proceed to our next class. May three minutes pa kami bago mag start ang third class kaya okay lang ata 'pag hindi namin binilisan ang paglalakad. Malaki pa naman 'yung time na natitira. At curious pa rin ako dahil hindi pa sinasabi ni Jerson sa'kin 'yung reason kung bakit siya huminto sa paglalakad kanina. I mean, I know Jerson, matagal-tagal na kaming magkasama. Siya 'yung tipo ng tao na hindi pinapansin ang mga bagay kung hindi importante para sakaniya o 'di siya interesado. So it means na may nakita siyang bagay na nakakuha ng interes niya. Hmm, I need to know what.
"Hoy, nakikinig ka ba?" Nagbalik ang diwa ko nang sikuhin ako ng Jerson.
"May sinasabi ka?"Tanong ko. Kanina pa pala ako nakatunganga? Hay, makakatanggap na naman ako ng award galing kay Jerson nito.
"Ikaw kasi, kahit ano-ano ang iniisip. Mag focus ka nga." Sungit naman ng baklang 'to.
Nakarating na kami sa third class namin, at sa kasamaang palad walang seat na magkatabi kami ni Jerson, ang seat na lang na vacant ay 'yung sa tabi ni Lenon ba 'yon? Magkaklase kami pero hindi ako sure sa pangalan niya, at sa likuran ng seat na 'yon. Wala pa naman ang teacher namin kaya maingay ang buong klase at nagbabatuhan ng kung ano.
"Honey, ikaw na umupo sa tabi ni Lenon tapos ako na sa likuran mo." Sabi ko kay Jerson tapos kumindat. Alam na niya ang ibig sabihin ng kindat na 'yon. Jerson 'wag ka na ma-arte, hottie na nga 'yung katabi mo o, I'm already giving you the crown.
Baka may possibility na ma-in love si Jerson kay Lenon, you know magkatabi sila sa third and first period ng isang taon! Sino namang bakla ang hindi, 'di ba? Besides, gwapo at napaka-hot pa naman ng Lenon, nakaka-horn--ay jusko! Ano ba 'tong pinag-iisip ko. Focus Jashea, focus!
Tumango lang si bestfriend saakin tapos ako naman ay pumunta na sa seat ko. Ilang segundo rin ay sumunod na si Jerson, so hinintay pa pala niya akong makaupo bago siya umupo? How kind. Note the sarcasm, 'kay?
Pagkaupo niya ay bumulong ako sakanya, "Good luck." Tapos hinalikan ko siya sa neck. Pagtingin ko kay Lenon ay nakita ko ang gulat na gulat niyang mukha, what? no PDA around? Bestfriend ko siya duh, I can do whatever I want. Ma-issue masyado 'yung mga tao rito.
Tapos si Jerson? No comment and no reaction, hindi niya rin pinansin ang reaksyon ni Lenon. Sa halip ay nakatingin na naman siya labas, mahilig din 'tong bestfriend kong ito na umupo malapit sa bintana e, ewan ko ba kung bakit.
-
Jerson
Shit hinalikan ako ni Jash sa leeg at nakita kong nakatingin si Lenon saaming dalawa, anong gagawin ko? Sa mga puntong ito inuntog ko na ata si Jash sa pader pero 'di ko magawa kasi nakatingin si Lenon saakin, ano'ng gagawin ko? Alangan naman na makipagharutan ako sa kaibigan ko? Edi malalaman niya na hindi ako straight. Tsk think, think! I know! Since malapit sa bintana ang upuan ko ay binaling ko na lang ang tingin ko sa labas, mula rito makikita mo ang gymnasium. Ilang minuto pa ay dumating na ang teacher namin, look who's late?
"Okay, sino ang class president niyo rito?" Tanong ng teacher namin.
"We haven't made our election yet." Sabi ni Lenon, so marunong pala siyang magsalita? Obvious? Pero 'pag ako nagtatanong hindi niya sinasagot? Malamang Jerson guro yan eh! Gaga!
Sinabi ng teacher namin na isagawa nalang daw namin ang election, great! Akala mo naman may kilala ako rito sa mga kaklase ko. In fact, si Lenon lang ata, unfortunately late kami ni Jash dumating kaya wala kaming kilala, sila kilala nila kami, kami hindi.
May president na kami, yung babae sa harapan yung palaging nakasuot ng eye glasses, nerd siya? Tapos ang vice namin si Jash--teka! What? Bakit nasali ang pangalan ni Jashea sa board? Sinong bumoto sakaniya?!
Tumingin ako kay Jash tapos binigyan lang niya ako ng 'mind-your-own-business-honey' look. Ibang klase ka talagang babae ka.
Time for choosing the most handsome guy in the classroom, sino nga ba? Kailangan pa ba talaga 'yon? Akala ko ba sa elementary lang ang prince charming na yan? Pati ba naman dito? Di ko namalayang naka taas na pala ang right hand ko.
"Yes? Mr. Lim?" Sabi ng elected president namin.
"Ah, eh." Lagot nauutal ako, lecheng kamay 'to kusa nalang umangat.
"Yes?" Tanong niya ulit.
"I nominate Lenon." Tapos umupo ako, kita mo naman na agad na nagbubulungan ang mga kaklase ko. So? As if naman may iba akong kakilala dito e si Lenon lang naman at saka wala na akong ibang maisip na sagot baka ipahiya niya ako.
Napansin kong nakatingin si Lenon saakin kaya naman ibinaling ko nalang ang paningin ko sa labas, it's my way to escape from that 'awkward-situation'.
"So our new elected prince charming, the most handsome, the one and only Lenon Xavier Lombart." Napatingin ako sa board nang biglang nagsalita ang president namin. Si Lenon ang prince charming namin? Namin? Ba't nasali ang pangalan ko sa board? Anong ibig sabihin nito? At pangalawa pa ako sa ranking.
Tumingin ako kay Jash. Sa imagination ko ay sinasaksak ko na si Jash ng mga matutulis na bagay. Pinapatay ko na siya. Siya naman ay abot tenga yung ngiti.
"I hate you, Amanda." I mumbled.
Lenon Xavier Lombart, you have a nice name!