Chapter 7

1376 Words
Jerson "'Di pa rin ako makapaniwala na kilala mo siya," sabi ko kay Jashea. Akalain mo, magkakilala pala silang dalawa ni Elmar. Nandito kami ngayon sa cafeteria habang nilalantakan ang mga binili naming pagkain. The group discussion a while ago is very draining, nakakaguto kaya 'yung ginagamit mo 'yung utak mo. "Yes. Sa katunayan nga, classmate ko siya in four consecutive years." Aniya. Nagsasalita siya habang ngumunguya ng pagkain. Tignan mo nga naman 'yung mundo, hindi ko inasahan na magkakilala at magkaklase pala sila ng kabigan ko ng matagal na panahon. Maybe she can help me with him, I mean come on, baka naman.  "Jash, 'di ba classmates kayo noon ni Elmar?" "Oo, bakit?" Tumingin siya saakin na para bang may masama akong plano na iniisip.  "Pwede mo ba siyang kausapin at," Nahihiya ako. 'Wag nalang kaya? "Sure, pwede ko naman siyang kausapin kasi friendly naman si Elmar. At?" I saw the smile on her face while she was waiting for me to continue what I'm saying.  "At pwede mo bang kunin 'yung phone number niya?" Nauutal kong tanong sakaniya. Kahit naman makaibigan kami nahihiya pa rin naman ako mag-request ng mga ganong bagay. Pero deep inside alam kong gigil na gigil na akong malaman ang numero niya at makausap siya. This urge inside of me is growing day by day at hindi ko alam kung hanggang kailan ko 'to maitatago sa loob. "Phone number niya? Sure! Ako ang bahala, honey." Sabi niya.  "YES! SALAMAT JASH! YOU'RE THE BEST!" Napatakip ako ng bibig nang mapansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao sa cafeteria, na-overwhelm ata ako sa sinabi ni Jash. Hindi ko talaga inaasahan na darating 'yung araw na 'to. I mean when I first saw him, akala ko itatago ko lang sa sarili ko 'yung nararamdaman ko dahil hindi naman ako sigurado kung ano'ng gagawin kong paraan para mapansin niya ako. Ngunit mukhang narinig ata ng nasa taas yung munting panalangin ng puso ko. Tumunog na 'yung bell, hudyat para pumasok na kami sa third subject namin. Binilisan na ni Jash ang pagkain niya pagkatapos ay dumiretso na agad kami sa classroom, mabuti nalang at wala pa 'yung teacher namin nang pumasok kami. Pakiramdam ko kasi sobrang bagal naming naglakad ni Jash. Nandoon na lahat ng mga kaklase namin at dahil wala pa ang teacher namin ay nagtsismisan at nag-ingay lang ang mga kasama ko sa room. Si Lenon naman kanina pa tahimik, si Jash may katext. Sino kaya? Hayaan na nga lang. Ang mahalaga masaya siya at tutulungan niya ako kay Elmar.  Friday na pala bukas, so sa susunod na araw na yung pamamasyal namin ni Ric, ano kayang magandang gawin? Kinuha ko nalang ang notebook ko at nagsulat, things to do: Una, mamasyal sa mall; Pangalawa, bumili ng masasarap na pagkain. This is a stressful week for the both of us so we should indulge ourselves with our favorite treats; Pangatlo, maglaro sa world-of-fun. "Honey, ano 'yan?" Tanong ni Jash nang mapansin niya ang ginagawa ko.  "Ito? mga gagawin ko sa Saturday."   "Kasali naman ako diyan, 'di ba?"  "Syempre naman." Ngumiti ako.   Bumalik si Jash sa upuan niya at nagpatuloy sa pagti-text. Iniligpit ko na 'yung gamit ko at tumingin sa labas. Sayang, hindi ko nakikita yung bulletin board mula rito sa kinauupuan ko. Ilang minuto pa lumipas at dumating na si Mrs. Rodriguez, nagbigay lang siya saamin ng mga instructions about sa activity pagkatapos ay umalis ulit at nagsimula na namang mag-ingay ang mga kaklase ko. Mukhang hindi na ako magtataka kung bakit maingay ang mga ka-klase ko, marami kasing isip bata sa silid na'to. Bakit ba kasi ang boring ng class sa school na'to? Gusto ko ng mag lunch! 'Di pala ako kumain kanina sa break time namin, kasi nga na-excite ako nung marinig ang iba pang impormasyon tungkol kay Elmar, hindi naman ako nagsisi sa hindi pagkain kahit na gutom na gutom ako kasi na-satisfied naman ako sa mga nalaman ako.  Malaki raw ang ipinagbago ni Elmar mula nang huli siyang nakita ni Jashea. Sabi pa nga ni Jash na medyo chubby daw siya noong elementary, sa Tomson High siya nag-aral nung junior high school, isang all boys school kaya napaisip ako, "Bakit 'di ko naisipang mag-aral don?" Hay, edi sana magkaibigan na kami noon pa. Tsk!  "Bakit kaya ang tahimik ni Lenon ngayon?" Tanong ni Jashea sa'kin.  Naglalakad kami sa corridor papunta sa cafeteria, sabay na kaming kakain ng lunch at sinabihan ko rin siya na ililibre ko nalang kasi nga tutulungan niya ako na makuha ang number ni Elmar.  "Ewan ko dun sa taong 'yon." Sagot ko sakanya.  Oo nga, napansin ko lang na tahimik si Lenon ngayon, hindi ko na rin siya nakikita sa cafeteria. Kasi noong first few days ng classes, palagi siyang nasa cafeteria 'pag break time kasama nung mga friends niya in the same spot. Hay 'di ko nalang 'yan iisipin.   Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami, wala akong ganang mag-stay sa cafeteria at 'di ko alam kung bakit. Naisipan nalang namin na pumunta sa library at magbasa ng mga libro, isa sa mga libangan ko 'pag wala akong ginagawa ay ang pagbabasa ng libro. Reading books helps me develop my reading comprehension at ma-broaden 'yung imaginative side ko. Habang naglalakad kami sa corridor may bigla akong naisip, "Hey Jash, pwede ba tayong dumaan sa bulletin board malapit sa gym?" Tanong ko.  "Sure." Dumiretso kami sa gym at hinanap yung bulletin board na kailangan kong puntahan. Napakarami kasing bulletin board sa lugar na 'to, kaya hinanap ko ang room namin at trinace kung saan 'yung board na palagi kong tinitignan hanggang sa mahanap ko 'to. Hinanap ko agad yung papel na binasa ni Elmar. Curious lang po ako. "Band audition?" "Friday, 5:15 at the audio theater." Binasa ni Jash 'yung iba pang nakasulat sa papel. "Mag au-audition siya?" Tanong ko kay Jash.  "I think so, maganda rin naman ang boses ni Elmar." Sabi niya.  "May dala siyang gitara kanina, 'di ba?" Tumango ako. "Makakapanood tayo, Sweetie. 5:15 pa naman, 5:00 yung dismissal natin mamaya."  Napatingin ako sakanya tapos ngumiti, "Sasamahan mo ako?"  "Syempre naman, honey! Alam mo naman na buntot mo ako diba? Kahit saan ka pumunta nandoon din ako."  Niyakap ko siya at bumulong, "Thank you, Jashea!"  "Wala 'yon. So ano? tara na sa library? 'Kala ko ba gusto mong magbasa?"  "Sure."   At pumunta kami sa libary. Dahil mahaba ang lunch break namin ngayon, naisipan naming manatili sa library hanggang alas dos ng hapon. Pagpasok namin sa room ay hindi pa rin nawala ang saya sa mukha ko at nararamdaman ko na rin ang pangangalay ng mukha ko. Siguro kanina pa ako nakangiti, unconsciously. Natapos ang apat na subjects na sobra akong inspired at laging nakangisi, aktibo akong sumagot sa group at class discussion at himalang hindi ako inantok sa last class ko. Hinila ko agad si Jashea palabas ng room pagkatapos kaming i-dismissed ng teacher namin. "O? Ba't ka nagmamadali?" Tanong niya saakin.  "Excited na kasi ako eh! Gusto ko ng matulog ng maaga." Sabi ko sakaniya.  "Hahaha!" Tumawa lang siya nang tumawa dahil sa sagot ko. Totoo naman e. Dumaan muna kami sa assembly hall bago umuwi. Habang naglalakad kami papunta sa assembly hall ay palakas nang palakas at pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko. Mag pa check-up na kaya ako? Baka may heart disease ako e. Hindi ata normal sa isang tao na makaramdam ng ganito sa puso nila. Abnormal ba ako? "Bessy! Mag pa check-up kaya ako?" Sabi ko kay Jash pero patuloy pa rin ako sa paglalakad ngunit hindi ako nakatingin sa daan dahila na kay Jashea ang atensyon ko.  "Huh bessy wa---"  "Ouch!" Daing ko nang may mabangga akong tao. Naupo ako sa sahig dahil sa lakas ng impact.  "Jerson, are you okay?" Dali-daling lumapit si Jashea saakin at tinulungan akong makatayo.  "Ughh." Tanging reaksyon ko nang tanungin niya ako. Hinimas ko yung puwetan ko dahil malakas yung pagbagsak ko sa sahig.  "Sorry bro, okay ka lang?" Sabi nung nakabangga saakin. Tumingala ako para makita ang mukha ng nakabunggo saakin nang,"Hindi ka kas---- ah! oo okay lang ako." Tumayo ako agad at inayos yung damit ko nang makita ko si Elmar sa harapan ko. Oh my gosh! Si Elmar yung nakabangga saakin! Ang suwerte ko naman!  "Sure ka?" Tanong niya.  Tumango-tango lang ako.  "Ah, okay sige mauna na ako. Marami pa kasi akong gagawin. Pasensya ka na ha? Ge." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumakbo siya palabas ng campus.  "Hoy! Sigurado ka ba na okay ka lang?" Inuga-uga ako ni Jashea. Pero hindi ko siya pinansin. Paano ba 'yan mas lalong bumilis 'yung t***k ng puso ko dahil sa ginawa ni Elmar. Hinawakan niya ako sa balikat. f**k! Parang biglang huminto 'yung mundo ko nang kausapin niya ako, everyone stopped walking, everything stopped moving. "Tingin ko kailangan mo na talagang magpacheck-up." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD