Chapter 15

2111 Words

Chapter 15 "Papa, mahihirapan tayong kumbinsihin si Rose na pumayag sa mga plano mo," ani Kyle sa ama matapos maghapunan. Niyaya siya nito sa study room para pag-usapan ang gusto nitong mangyari. "Walang imposible sa isang Monteero, Kyle." Pinukol siya nito ng isang makahulugang tingin. Pagkatapos sinalinan nito ng alak ang baso at ibinigay sa kaniya. "Tutulungan mo ako sa mga plano ko, kayong dalawa ni Cathy. Maging ang mama n'yo ay gustong-gusto si Rose para sa kapatid ninyo." "Mahihirapan si kuya dahil walang ibang bukambibig si Rose kundi ang namatay niyang boyfriend; kung gaano niya ito kamahal, kung gaano ito kabait," napailing siya habang nagsasalita. "Isa pa alam naman natin ang kalagayan ni kuya. Marunong kaya siyang manligaw? Dahil sa nakikita ko, paghihirapan niya nang husto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD