Chapter 42 "Aurora?" sambit ni Leester sa naguguluhang tinig. Napahawak ito sa kanang bahagi ng ulo na tila may naaalala. "Sounds familiar," bulong nito. "Magkakilala ba kami noon, mama?" "Anak," sagot ni Charlotte at tumingin sa gawi ni Rose na tila humihingi ng tulong. "Si Aurora ay-" "An old friend of mine," salo ni Rose sa iba pang sasabihin ng ginang. Lihim namang napangiti si Cathy at patay-malisyang tumingin sa cellphone. Nagkunwari itong abala para hindi magtanong ang kapatid. "Excuse me. Pupuntahan ko lang siya." "Samahan na kita, Rose," presinta ni Cathy pero tinanggihan niya iyon. "It's okay, Cathy. Kaya ko naman. Pakitingnan na lang ang kambal," wika ni Rose saka bumulong, "make sure na hindi susunod sa akin ang kapatid mo. Susupalpalin ko lang ang babaing iyon." Tumayo n

