Kabanata 4

2035 Words
Kabanata 4 "OO NAMAN, maganda ka." Para iyong sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko at nagbigay ng panibagong saya sa buhay ko. Lumipas ang mga araw. Naging masaya ako kasama ni Tita Annie. Pinag-aral ko rin nito. At si Robert-este Kuya Robert pala, madalas na ring umuwi sa bahay. Tulad ngayong seventeen birthday ko. Nangako ito sa akin noong isang linggo na uuwi ito. Kaya hindi na ako makapag-antay. Pero halos hapon na wala pa rin ito. Sukat doon, napabuntong-hininga ako. "Darating pa kaya siya?" "Oo naman..." "Ay, palaka... tita," gulat na sigaw ko na dahil nabigla na lang itong nasa likuran ko. "Sino ba 'yang kanina mo pa tinatanaw diyan ha? Malapit nang humaba ang leeg mo," tudyo nito sa akin, saka naupo sa tabi ko. Naroon kasi ako sa balcony ng bahay nito. Kita kasi doon ang bakal na gate at gusto kong salubungin si Kuya Robert pagdating nito. "Wala po..." Nag-iwas ako ng tingin dito. "Sus, batang 'to. Sa akin ka pa talaga nahiya. Umamin ka may boyfriend ka na ba?" usig nito, pero nakangiti naman. "Tita, huwag ka nga hong ganyan, saka..." Hininaan ko ang boses ko. "Sino naman ang magkakagusto sa matabang babae na tulad ko?" "Mataba? Naku, hindi mataba ang tawag sa ganiyang katawan, ano nga 'yon. Ah... teka nasa dulo nang dila ko..." anang nitong tila nag-iisip pa nga. If I know, binobola na naman ako nito. Panay kasi ang diet ko at exercise, kaso fail talaga ang katawan ko. Feeling ko nga lalo lang lumalaki ang dibdib ko ngayon. "Ah.. bombshell!" Deklara nitong ikinatawa ko. "Bombshell?Ano kaya iyon, baka bamboy..." nakangising pagtatama ko dito. "Aray..." daing ko nang paluin nito ang braso ko. "May ganun nga, batang 'to. Iyong mga voluptuous type. Chubby na sexy. Saka tingnan mo ang baywang mo, aba'y maliit na ah." "Oo nga po, buti na lang talaga di ako mayaman sa bilbil," sang-ayon ko dito. "Mayaman nga lang b0obs at wetpu." Kapwa kaming nagkatawanan, pero sabay ring napahinto nang dumating ang kanina ko pa hinihintay. "Nandito na si Kuya," excited kong saad, saka ako tumayo at tumakbo pababa ng hagdan. "Baka madapa ka," dinig ko ang sigaw ni Tita Annie, pero nag-approve sign lang ako sa ere. Saka ako tumakbo patungo sa bakal na gate. Muntik pa akong mapanganga nang umibis sa driver's seat ang macho at guwapong pantasya ko. Walang iba kundi si Robert. Hindi naman siguro kalandian 'to. Secret lang naman na may pagnanasa na ako kay Kuya Robert. Dama ko ang kabog ng puso ko, pero nagawa kong lumabas ng gate para tulungan ito. "Tulungan na kita, Kuya," alok ko nang makalapit ako dito. Muntik nang tumigil ang pintig ng puso ko nang ngumiti ito sa akin. At sa sexy at malalim nitong boses, nagsalita ito ng 'ako na', pero halos hindi ko naman narinig dahil sa lakas ng pintig ng puso ko. Lately, nagiging oa na rin ang heartbeat ko kapag dumarating si Kuya Robert. Siguro kasi mahal ko na siya. Lihim akong natawa at sinita ko ang sarili ko. Nagmahal agad, di ba puwedeng crush lang? Malabo naman kasing magustuhan ako ng tulad nito "May pasalubong ako sa'yo," nakangiting saad nito matapos kunin ang mga dala nito mula sa trunk ng sasakyan. "Happy birthday, Jackie," anang nitong ginulo ang buhok ko. "Kuya, dalaga na kaya ako,"reklamo ko dito, sabay nguso na may kasamang simpleng pa-cute. Kita ko na saglit itong natigilan at gumalaw ang lalamunan nito. Pero kaagad ring ngumiti, saka ko inakbayan papasok sa bahay. Siyempre, kilig na naman ang dalagang puso ko. Sa mga ganoong simpleng gesture nito, masaya ang puso ko. Naroon naman si Tita Annie na nag-aantay sa may hagdan. "Akala ko ba hindi ka makakauwi ngayon?" nakangiting saad ni Tita Annie dito. "Piniyagan ako ni Don Fred, sabi ko, birthday nitong alaga mo ngayon," anang nito, saka nagmano kay Tita. "Bihis na kayo, sa labas na lang tayo mag-dinner ngayon." Utos nito habang papasok kami sa bahay. "Naku, kayo na lang dalawa. Masakit ang tuhod ko. Alam mo naman, tumatanda na ako." Tangi ni Tita Annie. "Tita naman ang kj," reklamo ko. Paano kung magbago ang isip ni Kuya Robert at hindi matuloy ang date namin— este ang dinner pala. "Nadadalas ang sakit ng tuhod mo, Tita? Magpa-check-up na kaya tayo," bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Normal ang rayuma sa nagkakaedad, kaya ikaw, mag-iingat ka, baka magkarayuma ka na rin soon," pang-aasar pa nito kay Kuya Robert. Mag-thirty-two na kasi ito. "Sige na, Jackie, magbihis ka na at para makaalis kaagad kayo." "Sure ka, Tita? Parang ayaw ko na lang rin." "Sige na, birthday mo ngayon," udyok sa akin ni Kuya Robert. At dahil wala naman akong planong magpilit, kaya't kumilos na rin ako kaagad. Mabilisan akong naligo, kahit naligo na ako kaninang umaga. Paglabas ko ng banyo ay nagkagulatan pa kami ni Kuya Robert na pumasok na rin sa kuwarto. "Ah..." saglit itong napatitig sa akin, pero kaagad ding nag-iwas ng tingin. "Itong damit ang isuot mo," anang nito, na mabilis na ring umalis. Pero huminto ito nang nasa may pinto na ito. "Next time mag-lock ka ng pinto, okay," paalala nito bago tumalikod. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil kinabahan ako na hindi ko mawari. Parang may malaking drum na tumatambol ngayon sa loob ng dibdib ko. Pero dahil kailangan ko nang magmadali, mabilis kong binuksan ang paper bag na dala ni Kuya Robert. Isang pulang dress na sleeveless ang tumambad sa akin. Simple pero mukhang maganda. Hindi ako nagpatumpik-tumpik pa. Alam kong sexy ako kapag naka-dress na sexy dahil sa magandang kurba ng katawan ko. At hindi nga ako nagkamali. I look sexy— chubby pero sexy. Pero sabagay, hindi na rin naman ganoon kabilog ang pisngi ko. Naglagay ako ng kaunting pressed powder at lip tint. Regalo sa akin ni Tita. Sa totoo lang, napakasuwerte ko kina Tita Annie. Hindi ko naramdamang iba ako sa kanila mula nang ampunin ako ni Tita. Kaya nga ginagawa ko ang makakaya ko para tulungan ito. At siyempre, ginagalingan ko lagi ang pag-aaral ko. Pagdating ko sa salas, hindi nakaligtas sa mata ko ang titig sa akin ni Kuya Robert. Titig na pakiramdam ko, maganda ako. Napakaganda ko kaya't kaagad nag-init ang mukha ko. "Naku, ang ganda naman ng dalaga ko," masayang lintaya ni Tita Annie na tumayo pa saka lumapit sa akin. Hinawakan nito ang makabilang balikat ko. "Totoo, Tita?" ani ko upang itago ang kabang nararamdaman ko. "Oo nga, hindi ba, Robert?" baling nito kay Kuya Robert na tila nagulat pa. "Oo. Maganda." Tipid nitong sagot, kaso nainis naman ako dahil hindi man lang ito ngumiti nang sabihin 'yon. "Parang hindi naman po, Tita." Kunwari'y maktol ko pa. "Parang di ka pa nasanay sa kuya mo, hala, sige na, lakad na kayo,"taboy nito sa amin. "Maglalakad?Ala puweding sumakay," pagbibiro ko, na ikinatawa nito. "Luko ka talagang bata ka, sige na at baka mapalo pa kita." Natatawa pa ring saad nito. Sumunod na rin ako kay Kuya Robert. Tahimik kami pareho ni Kuya Robert sa kotse nito. Siyempre, kinakabahan ako. Pero dahil ayaw kong mapanis ang laway ko, kaya nagsalita na ako. "Kuya, salamat pala sa gift mo ha. Feeling ko gumanda na naman ako ngayon," sinamahan ko ng joke para mawala ang pagkailang ko. "Bakit ba lagi mo na lang iniisip na hindi ka maganda? You're pretty, Jackie. Napakaganda mo," napalingon ako dito dahil mahina ang huling sinabi nito. "Kuya sa graduation ko ba, mag-attend ka?" pag-iiba ko nang paksa. "Oo naman." "Talaga, promise 'yan ha." Excited na saad ko, sabay tagilid paharap dito. "Pero saan pala tayo pupunta?" "Hmm, iisipin ko pa, "sagot nitong tipid na ngumiti. "Ano kaya 'yon. Pero okay rin iyon, sabi ni Tita, mas okay raw kapag nagagala nang walang direksyon, marami kang malalaman. Huwag ka lang maliligaw." "Bakit, nagagala ka ba kapag wala ako?" pasermong tanong nito. "Ha? Hindi, no, umuuwi ako nang maaga lagi, para may kasama si Tita. At hindi ako na-le-late sa pag-uwi." Pagmamalaki ko pa dito. Totoo naman iyon. Wala akong karapatang mag-gala o kaya magbarkada dahil ayaw kong mag-alala sa akin si Tita. "Mabuti naman, mag-aral kang mabuti. At huwag makipag-boyfriend." May diing dagdag pa nito. "Kapag eighteen na ako, puwede na akong mag-boyfriend?" "What, no!" paangil nitong saad na gumalaw pa nga ang panga nito. "Eh kailan puwede?" "Kapag... saka mo na isipin iyon," kumumpas pa ang kamay nito. "Oo na po, hindi ako magbo-boyfriend ng hindi kasing-pogi mo, kuya." Walang ligoy na deklara ko, sabay ngiti dito. "Saka wala rin naman nanliligaw sa akin na kasing pogi mo kaya—" "Huwag kang magpapaligaw kahit kasing-pogi ko, maliwanag." May diing utos nito. Wala naman akong planong magpaligaw sa kahit sinong lalaki. Kasi si Kuya Robert ang gusto ko. Kaso, malamang hindi naman niya ako magugustuhan. Sabi ni Tita Annie, may babaeng gusto si Kuya Robert noon pa man. At nasa New York raw ang babae. Kaya malamang na hinihintay nitong bumalik ang babae. Kaya nga kahit may lihim akong pagsinta kay Kuya Robert, baka forever na lang iyong lihim. Napakaambisyosa ko naman kung aasa ako na magugustuhan din ito. Padilim na nang makarating kami sa isang restaurant na halatang pangmayayaman. At pagpasok pa lang namin, amoy na amoy ko ang pangmayamang scent sa restaurant. Pangmayaman kasi hindi amoy karenderya. Sabi ni Tita Annie, katiwala si Kuya Robert sa hacienda na dating pinagtatrabahuhan ng ama nito. Ang amo raw nitong si Don Fred ang nagpaaral dito sa college. Dahil kinse anyos pa lang si Kuya Robert nang mamatay ang mga magulang nito. Kaya si Tita Annie na ang naging guardian nito. "Sit here, Jackie?" Nagitla pa ako sa tinig nitong nasa likuran ko lang pala. Ipinaghila ako nito ng upuan. "Kuya, hindi ba ang mahal dito? Okay lang ako kahit sa karenderya lang," mahinang saad ko na ikinangiti nito, kaya't na-star-struck na naman tuloy ang puso ko. "It's your birthday. Kaya, ayos lang. Dapat kahit mahirap ang buhay, treat yourself well kapag may pagkakataon ka." Paalala nito. Noon naman, lumapit ang waiter para kunin ang order namin. Hinayaan ko na si Kuya Robert mag-order dahil baka magkamali pa ako. Saka nakakalula rin ang mga presyo sa menu. At dahil mamahalin ang mga food, talagang masarap. Hindi ko na inalam ang mga pangalan, pero the best ang mga lasa. Matapos kumain ay tinanong ako nito kung gusto kong manood kami ng sine. Aba, siyempre, oo, kaagad ang sagot ko. Kaya nasa movie house na kami ngayon. Pero dahil madalim, nagulat ako nang hawakan nito ang palad ko para alalayan ako pagpasok namin sa sinehan.. Kaya't tumalon na naman tuloy ang puso ko sa tuwa. Para talaga kaming nagdedate ngayon ni Kuya. Pero dahil naka-sleeveless ako, nilamig ako dahil sa malakas na aircon. Kaya't nayakap ko ang sarili ko, na dahilan upang lingunin ako nito. Walang salitang itinaas nito ang armrest ng upuan sa pagitan namin. Saka ako kinabig at inakbayan. "Dapat pala nagdala tayo ng jacket," anang ni Kuya Robert, pero sa malaking screen naman nakatingin. Pero kita kong gumalaw ang lalamunan nito. Subalit nabigla ako nang lingunin ako ni Kuya Robert. "Bakit nilalamig ka pa ba?" "Ah, o... oo," kandautal kong sagot, dahilan upang lalo akong kabigin at madikit ako nang husto dito. At hindi ko napigilang singhutin ang amoy ng katawan nitong ngayon na nanunuot sa ilong ko. At sinadya kong mas isiksik ang katawan ko dito. "Heaven talaga!" tili nang utak ko habang lihim akong napapangiti. SAMANTALA. Napalunok naman si Robert sa ginawa niya. Parang may sariling isip ang mga kamay nitong basta na lang inakbayan si Jackie. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pagdating sa dalaga, wala siyang kontrol sa mga ginagawa niya. At sa bawat araw na nakikita niya ito, may kakaibang pakiramdam ang patuloy na gumugulo sa kaniyang pagkatao. Gusto man niyang pigilan, natagpuan niya ang sariling inaamoy ang ulo ng dalaga. "Damn it!" Tahimik na mura nang lalong isiksik ni Jackie ang katawan sa kaniya. Alam naman niyang manonood sila ng sine, pero iniwan niya ang jacket niya sa kotse kanina. Kaya sa buong durasyon ng palabas ay wala na doon ang atensyon niya. At hindi maganda ang kung ano'ng naglalaro ngayon sa utak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD