Kabanata 5
HINDI KO alam, pero biglang naging tahimik na si Kuya Robert hanggang makauwi na kami. Late na kaya tulog na si Tita Annie.
"Kuya, gusto mo ng kape?" tanong ko dito. Mahilig ito sa kape kahit sa gabi.
"Hindi na magpahinga ka na," pormal nitong sagot. Magkasunod na kaming umakyat sa hagdan. Pero nauna ako , kaya gusto kong pagsisihan kasi pakiramdam ko, naiilang ako ngayon. Maiksi pa naman ang tabas ng dress na suot ko.
Kahit mataba ako, maganda naman ang hubog ng legs ko, kaya malakas ang loob kong mag-shorts o dress. At sa kung anong dahilan, parang gusto kong lalong bagalan ang lakad ko.
"Ah, Jackie, kukuha nga pala ako ng damit," imporma nito nang papasok na ako sa kuwarto. Hindi na kasi ako pinalipat ni Tita Annie ng silid. Kaya ang dating silid ni Kuya Robert ay ako na ang gumagamit. Habang ito na ang gumagamit ng mas maliit na kuwarto sa tabi ng silid ko.
Ang dahilan ni Tita, lagi namang wala si Kuya Robert. Okay naman kay kuya, kaya naging komportable na ako. Pero ang malaking cabinet nito ay nasa silid ko pa rin.
Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto sa kuwarto ko para makapasok si Kuya Robert. Naroon pa rin ang isang malaking larawan at ilang gamit nito.
"Kapag may oras ka, ilipat mo na lang ang ibang gamit ko doon sa kuwarto na ginagamit ko,"anang nito nang nasa loob na kami.
"Ayos lang kuya, isa pa kuwarto mo ito kaya bakit ko aalisin? Thankful na ako na may maganda akong kuwarto ngayon," totoong saad ko. May pagkakataong nahihiya pa rin ako na parang inagawan ko nang silid si Kuya Robert.
"Bakit ba hindi ka maging komportable? Isipin mong bahay mo na rin ito," paalala nito.
"Ah, basta, okay na 'yan diyan," giit ko. Ayaw ko namang sabihing morning routine ko nang batiin ang larawan ni Kuya Robert pagising ko sa umaga. "Salamat ulit sa pa-birthday, kuya. Sayang, hindi sumama si Tita."
"Hindi mo pa binuksan ang isang paper bag," puna nito sa isang paper bag na nasa kama ko pa. Mas excited kasi ako sa date namin kanina kaysa sa anumang regalo nito. "Open it," udyok nito. Napilitan naman akong kunin ang bag. At ganun na lang ang gulat ko nang makita ko ang latest model ng phone na naroon.
Muntik pa akong mapanganga, sabay baling dito. It was the same phone na sikat ngayon sa school ko.
"Sa... sa akin 'to, kuya?" Nanginig pa ang kamay ko dahil doon. Lumang phone kasi ni Tita Annie ang ginagamit ko ngayon. Ayos lang naman iyon.
"Dalaga ka na, mas maganda kung bago ang phon—" Hindi na nito natapos ang sasabihin nang walang salitang tinawid ko ang ilang hakbang na pagitan namin at niyakap ko ito.
"Ang suwerte ko talaga sa inyo ni Tita Annie," maluha-luha kong saad habang nakayapos ako kay Kuya Robert. Bukal sa loob ko ang bawat salitang iyon.
"Jackie..." mahinang sambit nito sabay tikhim. Hinayaan ko ang sarili kong damhin ang mainit na katawan ni Kuya Robert. Kahit sa movie house kanina, walang ibang laman ang isip ko kundi ang mainit nitong katawan.
Ang weird na ganito ang pakiramdam ko ngayon.
Dama kong umangat ang kamay nito, pero ilang saglit bago ko naramdamang hinaplos nito ang likod ko.
"Masaya akong nagustuhan mo ang regalo ko," anang nito. Kusa na akong humakbang palayo dito. Pero tiningala ko si Kuya Robert.
"Masaya talaga ako. First time kong magkaroon ng bagong phone, tapos latest model pa ng Iphone. Thank you! Thank you talaga, Kuya." Dama ko ang saya ko, hindi lang dahil sa bago kong phone. At alam ko iyon. "Kaya lang hindi ata ako marunong gumamit nito." Kunwa'y saad ko. "Parehas ba ito sa Android? Sabi, may bayad raw ang mga apps dito."
"Hindi naman lahat. Halika, turuan kita." Presenta ni Kuya Robert na ikinatitig ko sa mga mata nito. Alam ko naman talaga kung paano gamitin ang iphone. Gusto ko lang na mas matagal kong makasama si Kuya Robert, malamang bukas aalis na naman ito.
Nauna na akong naupo sa kama ko. Ganun din ang ginawa nito. Kaya umurong ako sa gitna para pareho kaming makasandal sa headboard ng kama.
Sinunod ko lang ang mga instructions nito. At kunwari rin namang di ko talaga alam. "Teka, kuya, mag-selfie tayo," kaagad kong saad nang matapos na ito sa pagbibigay ng instructions. Mabilis kong inangat ang phone para hindi na ito makatangi.
"Kailangan ba?"
"Oo naman, ang dami kong likes at comments kapag nag-post ako kasama ka. Nadadaan mo sa face card mo ang mga friend list ko."
"Hindi yata maganda 'yan."
"Anong hindi, mula nang mag-post ako na kasama kita sa pictures ko, aba, naniwala na silang may guwapo akong kuya. Kaya sige na..." pangungulit ko dito.
"Pambihira ka," naiiling na saad nito, pero kusa rin akong inakbayan ni Kuya Robert. Saglit na sumikdo naman ang puso ko kaya tumabingi ang kuha ko ng larawan.
"Palitan natin, ako na," suhestyon nito saka kinuha sa kamay ko ang phone. At ito pa mismo ang kumuha ng unang picture namin para sa phone ko. Ilang shoots rin ang ginawa nito at lahat iyon nakaakbay ito sa akin. Sukat doon ay hindi ko napigilang lingunin si Kuya Robert.
At tila wala sa sariling, hinalikan ko ang pisngi nitong ikinagulat nito, kaya't napabaling din ito sa akin. Saglit na tila huminto ang mundo ko. At maging si Kuya Robert ay napatitig din sa mukha ko.
"Ah... pa... pa thank you kiss lang iyon..." nauutal na depensa ko sa nag-iinit kong mukha.
"Gano'n ang thank you kiss?" Wala sa sariling tanong nito sa seryosong tinig.
"Ha?" Napakurap-kurap pa ako. Tila noon din ito natauhan saka umiling. Bakit parang iba ang kahulugan ng sinabi nito sa pandinig ko? Parang sinasabi nitong hindi lang dapat ganun ang kiss ko dito.
"Puro ka kalukuhan," sabi na lang nito, saka ibinalik sa akin ang hawak nitong phone ko. Tumayo na rin ito. Umangat ang kamay nito sa buhok ko at ginulo iyon. Ako naman ay napatingala kay Kuya Robert. Pero pagbaba ko ng tingin sa harapan nito napadako ang mga mata ko.
Bakit parang may pahabang umbok sa pantalon nito? Malamang iyong espada ni Kuya, pero bakit parang ang laki naman ata.
"Sige na, magpahinga ka na, kukuha lang ako ng damit ko," anang nitong nagtungo na sa cabinet nito. Habang ako nakatitig lang sa matipunong likod ni Kuya Robert. "Ah..." anang nito, sabay baling sa akin na ikinagulat ko. "Paggamit na rin muna ng banyo."
"Sige, kuya, maya na lang ako,"sagot ko dito, sabay kagat ng ibabang labi ko. Nang makapasok na ito sa banyo ay saka ako kumuha ng bihisan ko at inilatag ko sa kama. At dahil kumalam ang sikmura ko, bumaba na muna ako para magtimpla ng gatas.
Paano naman? Nahiya ako kanina sa dinner namin, kaya hindi ako nakakain nang maayos. Naglagay din ako ng tubig sa baso, saka ako bumalik sa kuwarto.
Noon naman lumabas si Kuya Robert sa banyo. Naka sandong puti at boxer na lang ito. Sa kamay nito naroon ang hinubad nitong damit.
"Ilagay mo na lang diyan sa laundry basket 'yan, kuya. Labahan ko na lang bukas," saad ko dito. Tipid naman itong ngumiti at inilagay doon ang hinubad nito. Ako ang nagpepresenta ng paglaba ng mga damit namin ni Tita. Washing naman kaya hindi mahirap.
"Kaya tuwang-tuwa sa'yo si Tita, hindi mo na raw siya halos pakilosin dito sa bahay."
"Ito lang ang magagawa ko para kay Tita. Hindi ko na nga ho alam kung paano pa ako makakabayad sa lahat ng tulong n'yo."
"Ayan ka na naman."
"Seryoso ako, Kuya. Sa iyo nga, hindi pa ako nakakabayad. Kita mo nang dami mong ibinigay sa akin. May Iphone pa ngayon. Kaya kung may kailangan ka sa akin, Kuya, sabihin mo lang ho. Kahit ano gagawin ko," seryosong saad ko na ikinatitig nito sa mukha ko.
May nakita akong kislap sa mga mata nito. Pero umiling din naman si Kuya Robert, saka ito bumuntong-hininga.
Nagulat ako nang maglakad ito palapit sa akin. Kaya't muntik na tuloy akong mapasinghot dahil nanoot sa ilong ko ang amoy ng katawan ni Kuya Robert. Kita kong gumalaw na naman ang lalamunan nito. Bumuka ang bibig nito, pero wala namang lumabas na salita doon.
"Kuya, bakit? May sasabihin ka?" Di nakatiis na usisa ko para kasing mayroon itong gustong sabihin sa akin.
"Wala, make sure to lock your door bago ka matulog," seryoso nitong saad, saka walang salitang umalis na.
Kinabukasan.
Nakaalis na si Kuya Robert paggising ko. Inagahan ko pa ang gising, pero hindi ko na ito naabutan.
"Kumusta ang lakad n'yo kagabi?" usisa ni Tita Annie habang nag-aalmusal kami.
"Okay naman po, sayang di ka sumama, tita," ani ko. Partly, nanghihinayang naman talaga ako. Pero sa kabilang banda, nagpapasalamat ako na hindi sumama si Tita Annie, kaya medyo nakokonsensya rin naman ako.
"Naku, may edad na ako para sa ganiyang bagay. Iyan ba ang regalo ni Robert sa'yo?" Puna nito sa phone na nasa mesa.
"Opo, ang ganda ng phone. First time ko ho ng brand new na phone, kaya dalawa na ang phone ko ngayon," masayang saad ko. Siyempre, wala akong planong itabi na lang basta ang phone ni Tita Annie. Maganda pa naman kasi iyon, kaya walang kaso sa akin kung hindi na brand new.
"Pero, Jackie, huwag kang magbo-boyfriend muna ha."
"Naku si Tita, hindi pa ho talaga... promised." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na ikinangiti naman nito.
"Mabuti at Jackie, kung ano't anuman, alagaan mo si Robert para sa akin ha." Seryoso nitong saad na ikinasimangot ko.
"Tita, hindi na alagain si Kuya. Ang laking tao noon. Saka matanda na iyon."
"Ah, basta, ipangako mo sa akin." Pangungulit nito kaya pumayag na rin ako.
"Promise po, Tita. Aalagaan ko kayo parehas hanggang sa pagtanda ko."
"Usapan 'yan ha." Nakangiting saad nitong pinisil pa ang palad ko.
A few months later...
Dumating ang araw na pinakahihintay ko, ang graduation ko. Siniguro kong maganda ako sa araw na iyon. Kaya nang makita ako ni Kuya Robert, kita kong napatitig na naman ito sa mukha ko.
Titig na nagsasabing maganda ako. At paulit-ulit iyon. Hindi ko nakuha ang Valedictorian title, pero ako naman ang may pinakamaraming medals dahil active ako sa mga school activities at events. At siyempre isa ako sa mga with highest honor.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit hindi ako ang naging valedictorian kahit mas mataas ang mga test result ko kaysa sa nakakuha ng highest honor. Palibhasa kasi, anak ng congressman ang kalaban ko sa ranking.
Pero deadma na lang. Ganun talaga ang nadadaan sa sponsorship.
Pero ang reason sa akin ng adviser ko kasi raw transferee ako, kaya hindi ako kinuha kahit salutatorian. Anak ng mayor ang nasa puwesto eh.
After ng graduation ceremony ay kumain lang kami sa labas. Kaya late na kaming nakauwi. At dahil napagod na si Tita Annie, kaya nauna na itong nagpaalam para magpahinga.
"Kuya kape," aluk ko dito.
"Sige," sagot nito kaya mabilis na akong tumalima para sa kape ni Kuya Robert. Hinubad ko lang ang toga ko at inilagay ko sa upuan.
Masigla akong nagtimpla ng kape, subalit habang nagsasalin ako nang mainit sa tasa. Dumulas ang heels ko sa tiles pag-abot ko nang kutsarita, dahilan upang matapunan ng mainit na tubig ang kamay ko. At sa pagkaranta ko, natalsikan rin ang bandang dibdib ko nang mainit na tubig ng masagi ko ang tasa.
"Sh*t!" Naiiyak na ang sambit ko. Sabay pinaypayan ng isang kamay ko ang dibdib ko. Nagmamadaling napalapit naman sa akin si Kuya Robert.
"Baki—" kusa nitong ibinitin ang sasabihin nang makita ang namumula kong kamay. Sabay napatitig sa dibdib ko. Kaagad nitong hinawakan ang palad ko. "Ano ka ba?" sermon nito sa nag-aalalang tingin. Mabilis nitong kinuha ang burn ointment sa kabinet saka ako hinila patungo sa upuan sa kumedor.
Nakagat ko na lang ang labi ko dahil sa hapdi-dala ng paso.
"Lalagyan ko," paalam nito, sabay kabig ng kamay ko palapit dito. Pero nagulat ako nang yumuko ito at inihipan ang paso sa kamay ko. Mukhang hindi naman magkakablister iyon, pero mahapdi lang talaga.
"Ah..." daing ko dahil masakit ang paso ng lagyan nito nang gamot.
"Tiis lang, dahandahanin ko..." kumbinsi nito sa akin, saka maingat na nilagyan ng gamot ang paso ko.
"Ang ganda pa naman ng make-up ko, mapapaso lang ako..." nakasimangot na saad ko.
"Tumigil ka nga, dapat kasi nag-iingat ka," malambing na saad nito. Saka binalingan ang bandang dibdib ko. Hindi naman kasing-tindi ng paso ang tinamo ko sa bandang dibdib ko. Natalsikan lang iyon.
"Huwag kang magalaw, lalagayan ko rin 'to." Anang nito at walang salitang pinahiran ng ointment ang bahagya namumula kong dibdib. Malapit iyon sa may cleavage ko. At kita kong paggalaw ng panga ni Kuya Robert.
Halos hindi ako huminga, pero mas nagpanic ang utak ko nang yumuko si Kuya Robert nang bahagya, para marahang ihipan ang munting paso ko.
Sukat doon ay nakagat ko ang labi ko, dala ng kakaibang kiliting hatid ng ginawa nito. Ang mainit na hangin mula dito ay nagpatayo ng balahibo ko sa batok.
"Ayos na," sabi nito nang matapos maglagay ng ng ointment. "Akyat ka na muna, ako nang maglilinis nito." Taboy nito sa akin. Napatango lang din naman ako dito. Pero bago ako tumalikod ay nagsalita si Kuya Robert.
"Huwag mong i-lock ang pinto..." seryosong utos nitong ipinagtaka ko.