Chapter 29 "Look who graced us with his presence," nakangiting wika ni Kyle nang dumako ang paningin nito sa pintuan ng dining room. Maayos na ang pakiramdam nito kaya bumaba na para sumabay sa pamilya sa paghahapunan. "Come on, Kuya, sumabay ka na sa amin. May bisita tayo." Napalingon ang mag-asawang Monteero pati na rin si Cathy. Hindi naman alam ni Rose ang gagawin, nakatingin lang siya sa lalaking papalapit sa mesa na tumigil sa mismong harapan niya. "I'm sorry for what happened," tukoy ni Lester sa nangyari noong makita niya ito sa infirmary kung saan pinagbubugbog nito si Vin. "I don't know what came into my..." Nauutal ito nang muling magsalita lalo na nang titigan ito ng dalaga sa mga mata. "It's okay. You don't have to worry. I understand." Nauutal din ang dalaga kaya lalong l

