Chapter 41 Kinaumagahan ay sabay-sabay na nag-almusal malapit sa pool ang mag-iinang Monteero kasama si Rose. Naroon naman sa swimming pool ang kambal at masayang naglulunoy sa tubig. "Nakakatuwa ang mga anak mo, Rose," wika ni Charlotte matapos sumimsim ng kape. "Napakabibo ng mga batang 'yan." Ngumiti lang si Rose habang pinagmamasdan ang mga anak ang lumalangoy. "Alam mo, Rose," sabad naman ni Cathy. "Hindi ko akalain na may anak ka na. Parang hindi ko ma- imagine na galing sa 'yo ang kambal. Sa hitsura ng katawan mo, parang hindi ka nanganak." Pasimpleng tiningnan ni Rose si Leester na nakaupo paharap sa kaniya. Napapangiti rin ito sa tuwing lilingunin ang naghaharutan na kambal. "Workout lang, Cathy. Pero more on martial arts ako noong nasa States pa kami. Kailangan ko iyon par

