Kabanata 1

1468 Words
Kabanata 1 "MALAS!" Nagitla ako nang mabasag sa harapan ko ang bote ng alak na itinapon ng aking amain. Napaatras ako sa may pinto. Kumabog ang puso ko. "Saan ka galing? Lintek ka!?"singhal nito. Halos manlaki ang mga mata. Galing ako sa eskuwelahan para mag-enrol. Kahit hindi ko alam kung posible pa ba na makapag-aral ako ngayong taon. Dalawang linggo na mula nang mamatay si Mama dahil sa sakit nito. At mula noon, nagbago na ang ugali ng amain ko. Bata pa ako nang biglang nawala ang ama ko. Anim na taong gulang pa lang yata ako noon. At walong taon na naman ako nang dumating sa bahay namin si Tiyo Wesley. Dati, mabait naman siya sa akin. Pero habang lumalaki ako, nakikita kong peke ang kabaitan niya. Mabuti lang siya kapag naroon si Mama. Pero mula nang magkasakit si Mama, lumabas na ang tunay na ugali nito. "Ba-bakit ho?" tanong ko sa nangininig na boses. Lasing na naman kasi si Tito. "Ano'ng bakit? Palamunin na nga kita. Hindi ka pa maasahan dito sa bahay na baboy ka!" sigaw nitong nagpaatras sa akin at nagpainit ng mukha ko. Likas na mataba ako; kahit ang mama ko naman ay hindi. Sexy kasi si Mama kahit malapit nang magkuwarenta noon. Sabi ni Mama, mana raw ako sa lola ko na hindi ko naman nakilala. "Nagpunta ho ako sa school para—" "Para ano? Para pagastusin pa ako sa pag-aaral mo! Eh hindi nga kita kaano-ano. Hindi ka na mag-aaral!" Sigaw nito na tuluyang ikinabagsak ng balikat ko. Alam ko naman ang posibilidad, pero umasa pa rin ako. Dama ko ang pagtutol na bumalot sa pagkatao ko. Gusto kong makapag-aral. Ipinangako ko iyon sa mama ko at sa sarili ko. "Tito kasi ho—"kusa kong tinapos ang sasabihin ko nang titigan ako nito ng masamang tingin. "Hindi ka na mag-aaral, Jackie. Pero kung gusto mo talaga, sumunod ka sa sasabihin ko." Seryoso ang mukhang saad nito saka dinampot ang isang bote ng beer sa mesa. Lasing na ito pero umiinom pa rin. "Maghanda ka kasi may bisita ako mamaya," anito na bahagyang kumalma ang tinig. "Hindi naman halata sa katawan mo na kinse anyos ka lang." Mahinang saad nito, saka ngumisi nang nakakaluko. "Makabayad man lang kayong mag-ina sa gastos at hirap ko sa inyo." "Ano hong..." "May damit doon sa itaas. Magbihis ka mamayang alas sais. Maligo kang mabuti at magpaganda, kung may igaganda ka pa!" Pasinghal na tuya nito, saka ako iniwan. Nagtataka man, napasunod na lang ako ng tingin dito. Wala naman akong nagawa kundi ang tumuloy na sa kusina para maghanda ng pagkain. Nagsaing ako ng kanin saka naghanda ng mailulutong ulam. May daing pa naman sa lalagyan. Lumabas ako para manguha ng talbos ng kamote sa likod-bahay. Mahilig ako sa gulay dahil wala naman kaming laging pambili ng karne o kaya isda man lang. Pero kahit anong bawas ko sa kain, sadyang malaki ang katawan ko. Malaki ang dibdib at malaki ang balakang at puwet. Bilugan din ang mukha ko. Kaya't baboy ang tawag sa akin ni Tito Wesley. Habang inaantay kong matapos ang kanin sa di-uling naming lutuan. Naligo at nagbihis muna ako. Saka ako bumalik sa kusina. Ginisa ko ang gulay at nagprito ng tuyo. Mag-aalas sais na. Wala pa rin si Tito Wesley, kaya nagpasya na akong kumain mag-isa. Nagtabi na lang ako ng pagkain nito. Saka ako nagtungo sa kuwarto ko. Napatingin ako sa paper bag na naroon sa ibabaw ng aking higaan. Nagulat ako nang makita ko ang spaghetti dress sa loob. Maganda sana, kaso parang hindi naman bagay sa malusog na braso ko. Pero dahil utos ni Tito kaya wala akong magawa. Kundi ang isuot iyon. At nagulat ako na may kurba pala ang katawan ko kahit mataba ako. Kaya't napangiti ako na kaagad ring naglaho, "Huwag kang assuming, Jackilyn, walang matabang sexy, no..." paalala ko sa sarili ko. Kahit malalaki ang ibang parte ng katawan ko, hindi naman malaki ang bilbil ko. Pero dahil nga malaki ang hinaharap ko, madalas T-shirt talaga ang isinusuot ko. Naiilang kasi ako kapag pinagtitinginan ako dahil sa dibdib ko. Nagpulbos lang ako dahil iyon lang naman ang mayroon ako sa kuwarto. "Bakit kaya kailangan ganito ang suot ko?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa harapan ng salamin. Lumipas ang alas sais, pero hindi dumating si Tito Wesley. Nagpasya akong bumaba para i-check ang bahay. May susi naman si Tito, kaya ang doorknob lang ang nilock ko. Isa ito sa mga mahigpit na turo ni Mama na maging maingat dahil dalaga na ako. Maging ang kuwarto ko ay may sariling lock. Kaso noong isang araw, nasira iyon dahil sinipa ni Tito ang pinto. Maghapon akong naglaba ng mga damit namin, kaya nakatulog ako. At sa pagod ko, nakalimutan kong magluto ng hapunan, kaya't mag-asawang sampal ang natanggap ko mula dito. Sa totoo lang, hindi ko pa rin mapaniwalaan na ganitong tao ang naging asawa ni Mama. Mabait naman ito dati. Pero may hangganan pala ang kabutihan nito. Magpapalit na sana ulit ako ng damit nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napilitan akong bumaba dahil baka bulabugin na naman ako ni Tito Wesley. "Jackie!" dinig ko ang malakas na boses nitong halatang lasing na lasing na bago pa ako nakalabas sa kuwarto. Sinalubong ko ito, subalit natigilan ako nang may kasama itong may edad na lalaki. Hula ko, matanda ang lalaki kay Tito dahil madaming uban ang buhok nito. Kaagad nanoot sa ilong ko ang amoy ng sigarilyo na alam kong galing sa kasama ni Tito. Hindi kasi naninigarilyo si Tito, pero malakas naman sa alak. "Buti gising ka pa," nakangiting saad nito, halatang good mood kahit hindi na makatayo nang maayos. Subalit hindi nakaligtas sa mata ko ang tingin na ibinigay sa akin ng kasama nito. Hindi ko maipaliwanag, pero dama kong nagtatayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa kakaibang tingin nito. "Ihanda mo sa mesa ang dala nitong kaibigan ko. Ipaghain mo siya at pagsilbihan mong mabuti," utos ni Tito Wesley na halos matumba na sa kalasingan. "Ho? Bakit ko naman pagsisilbihan ang bisita nito? " sa isip-isip ko. "Bingi ka ba?" asik ni Tito kahit bali-baliko na ang salita. "Pare, pagpasensyahan mo na, may katangahan lang ang batang 'yan." Baling nito sa lalaki na tumango lang naman. Tahimik lang ito, pero dama ko ang takot sa pagkatao ko dahil sa presensya nito. Dapat kasi talaga nagbihis na ako kanina pa. Kita kasi ang halos kalahati ng dibdib ko dahil sa dress na ito at lalong tumingkad ang kulay ng maputing balat ko dahil sa pulang damit "Ayos lang..." tipid na sagot ng lalaki. "Oh, sige na, Jackie. Ipaghanda mo itong kaibigan ko, asikasuhin mo siyang mabuti," bilin pa nito, sabay turo sa dalang bag ng lalaki. "Pagkatapos, samahan mo siya sa pupuntahan niya." "Ho?" "Aba tala—" "Pare, kalma lang. Lasing ka na, ako na ang bahala dito kay Jackie," nakangising aso na saad ng lalaki. "Hay, buwisit talaga ang babaeng 'yan sa buhay ko. Sige na, ikaw na ang bahala sa kaniya," pigil ang inis na utos nito sa lalaki, saka tumalikod na patungo sa silid nito. "I-lock mo ang pinto pag-alis n'yo. At sundin mo ang utos niya, kundi lagot ka sa akin." Banta pa nito bago isinara ang pinto ng silid nito. "Ah... saan ho ba tayo pupunta?" lakas-loob na tanong ko sa lalaking kaharap ko. Sabay lunok, naiilang na rin kasi ako sa titig nito sa dibdib ko. "May pupuntahan lang tayo pagkatapos nating kumain. Ihanda mo na para makakain ka ng masarap," udyok nito, na kinuha ang bag, saka naglakad palapit sa akin. "Ito oh," anang nito, na lumunok pa. At muling tinitigan ako. Damang-dama ko ang kilabot sa pagkatao ko na hindi ko maipaliwanag. "Kung gusto mo, puwede tayong kumain na lang sa labas. Sabi ng tito mo, sasamahan mo raw ako ngayon. Mas maraming masasarap na pagkain doon..." pinalambing pa nito ang boses. Ilang ulit akong lumunok. Alam kong hindi ako dapat magtiwala sa taong kaharap ko. Pero kapag hindi ko sinunod ang utos ni Tito, siguradong lagot ako. Minsan na akong nasaktan ni Tito at ayaw ko nang maulit iyon. Napatitig ako sa matandang lalaki. Ngumisi ito, kaya't lalo akong nakadama ng takot. "Sige na, hija. Maghanda ka na. May wine d'yan. Siguradong magugustuhan mo." "Wi-wine ho?" Ano namang pakialam ko sa wine? Eh, minor pa ako para uminom. "Alak ho ang wine kaya bawal pa ho sa akin." "Ano ka ba, ubas lang ang wine, hija, mabuti pa samahan mo na muna ako, hayaan na natin 'yang pagkain, halika na," anang nitong hinawakan ang pulsuhan ko. "Sumama ka sa akin, kakain tayo ng masarap," udyok nitong lalong nagpatayo sa balahibo ko. "Ho... teka, Manong," nag-iinit ang mga matang tangi ko nang hilahin ako nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD