Chapter 8

1047 Words
Jashea "Wake up sleepy head!" Sabi ko habang inuuga si Jerson, kanina pa kasi ako nandito sa bahay nila. Mag-iisang oras na akong nandito pero tulog pa rin si Jerson, nakakainis! Pag ako na late nonstop yung sermon niya pero pag siya wala lang, papalagpasin ko lang. "Jerson, gumising ka na!" Sabi ko at hinablot ang kumot niya. "Uggh." "Gumising ka na! Ikaw ha! Pag ako nalate todo sermon ka tapos kung ikaw 'yung late wala lang sayo!" Sigaw ko. Di pa rin siya nagiging. Buhay pa ba 'to? Tulog mantika kasi. "Jerson Lim kung ayaw mong malate gumising ka na jan!!"Sigaw ko ng pagkalakas-lakas. "Waaah! Nasaan?! Nasaan?! San 'yung sunog?!" Agad siyang bumangon at tumingin sa kaliwa at kanan, bakit siya natataranta? "Umalis na po ang sunog, ang tagal mo kasing magising e."Sabi ko. "Uhhm!" Nagunat-unat siya tapos nagsalita, "Kanina ka pa ba? Anong oras na ba?" kinamot niya yung ulo niya. "It's already 8:13 at kung ayaw mong ma punta sa detention office, maligo ka na at aalis na tayo!" "What?! 8:13?! s**t! Maliligo na ako!" At walang ano-ano ay tumakbo siya papunta sa banyo niya. Matagal pa naman maligo 'yung taong 'yon, sinusuklay pa niya ang buhok niya ng 300 times para daw maganda ang pagkaka-arrange. Habang nasa banyo si Jerson ay pinakialaman ko ang phone niya, mabuti nalang alam ko kung ano ang password ng phone lock niya kaya madali kong na access ang phone, at pag ako nanghiram at tumingin sa cellphone inbox agad ang punterya ko. Pakialam ko sa mga pictures niya? e, nagsasawa na naman ako sa mukha niya, hello? Magkasama po kami buong araw. Fr: Ric Anong gusto mong flavor ng cupcakes? :) To: Ric Flavor? Gusto ko ng strawberry, alam mo na 'yan Ric, 'di ba sinabi ko na sayo 'yan noon? Fr: Ric A, oo nga 'no? Haha! To: Ric Yes, kamusta na pala sina Ronald? sina Jasmine? Fr: Ric A, yung mga 'yon? Okay lang naman sila. Kami ni Ronald kasali pa rin sa volleyball team ng university namin habang sila Jasmine naman at yung ibang mga girls ay sumali sa cheer leading squad. To: Ric O, ganun ba? Pakisabi nalang 'hello' sakanila, gusto ko na silang makita ulit, miss na miss ko na sila e! Fr: Ric Sure! Sasabihin ko sakanila, e, ako ba? hindi mo ba ako namiss? :D To: Ric Gago! Anong pinagsasabi mo diyan?! Hanggang dun lang ang conversation nila ni Ric, bakit ang liit? Nag-delete ba si Jerson? Gusto ko pang malaman ang ibang pinag-usapan nila. Humanda talaga yun si Ric saakin, maypamiss-miss pa siyang nalalaman ha! Kaya pala late ng gumising si Jerson dahil sa katetext niya kay Ric. Hmm I smell something fishy here. Narinig kong bumukas ang pinto ng bathroom ni Jerson kaya agad kong inexit yung messages tapos nilapag ang phone niya sa lalagyan. "O? Magbihis kana! Dalian mo, baka mapunta pa tayo sa detention office nito." Sabi ko sakaniya. Tumango lang siya bilang tugon sa sinabi ko at pinunasan ang basa niyang katawan, o, forgot to tell you na naka towel lang pala si Jerson na lumabas ng banyo, walang ibang suot kundi towel lang sa lower part ng body niya. "Sige, sa baba nalang ako maghihintay sa'yo." Sabi ko pagkatapos ay lumabas. Ano kayang magandang gawin dito sa bahay nila Jerson? Maganda ang bahay nila, may garden sa likod tapos magandang veranda sa labas. Manood nalang kaya ako ng t.v? Narinig kong bumukas ang maindoor nila kaya nagtungo ako doon. Nadatnan ko ang isang magandang babae na pumasok, maputi, matangos ang ilong, at may blonde na buhok. "Good morning po, tita." Sabi ko sakaniya tapos kumaway ako. Napakaganda niya naman, hindi mo aakalain na may anak na siya sa ganda ng katawan niya. "O, hija? Kanina ka pa? Where's Jerson?" Tanong niya. "Nasa taas po, nagbibihis." Sagot ko habang nakangiti. Ang ganda-ganda talaga ng mama ni Jerson, kahit na 38 na yung age niya ang ganda niya pa rin. 'Yung papa naman ni Jerson nasa France pinapamahalaan ang business nila dun at sabi niya uuwi raw ang papa niya sa October. At sa pagkakaalam ko hindi pa alam ng parents ni Jerson na hindi siya straight. Mataas ang expectation ng daddy niya sakaniya of course dahil siya lang ang nag-iisang anak. One and only son yung kaibigan ko pero hindi naman sila nanghihinayang sa performance ni Jerson sa school kasi matalino siya at active pa. Kaso naawa ako sa kaibigan ko, they're putting too much expection on him and pressured si Jerson dahil gusto niyang ma-meet lahat ng 'yon. "A, hija may tanong ako sa'yo." Tumingin ako kay tita Leveth nung tinawag niya ako. "Ano po 'yon tita?" "May girlfriend ba si Jerson sa school niyo?" Tanong niya. "I don't know po, wala ata." Direktang sagot ko, 'di na ako nagalinlangang sagutin ang tanong niya dahil alam ko namang hindi magkaka-girlfriend si Jerson kahit anong gawin nila. "Hindi mo kailangang takpan ang bestfriend mo hija, tell me." Ayan na siya, ini-interrogate na niya ako tungkol sa lovelife ni Jerson. "Hindi ko po talaga alam." Sagot ko. Tinigna lang niya ako sa mata then walk towards the kitchen. "Kung may alam ka hija just tell me, alam mo na. Gusto kong makapag-aral ng maayos si Jerson at makapagtapos, ayaw ko muna siyang ma-pasok sa mga ganyan, it would be a hindrance to his studies." Sabi niya saka ngumiti ng napakatamis. Tumango lang ako bilang sagot at pumasok na siya sa loob ng kitchen. Sa pagkakaalam ko hindi pa kahit kailan nainvolve si Jerson sa mga ganyan, friendship lang ata ang napasukan niya at sigurado rin ako na NGSB (No girlfriend since birth) ang anak nila. Bukod sa torpe ay hindi naman siya nagkakagusto sa babae. Ito nga yung unang beses na nakita ko si Jerson na naging transparent pagdating sa nararamdaman niya. Hindi ko kailan man nakita ang kaibigan ko na tumingin o 'di kaya magpakita ng sobra-sobrang interes sa isang tao until recently. "Hey, let's go?" Bumalik ang diwa ko nang tapikin ako ni Jerson sa likuran, nakatayo pa pala ako dun malapit sa maindoor nila. "Sure, a, bess nandiyan yung mommy mo." "O? She's here?" Tanong niya. "Oo, nasa ku---" Di na ako natapos sa sasabihin ko dahil lumabas na agad mula sa kusina ang mommy ni Jerson. "Baby? Jerson? Nandiyan ka na ba? Halika muna rito." Tawag ng mama niya atsaka siya bumalik sa kusina. "Yes mom, coming." Sabi niya at sinenyasan ako na pupunta muna siya sa kusina, tumango lang ako. Late na talaga kami! Detention ang bagsak namin nito, nakakahiya naman. Matagal ding lumabas si Jerson mula sa kusina, umabot pa talaga ng ten minutes? Ano ba kasing ginawa niya dun? "Come on Jerson, late na tayo!" Sigaw ko sakanya mula sa labas ng gate. Bumalik pa kasi siya sa loob kasi may nakalimutan siyang dalhin. God! Daming arte ng kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD