Chapter 40 Hindi alam ni Rose kung ilang minuto ang itinagal ng halik na iyon ni Lester, namalayan niya na lang ang sarili na nakapasok na pala siya sa guest room ng mansiyon. Tulirong-tuliro ang kaniyang utak habang nakaupo sa kama. Tila nararamdaman pa niya ang malalambot nitong labi na dumadampi sa kaniyang mga labi. Wala sa sariling napahawak siya sa sariling bibig saka napangiti. Nasa ganoon siyang ayos nang may kumatok sa pinto. Nang bumukas iyon ay pumasok si Cathy na abot hanggang tainga ang ngiti. Tila nanunudyo pa ito habang tinititigan siya. "Late na, ah. Hindi ka pa ba inaantok?" tanong niya rito. "Inaantok kaya lang sira 'yong aircon sa room ko. Papunta na sana ako rito kaya lang nadaanan kita kanina sa balkonahe kaya bumalik ako sa room ko." Umupo ito sa kama saka sumanda

