Jerson
Nagtatampo si Jash saakin. Nakakainis kasi yung ginawa niya. Sino naman ang hindi maiinis? Nagkaroon pa tuloy kami ng issue ni Lenon. I hate it! Gusto ko kasi ng lowkey high school life. It is so hard to achieve lalo na 'pag may kaibigan kang maingay, bungangera at loka-loka.
Naglalakad ako papauwi nang makita ko si Ric, si Ric ang isa sa mga volleyball player ng dati kong school and basically he is one of my close friends sa team.
"Uy dude!" Bati niya sa'kin.
"Hey!" Lumapit ako sakaniya.
"Pauwi ka na? Sabay na tayo." Anyaya niya. Tumango lang ako.
Sa Lax University nag-aaral si Ric. Ewan ko ba kung sa dinamirami ng university dito sa lugar namin doon niya pa naisipang mag-aaral. Sa pagkakaalam ko kasi unlike me, Ric is straight. At isa siya sa mga nakakaalam na hindi ako straight sa mga schoolmates at teammates ko.
"So, how's life?" Tanong niya.
"Okay naman. Nagsi-start na ba ang class ninyo?" Tanong ko sakanya.
"Nope. Sa 13 pa magsisimula. Galing ako sa practice."
"Buti pa kayo." Yumuko ako. I envy them, gusto ko pa kasing magpahinga at hindi pa ako handang pumasok. It's too early for me to be stressed like this.Siniko niya ako kaya napatingin ako sakanya, "Bakit?"
"Hindi ka pa rin nagbabago. Cute mo parin."
"Mambobola!" Sigaw ko. Hindi na ako mabibigla sa sinabi ni Ric, sinasabihan niya ako ng mga ganyan noon pa kaya hindi na 'yan bago sa akin at isa pa, totoo naman eh. Kidding!
"Haha, totoo nga." Ngumiti siya.
"Hmm." Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"So, ano'ng pinagkakaabalahan mo ngayon?" Bigla niyang tanong saakin.
"Wala, studies lang, 'di na muna ako sasali sa volleyball team nila." Sabi ko.
"Ganon ba? Gala naman tayo minsan, isama natin si Jash." Wow! Ang laki ng ngiti ng gago, mukhang mapupunit na 'yung mukha niya.
"Ikaw ha! May gusto ka kay Jash 'no?"
"Wala 'no!" Defensive masyado halata namang meron, dini-deny pa.
"Asus! Kahit 'di mo sabihin sa'kin Ric, kaibigan kita. Alam kong may gusto ka kay Jashea. Sabihin mo na nga lang kasi saakin para matulungan kita. Ano?" Natatawang sabi ko sakaniya. Tumawa lang din siya, namiss ko bigla yung mga kabigan ko dati. Sana makasama ko ulit sila gaya ng dati na nagbobonding kami after ng practice.
"Hindi nga! Kaibigan lang talaga ang turing ko sakaniya." Sabi niya.
"Ewan ko sayo!" Sabi ko tapos nauna na ako ng ilang hakbang, malamig na rin ang simoy ng hangin. Minsan naiisip ko, what if ghost village yung tinitirhan namin? Naku! Tumatayo ang mga balahibo ko! Tsk. Bad Czar! Bakit ka kasi nag-iisip ng mga bagay na 'yan alam mo naman na matatakutin ka--"HOY!"
"AY ANAK NG BUTIKING INIHAW!" Pagtingin ko sa likod ko ay nadatnan kong tumatawa si Ric.
"Takte naman Ric! Ano ba?! Papatayin mo ba ako sa gulat? Jusko!"
"Sorry naman! haha! tignan mo oh! magkapantay na yang mga kilay mo." Namimilipit siya sa kakatawa.
"Arrgh!" Sinuntok ko siya ng mahina sa braso.
Tawa lang siya nang tawa hanggang sa umabot na kami sa kanto. Malapit na yung bahay namin dito, sa kabilang village kasi nakatira si Ric. Amazing right? Pwede naman siyang sumakay para makarating siya agad sa bahay nila pero sumama pa talaga siya saakin. Baka namimiss lang talaga ako ng gagong 'to.
"So papano? Dito nalang ako Ric. Salamat ha?" Sabi ko sakaniya.
"Wala 'yon, sure ka na okay ka lang dito? Hatid na kita sa inyo." Alok niya.
"No, kaya ko na sarili ko. I'm a guy Ric, remember?"
"Yeah. Sige mauna na ako, salamat sa time, nice talking with you. Next time ulit." Sabi niya at kumaway siya habang naglalakad paalis.
"Bye." Sabi ko tapos dumiretso na papunta sa bahay.
Nagtext ako kay Jash at nagtanong kung nakauwi na ba siya pero hindi siya sumagot. Baka kanina pa 'yon nakauwi. Tinawagan ko siya pero 'di niya rin sinasagot, baka nakatulog na 'yon.
Mabuti pa siya. Hay! Nakakapagod. Babawi ako kay Jashea bukas. Tomorrow, I will tell her about him.