Chapter 3

821 Words
Jashea Haha! Nadali ko rin si Jerson, nakaganti na rin ako sakaniya. Si Jerson? Nandito sa tabi ko walang ibang ginawa kung hindi sermonan ako dahil sa ginawa kong kalokohan kanina sa election. Buti nalang sanay na ako. Sino ba kasing hindi magagalit kung nagkaroon kayo ng issue ng first friend mo sa classroom? And to think hindi friendly issue yung kumakalat. Kawawang Jerson. Mabuti nalang walang pakialam si Lenon sa mga issues at sa tingin ko si Jerson lang ang affected, bakit? Baka may crush siya kay Lenon. Malay mo 'di ba?  Wala naman atang babae ang hindi magkakagusto kay Lenon 'cause he's handsome, hot and a smart guy. "Bessy, pansinin mo na ako." Pangungulit ko kay Jerson. "Ayoko." Sabi niya sabay irap saakin.  "Sige na, honey. Huwag ka nang mag-tampo. Sige ka, damdami 'yung pimples mo."  "A-yo-ko!" Sabi niya, may pagkairita sa boses niya.  "Bessy naman e, I know na galit k--"  "Di ba obvious?" Ang pinaka-ayaw ko sa lahat 'yung nagsasalita ako pero hindi ako pinapatapos. Ayoko sa bastos na kausap. Can I scold him? "Okay, it's obvious at damang-dama ko siya kaya sige na, pansinin mo na ako. Sorry na." Pagmamakaawa ko, papresyo kasi 'to masyado. Magkano ka ba Jerson kasi bibilhin kita? "No."  Bitter pa rin ang honey ko, sobrang hirap nito lambingin. Totoo, may time nga na sinuyo ko siya dahil may misunderstanding kami nako bumili pa talaga ako ng imported na chocolates para lang mapasaya ko siya at mapatawad niya ako. Tumayo na ako tapos nagunat-unat, ilang oras na rin kaming nakaupo rito, yung mga ilaw sa paligid ng park ay naka-on na, nagsisialisan na rin ang mga tao.  "Uwi na tayo." Sabi ko sakanya.  "Let's go." Cold na sagot niya.  Nauna na akong naglakad sakaniya, alam kong hindi siya sasabay sa akin kaya nauna na ako. Haller? Bakit ko naman siya hihintayin eh hindi naman siya sasabay saakin? Ano ako baliw? Pero love ko ang bestfriend ko, don't me. "Wait, Jerson 'yu--" Di ko tinapos yung sasabihin ko kasi nakatingin siya sa gate. Seryoso siya habang nakatingin sa gate. Ano na naman ba ang nakita niya?  "Jerson! Nakikinig ka ba?!" Sigaw ko.  Bumalik din ang diwa ni Jerson dahil sa pagsigaw ko at tumingin siya saakin.  "May sinasabi ka?" Naguguluhan niyang tanong.  Teka! Bakit siya naguguluhan? Ano ba 'yung tinititigan niya sa gate? May nakikita ba siyang hindi ko nakikita? Multo? E ano? Agad kong binaling ang tingin ko sa gate hoping na makita ang tinitignan ni Jerson, pero wala akong nakita, tanging ang guard lang ang nakikita ko na nakatayo sa guard house malapit sa gate.  "Hoy Czar Jerson Lim! Kanina ka pa ganyan! Ano bang nangyayari sayo? Natatakot na ako. Alam mo may kakilala akong psychiatrist. Pwede kitang i-refer sakaniya." Halos wala ng tao sa park kasi nakaalis na sila at madilim na rin. Baka minumulto si Jerson, may nakikita kasi siya na hindi ko nakikita. "Ano ba? Wala nga. Ano bang kailangan mo?" Wow ha! Siya pa yung may ganang magalit? Tsk.  "Ewan ko sayo! Uuwi na ako!" Sabi ko at naglakad papalayo sakaniya, nagdadabog akong umalis sa harapan niya. I hate him! Best friend niya ako tapos ni-isang bagay tungkol doon hindi niya magawang sabihin saakin?! How could he?!  "Jash!" Tawag niya sa akin mula sa malayo, 'di ko siya pinansin. Bahala siya! Solohin mo yang multo mo!  Naglakad ako papunta sa bahay mag-isa. Hay! Nakakainis talaga yung taong 'yon! Tsk.  Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ng yakap ni mama.  "Good evening, anak."She said then she gave me a sweet smile.  "Good evening po, mom. Nandiyan na ba si Daddy?" Tanong ko.  "Wala pa ang daddy mo, baka nasa office pa 'yon, alam mo naman." Sabi niya at inayos niya yung uniform ko.  "Sige po, akyat na po muna ako sa taas." Sabi ko sakanya.  "Sige, anak. Magbihis ka na at bumaba after, dad will be home soon. We will eat dinner together."  "'kay, mom." Then umakyat na ako. I'm tired, yes? First day of school tapos stressed agad? What a life. Pagpasok ko sa kwarto ay humiga agad ako sa kama. Tsk, I'm freaking exhausted and sad at the same time, si Jerson kasi e! Bakit hindi niya sinabi saakin? Best friend niya ako, 'di ba? Tsk. We shouldn't be keeping secrets from each other. Nakakainis lang! Pinikit ko ang mata ko then suddenly my phone vibrated. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko then I flicked it to unlock, it's a text message from an unsaved number. Sino kaya 'to?  Fr: 0905762**** Hey, Jash. :)  - Who is this? Bakit niya ako kilala? Aish! May problema na nga ako, dumadagdag pa! Tapos nag vibrate ulit 'yung phone ko. 'Di ko na sana titignan pero may something sa loob ko na nagsasabing tignan ko raw kaya tinignan ko, and guess who?  Fr: Jerson Hey Amanda, I'm sorry. Nakauwi ka na? Meet me at the cafeteria tomorrow.  - Napangiti ako sa nabasa ko, alam ko na medyo masungit si Jerson, well, kunin na nga lang natin ang medyo, masungit siya 'pag nakagawa ka ng kasalanan sakaniya pero love pa rin ako ng best friend ko. Ayaw niya kasing mapahamak ako kaya nagaalala siya, how sweet? Haha! I have to make it up to him. But for now, hindi na muna ako magri-reply para magalala siya, bukas ko na lang siya kakausapin. Tumayo ako at nagbihis. I decided to go to bed after since I'm not hungry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD