Ric
"Haha! Ang sarap talaga ng ice cream dito, thanks sa treat huh." Tawa nang tawa si Jerson sa kwentuhan namin tapos palagi niyang kinukurot yung kamay ko.
Nandito kami ngayon sa mall, kanina pa kami rito ikot nang ikot tapos nanood kami ng sine tapos nag lakad-lakad na naman hanggang sa umabot kami sa isang ice cream shop. At ito kami ngayon, kumakain habang nilalantakan ang kaniya-kaniyang ice cream.
My name is Ric Vincent Vilan, nag-aaral ako ngayon sa Lax University. Matagal ko ng kaibigan si Jerson, kateam mate ko siya sa volleyball nung high school. Well, alam ko na ang ilan sa mga secrets niya at tanggap ko siya. Bakit naman hindi? Kung makakita ka ba naman ng taong kagaya mo na open lang sayo.
Yes, I'm a gay, hindi ko sinabi kay Jerson kung ano talaga ako dahil natatakot ako na baka ano pa ang masabi niya. Pero sure ako na magiging masaya siya pag malaman niya na ganito ako. May lihim na pagtingin ako kay Jerson. First year high school pa lang ay may crush na ako sakaniya, ewan ko ba. Laking gulat ko nalang nang naging ka teammate ko siya sa volleyball. Sino ba naman ang hindi mai-inlove sakaniya? Eh gwapo siya, maputi at saka mabait din. He is a kind-hearted man, he has showed me a lot of things and he unintentionally taught me how to love.
Noong high school pa kami ay palagi ko siyang kasama. Kasali na rin si Jash, sa mga gimik, parties, etc. Pero hindi siya yung tipo ng tao na wild, at outgoing. Silent type siya sa mga panahon na kasama ko siya. May mga panahon nga na pinipilit ko siya at ako pa mismo ang pumupunta sa bahay nila para ipagpaalam siya sa mommy niya na gumala at lumabas kasama ang buong team.
Bukas siya sa lahat ng bagay pagdating saakin, alam ko lahat ng favorite niya mula sa color papunta sa foods, pero isa lang ang hindi niya talaga naikuwento saakin npn, ang lovelife niya.
Ni isang bagay tungkol sa lovelife niya wala siyang sinabi saakin, and I think NGSB siya. Isang factor na rin 'yon kaya hindi ko sinabi sakaniya na may gusto ako sakaniya. Natakot lang talaga akong sabihin sakaniya kasi baka ano ang maging reaksyon niya at baka magalit siya. Ayokong i-sacrifice 'yung friendship na binuo namin dahil lang sa pagmamahal ko sakaniya. I can't just sacrifice our current relationship at 'yon ang dahilan kung bakit hanggang sa panaginip lang nangyayari 'yung pagtatapat ko sakaniya.
"Hoy Ric, kuwento ka naman tungkol sa school mo." Sabi ni Jash.
"Okay lang naman dun, friendly lahat ng tao sa school namin. Lalo na 'pag varsity ka, sikat sa sa lahat ng babae sa campus." Sabi ko naman tapos ngumiti. Sumulyap ako kay Jerson na kasalukuyang tinatapos ang ice cream niya. Ang cute! may natira pang ice cream malapit sa bibig niya.
"O?" Napansin niya ako na nakatingin sakaniya kaya tumigil siya sa pagkain.
"Ang dungis-dungis mong kumain ng ice cream!" Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at inalis ko ang naiwang ice cream malapit sa bibig niya. Ganito kami palagi noon, 'pag kumakain siya ng ice cream at ako ang kasama niya. Masaya naman ako dahil kahit papaano ay naipapakita ko sakaniya na mahalaga siya saakin.
"Salamat!" I smiled at him. He hasn't changed, isip bata pa rin siya kapag kumakain ng ice cream.
"Hoy Ric, kwento ka naman tungkol sa lovelife mo." Sabi ni Jash tapos tinulak-tulak pa niya ako.
"Lovelife?" Kumunot bigla ang noo ko. Nasa tabi ko lang naman ang love of my life ko e.
"Oo, ano na? May girlfriend ka na ba? Ipakilala mo naman saamin! Anong klase kang kaibigan?"
"Oo nga Ric, may girlfriend ka na 'no? Ano, maganda ba?" Panunukso ni Jerson.
Ano ba sasabihin ko? Pag sinabi kong wala edi magtataka sila kung bakit wala pa akong girlfriend sa gwapo ko pa namang 'to mahirap magsinungaling na wala akong girlfriend. But if I'll say that I don't have any, mas lalong magtataka sila kung wala.
"Ahh, Oo! May girlfriend na ako." I tried to smile in front of them.
"Anong name?" Tanong ni Jerson. Tsk! Okay sana kung si Jash ang nagtanong, bakit ikaw pa? Gusto mo bang magpakatotoo ako ngayon at sabihin ko sa'yo na mahal kita?
I tried to think of any name na pwede kong sabihin sakanila, they're both wise at sigurado akong hahanapin nila kung sino man ang sinabi ko, "Jessa. Her name is Jessa."
Tumango-tango lang si Jerson. Sige Ric, uusad talaga 'yung plano mo sa style mong 'yan. Bakit mo ba niloloko 'yung sarili mo? Bakit ka ba natatakot na sabihin kay Jerson 'yung totoo?
Napansing kong may kinuha si Jerson sa bulsa niya isang maliit na papel tapos ay nagbuntong hininga siya.
"Sayang! Naiwan 'young phone ko, 'di ko siya mati-text." Narinig kong sabi niya.
Sinong siya? I felt a weird pain inside my chest when I heard what he said. He's referring to someone, an important one.
"Sinong siya?" Bulong ko. Mahina 'yung pagkakasabi ko kaya hindi 'yon narinig ni Jashea. Tanging si Jerson lang ang nakarinig sa sinabi ko kaya tumingin siya saakin.
"Huh?"
"Wala, ano 'yan?" Turo ko sa maliit na papel.
Tinignan niya ang kamay niya na hawak-hawak 'yung papel tapos mabilis niyang itinago sa bulsa ang kapiraso ng papel kaya mas lalo akong nagtaka.
"Wala naman akong hawak ah!" Sabi niya tapos kinakaway-kaway pa 'yung kamay niya sa ere.
"Teka, ipakita mo 'yon saakin!" Hinawakan ko 'yung bulsa niya at pinilit kong kunin 'yung maliit na papel.
"'Wag na nga! Wala 'yon." Sabi niya. Pilit niyang inaalis ang mga kamay ko.
"Akin na! 'Wag na makulit. Titignan ko lang naman eh!" Sigaw ko naman and this time, mas nilakasan ko pa ang kamay ko para makuha yung papel mula sa bulsa niya.
"So ako pa ang makulit? 'Wag na nga. Ric, let go." Naiirita niyang sabi habang tinatapik at itinutulak niya yung kamay ko papalayo.
Halos nakatingin na 'yung ibang customer sa amin. Ang ingay ko ba? Bahala na! I just wanted to see what is written in the f*****g piece of paper so that I will know who he's referring to.
"Akin na nga 'yan!"
"Wag na nga sabi eH!"
"Akin na!"
"Sabing wag na e!" Paulit-ulit naming palitan ng sinasabi. Wala ni isa sa amin ang may gustong bumigay at mas lalo ko pang ginustong makita kung ano'ng nakasaulat doon. If it isn't that important then he can at least allow me to look at it! But I my guess is right, it's from someone.
"Tumahik na nga kayo!" Sabay kaming tumingin kay Jash na sumigaw. Tapos inayos ang sarili namin. Umupo ako ng maayos at tumingin kay Jerson na niirita sa mga pagkakataong 'to.
"Ano ba kayo! Para kayong mga bata, hello? Nakalimutan niyo na ba? Matatanda na kayo mga dude!" Sabi niya tapos inirapan pa kaming dalawa. I saw Jerson bowed his head and stared at the floor.
"Ano ba kasi ang pinagaagawan niyo?" Tanong niya sa mahinahang boses.
"Gusto niya kasing kunin 'yung papel kung saan nakalagay 'yung number niya." Sabi ni Jerson.
Fuck! For pete's sake! Sino nga yang 'niya' na 'yan?! Putangina naman. Nakakainis!
"A, so gusto mong makita ang nakasulat sa papel? Yung number ni Elmar?"
Napataas ang kilay ko sa pangalang binanggit niya at biglang kumulo ang dugo ko. Elmar? Pangalan ng lalaki 'yon ah! Ibig sabihin, may gusto siya sa Elmar na pinagsasabi niya? Sino ba siya? At bakit siya nagustuhan ni Jerson? No one will ever take Jerson away from me.