Chapter 17 "Likewise, tita. It's been years mula nang huli tayong magkita." Nilingon nito si Cathy at nginitian. "Hi, Cathy." Tango lang ang isinagot ng huli. "Have a seat, Aurora," alok ng ginang. "Thanks, tita." Inukopa nito ang upuan sa tabi ng ginang. "What do you like, iha?" Akmang kakawayan nito ang waiter subalit pinigil ito ng dalaga. "Don't bother, tita. Katatapos ko lang po mag-snack." Nakatingin lang sina Cathy at Rose sa dalawa. Hindi naman nagpahalata ang huli na kilala niya ang dalagang kausap ng ginang. Nagngingitngit ang kalooban ni Rose habang pinagmamasdan si Aurora. Galit man siya sa dalaga subalit kailangan niyang pigilan ang sarili. Tila kinagigiliwan naman ng ginang ang dalagang kausap at isa pa iyon sa dahilan kung bakit nadagdagan ang galit niya kay Aurora. S

