Jerson
"Good morning, class." Nasa good mood ata ang guro namin nang batiin niya kami.
"Good morning, sir." Nakakadala kasi yung vibes niya kaya naman pati kami nakangiti na rin.
"Okay, ngayon we will have an activity and kailangan tatlo kayo sa isang group." Biglang naglaho ang vibes na nadama namin nang sabihin niyang may activity kami, nakakatamad gumawa ng activity.
Sinipa ni Jash ang upuan ko mula sa likuran at alam ko kung para saan iyon, sigurado akong gusto niyang makipag pair up saakin, para ano? Of course maligtas sa lahat ng gawain. Huwag na kayong magtaka pa, 'yan si Jashea.
"Sure." Sabi ko sakaniya atsaka ngumiti, ganon din ang ginawa niya.
"Oh wait, ako na ang pipili ng mga ka-group mates niyo para fair sa lahat." Sabi ni Mr. Chavez.
What? Siya ang pipili? Malaki ang chance na hindi ko makasama si Jash sa grupo.
"And whether you like it or not, siya o sila ang magiging ka-grupo niyo for the rest of the year sa klase ko." Oh gosh! Masama ang kutob ko rito. It's definitely not a good idea, sir!
"I hate you, sir." Narinig kong bulong ni Jashea sa likuran, for sure kumukulo na ang dugo niyan dahil sa narinig. Kaya tumingin ako sakanya, "Don't worry, Jash."
Kinuha ni sir Chavez ang listahan niya ng mga pangalan namin, "Okay first group we have Jung, Perez & Lopez." Sinabi na ni sir ang mga napili niyang magka-grupo.
"Then, Lim, Park and..." Napangisi ako dahil magkagroup kami ni Jash, I'm sure siya rin naman ay masaya dahil sa nangyari.
"Lombart."
What? who's Lombart?
Napansin kong nagbulungan ang mga kaklase namin at sinipa ni Jash ang upuan ko kaya tumingin ako sakaniya and gave her a 'what-is-the-problem?' look kaya lumapit siya saakin at bumulong.
"Lenon Xaview Lombart." Sabi niya. Para akong napako sa kinauupuan ko.
What? Ka-group ko si Lenon? At sa isang taon? Mas lalong lalaki ang issue namin nito. Tsk.
"Ah," I sighed.
Kung minamalas ka nga naman, siya pa talaga ang kasama ko? Mas lalo tuloy akong nahiya sakaniya. Isang taon? For sure mas mataas pa sa pinakamataas na building ang galit ng tao na 'to saakin. Napatingin nalang ako sa labas, bakit kaya pag may iniisip ako sa bulletin agad ang bagsak ng paningin ko? Weird.
"Okay class, go with your group mates, you can discuss about your project. Pupunta muna ako sa office, pinapatawag ako ng head." Narinig kong sabi ng teacher namin, 'di nalang ako tumingin sa harap, patuloy ako sa pagtitig sa bulletin board hanggang sa magsimula ng mag-ingay ang mga classmates ko napansin ko ring may tumabi saakin, si Jashea. Dapat nga magkaroon ng diskusyon, 'di ba? Awkward naman 'pag tumabi ako kay Lenon, mabuti nalang at nasa gitna namin si Jashea kaya nabawasan 'yung pagkailang ko at sigurado akong makakausap ko siya ng maayos.
"Sweetie, ano na? Ano'ng plano natin?" Tanong ni Jash.
"Ikaw na bahala, Jash. Hindi naman ako nakinig sa teacher e. Kayo na mag plano ni Lenon." Diniin ko pa talaga 'yung kayo para naman ma-realized nila na naiilang akong makipag-usap kay Lenon.
"Okay, honey!" Sigaw niya.
Pagkasabi niya ng okay ay tumingin na ulit ako sa bintana, busy ang mga tao sa labas. Nakaramdam na naman ako ng isang pares ng mga mata na nakatitig sa'kin.Shit! Tumatayo ang mga balahibo ko, kaya inilibot ko 'yung paningin ko sa loob ng silid. Wala namang nakatingin sa'kin, ang mga classmates ko nagtsitsismisan lang tapos 'yung iba naghaharutan, si Jash naman at si Lenon ay nag-uusap.
Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa bulletin board, nakatitig ako sa isang bondpaper na may nakasulat. 'Di ko masyadong mabasa kasi medyo maliit ang font size ng mga letters. Kumunot ang noo ko nang may humarang sa paningin ko, lalaki na may dalang gitara, binabasa niya ang papel na tinitigan ko.
Maya-maya pa ay may lumapit sakaniya kaya humarap siya sa direksyon ko dahil nasa likuran niya 'yung lalaking lumapit sakanya at, "Huh? s**t!" Napakapit ako sa arm ng chair ko, napansin 'yon ni Jash at ni Lenon kaya napatingin 'yung dalawa saakin.
"Oh? Bakit? Anong nangyari sayo? Sino'ng nakita mo?" Nag-aalalang tanong niya.
I cleared my throat then whispered to her, "I saw him."
"Him?! Saan?! Nasaan?!" Napatayo siya at sumigaw kaya napatingin ang ibang mga classmates namin sakaniya, tumingin siya mga kaklase namin at nag peace sign.
"Nasaan, bessy?" Tanong niya.
"Bulletin board." I tried to say it as calm as possible kahit na parang sasabog na ako sa loob. It's really him! Nakita ko siya ulit!
Dali-dali siyang lumapit sa bintana at hinanap ang bulletin board na sinasabi ko, hanggang sa makita na niya.
"Oh, my gosh! Sino sa mga lalaking 'yan?" Tanong niya. Tumayo ako at tumabi sakaniya sa bintana.
"He is wearing a plain white t-shirt, 'yung may dalang gitara." Bulong ko.
"Wait," Sabi niya habang taimtim na pinagmamasdan 'yung lalaki na sinasabi ko.
Tumingin ako kay Lenon na kasalukuyan ding nakatingin saakin, yumuko nalang ako at saka tumingin kay Jash ng sinabi niya 'yung wait. Nakakahiya, baka iniisip niya na nababaliw na kaming dalawa ni Jashea.
"What? Anong iniisip mo riyan? What's talking you so long?" Tanong ko.
"He looks familiar." Sabi niya at mas lalo pang lumapit sa bintana. Kulang nalang ipasok niya ang ulo niya sa bintana para lumabas ang mukha niya.
"Oo! Naalala ko na." Napatingin na naman ang mga classmates ko sakaniya dahil sa pagsigaw niya. Ako nalang ang nag peace sign sakanila bungangera kasi 'tong kaibigan ko parang nakalunok ng mega phone sa lakas ng boses.
"Ano?" Naiiritang tanong ko. Ayaw pa kasing sabihin e.
"Kilala ko siya." Aniya.Teka tama ba 'yung narinig ko? Kilala niya 'yung taong 'yon?
"Seryoso?"
"Si Elmar. Elmar 'yung name niya."
Elmar? Paano naman nalaman ni Jash na Elmar 'yung pangalan niya? Imposible namang hindi ko siya makilala kung school mates kami sa dati kong paaralan. Sino ba siya?