Chapter 16

1419 Words
Jashea "Guys, bili muna ako ng maiinom natin."  Sabi ko sa dalawang kasama ko na kasalukuyang kumakain ng popcorn, hindi ba sila na bored sa kakakain? Kanina pa sila ganyan, nauumay na ako kakanguya ng kung ano-ano.  "Okay." Sabi ni Jerson, at iyon na ang cue ko. Nagtungo agad ako sa nagtitinda ng juice medyo malayo sa food court. Bumili ako ng tatlo, baka mabulunan pa 'yong dalawa sa kakaharutan. Habang inaabot ko sa babae ang bayad ko ay may napansin akong nakatayo malapit sa isang watch shop. May kausap siya sa phone, at sa porma niya ay napansin kong pamilyar ito at nakita ko na siya dati. Sino kaya? Naka shades kasi siya kaya hindi ko masyado makilala sa malayo. Habang naglalakad ako pabalik sa kinaroroonan ng dalawa ay nadaanan ko ang jewelry shop at may nakita akong necklace na napakaganda, I like the style and the design. Kaya pumasok ako at tinignan ng malapitan ang necklace. Inilapag ko ang dala-dala kong juice sa isang table sa gilid at pinagmasdan ang kumikinang na kwentas.  "Hi!" Napatalon ako bigla nang may magsalita mula sa likuran ko. Jusko! Papatayin ata ako sa nerbyos ng isang 'to. Humarap ako sa nagsalita at laging gulat ko nang makita ko si Lenon. Oo, si Lenon na abot tenga 'yung ngiti. Naka drugs ba 'to? Tsk.  "Gusto mo ba akong mamatay dahil sa heart attack? Bakit nanggugulat ka diyan?" Tanong ko at tinaasan ko siya ng kilay. I crossed my arms and waited for him to answer.  "Sorry naman." Itinaas niya ang dalawang kamay niya na para bang nahuli ng mga pulis. "Bakit ka ba kasi nanggugulat? And why are you here?" Sunod-sunod kong tanong sakaniya.  "Nakita lang naman kitang bumili dun sa may tindahan ng juice tapos sinundan kita, dumaan ka pa kasi dito sa jewelry shop. Todo titig ka pa sa necklace na 'yan at napakaseryoso kasi ng mukha mo. Kaya naisipan kong gulatin ka. And excuse me? Mall po ito hindi bahay niyo kaya kahit anong oras pwede akong pumunta rito."   Tumahimik nalang ako. Napansin ko ang shades na nakasabit sa damit niya. Siya pala 'yung lalaki na napansin ko kanina, kaya pala mukhang pamilyar yung hubog ng katawan niya. "Sinong kasama mo rito? At bakit ang dami mong dalang juice?" Tanong niya saakin nang mapansin niya ang tatlong bottle ng juice na dala ko. "Pwede isa-isa lang? Mahina 'yung kalaban. And by the way, before I answer that. Tell me, ano ba talaga ang ginagawa mo rito at sino ang kasama mo?" Ibinalik ko sakaniya ang tanong niya sa akin. "May hinihintay kasi ako, kanina ko pa kasi siya tinatawagan pero hindi sumasagot." Sabi naman niya.  "At bakit mo naman ako sinundan dito sa loob? obvious naman na pambabae 'yung jewelry shop na ito. Unless kung nandito ka lang para bwesitin ako."  "Kasi alam mo na. Ikaw lang kasi ang tao rito." Tapos binaling niya ang tingin niya sa ibang direksyon.  "Excuse me? I am not a shoplifter! Inamo ka." Sigaw ko at dahil dun napatingin yung nagbabantay sa shop saaming dalawa.  "O? Wala akong sinabing ganon. Ikaw lang naman nakaisip non." Natatawang sabi niya. Jeez he's getting into my nerves!   "I hate you." I told him. Kinuha ko ang mga juice na nakalagay sa tabi at lumabas ako ng shop. s**t siya dahil nilapitan niya lang ako para inisin. Manigas ka riyan, Lenon Lombart. "Jashea!" Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko pero 'di ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa paglalakad pabalik sa food court.  "Hey." Tumakbo pa talaga siya at hinawakan 'yung braso ko kaya napahinto ako.  Tumingin agad ako sakaniya at inalis ang kamay niya sa braso ko, "Bakit ka ba nandito?" Naiiritang tanong ko. Last nalang at co-cobrahan ko na talaga 'to sa spinal column. "I'm here to talk to you about our project. Next month na 'yung submission nun at wala pa tayong nasisimulan tapos may activities pa ang school next week we don't have enough time to work on it, we have three weeks. And I'm sure magiging busy tayo sa activities dahil kailangan 'yung participation natin." Sabi niya.  Matagal-tagal pa bago mag sink-in 'yung sinabi ni Lenon. Oo nga pala 'no? May project pala kaming gagawin with Jerson! Kailangan naming makapag-usap about doon. "Okay? We will talk about it. Follow me." Sabi ko. Sumunod si Lenon saakin, mukhang totoo nga 'yung sinasabi niya tungkol sa project kasi seryoso siya habang nakasunod saakin.  "Sino-sino ba ang mga kasama mo? Saan ba tayo pupunta?"  "Sa food court." 'Di ko nalang sinabi na kasama ko si Jerson baka kasi hindi na siya tumuloy 'pag sinabi ko na magkasama kami ni Jerson ngayon. Damn I don't want to waste my time here and to waste his as well. Ayoko kayang madamay yung grades ko dahil sa issue nilang dalawa.  "Sa food court? Nasa food court kana pala e, bakit dun kapa sa malayo bumili ng juice?" Masasapak ko na talaga 'to si Lenon, konti nalang. Ba't napakaraming tanong?  "Trip ko lang." Matipid na sabi ko. Pumasok na kami sa food court, naghaharutan na naman sila Jerson at Ric, kitang-kita sa malayo. Pareho silang nakatalikod sa direksyon ko kaya 'di mo agad sila makikilala.  Ric "Ibigay mo na kasi saakin!" Pilit ko pa ring inaagaw kay Jerson ang papel na itinatago niya sa bulsa. Gusto kong makuha 'to. Gusto kong punitin ito upang mabura sa alaala niya 'yung taong binibigyan niya ng halaga sa mga oras na 'to. "Ayan ka na naman! 'Wag na kasi e. Ang kulit mo talaga kahit kailan!" Sabi niya. Lumayo siya saakin at pilit na pinapalo ang kamay ko. "Ibigay mo na kasi saakin." Pagpupumilit ko.  Gustong-gusto ko na talagang makuha ang papel na 'yon, nanggigigil ako e! Ewan ko ba. Mabuti nalang at wala rito si Jashea dahil 'pag nagkataon mase-sermonan na naman kami ng babaeng 'yon.  Ang sinabi niya sa amin bibili raw siya ng maiinom. Nandito naman kami sa food court tapos pumunta pa siya sa malayo para bumili, ibang klase rin trip ng babaeng 'yon 'no? Pero okay lang kasi solong-solo ko si Jerson ngayon. Kami lang dalawa ang naiwan dito sa table namin habang kumakain ng popcorn.  "Ibigay mo na kasi saakin 'yan. Gusto ko lang naman makita e! Bakit napakadamot mo? It's a piece of paper."  "Wag na kasi!" Sabi niya tapos pilit na tinataas ang kamay niya para 'di ko maabot 'yung papel. Tsk! "Ano na namang kabaliwan ang ginagawa niyo?" Nagulat kaming dalawa at biglang na-estatuwa sa posisyon namin nang magsalita si Jash.  Pero 'di lang si Jash ang bumalik, this time may kasama na siyang iba. Isang lalaki. Nang makita ni Jerson 'yung lalaki ay umayos siya ng upo, napansin kong marahang ngumiti 'yung lalaking kasama ni Jash tapos nawala bigla 'yung saya niya nang magtagpo ang aming mga mata.  "Jerson." Nagsalita si Jash bago umupo pero bago siya umupo ay hinila muna niya yung lalaki para tabihan siya sa table. I hate their position. Ngayon ay magkaharap silang dalawa ni Jerson. Bakit napapansin kong naiilang si Jerson at 'di siya makatingin ng diretso sa kasama ni Jashea? Sino ba 'to?  "Hey." Nagsalita yung lalaki. He's talking to Jerson.  Tinignan siya ni Jerson tapos pilit na ngumiti, "Hey." Ngumiti rin 'yung gago. Tangina nakakainis! Kumukulo bigla 'yung dugo ko sakaniya. Kung umasta siya akala niya naman kung sino.  "So bessy, nandito siya para pag-usapan natin ang project natin, next month na 'yon ipa-pass at ayokong mag cramming tayo. Hindi kasi kayo naguusap sa campus kaya ito, dinala ko nalang siya sa'yo." Ibig sabihin magka-klase silang dalawa? Tangina naman. Tumango lang si Jerson  tapos nagdiscuss na si Jash about sa project nila. Tahimik lang akong nakikinig sa pinag-uusapan nila. Habang nagsasalita si Jash ay panay naman ang tingin ng lalaki kay Jerson, halos matunaw na si Jerson sa ginagawa niya. Bakit ba siya tingin nang tingin sa mahal ko? Si Jerson ay nakatungo lang at halatang hindi makatingin sa kaharap niya. Si Jash naman ay nagsasalita habang nagsusulat. Siniko ko si Jerson tapos napatingin siya saakin. Ngumiti ako sakaniya at marahang kinurot ang braso niya. "Aray." Nanlaki 'yung mata niya sa gianwa ko, "Ano'ng ginagawa mo, adik ka." Bulong niya. "Aray ha!" Medyo nilakasan ko yung boses ko kaya napatingin si Jash saamin.  "Guys," She paused and glared at us. "May sinasabi ako rito, makinig naman kayo. Respect, people." Sabi niya sa naiiritang boses tapos bumalik ulit sa pagsusulat.  Tumigil na ako sa pangungulit ko kay Jerson at tumingin sa harapan. Kasalukuyan naman nakatingin yung lalaki saakin. Ano'ng problema niya? Si Jerson naman ay nakatungo lang at parang nahihiya. What's with him? I never seen him like this before. Tuloy pa rin ang titigan namin nung lalaki. Mukhang wala saaming dalawa ang gustong bumitaw. Parang sa isip niya ay sinasaksak na niya ako ng maraming patalim. Dude, I already killed you a thousand times in my head.  Bakit ba siya ganoon makatingin kay Jerson? At bakit siya ganoon makatingin saakin pagkatapos kong makipagharutan sa taong mahal ko? Para kasing gusto niya akong patayin at balatan ng buhay sa mga titig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD