Kabanata 3

2025 Words
Kabanata 3  NASAPO ko ang ulo ko ang biglang kumirot 'yon. Nakapa ko ang bandage sa noo ko. Noon, nagising ang diwa ko. Sukat doon ay pabalikwas akong bumangon. "Hija," anang mainit na palad na humawak sa braso ko. Natigilan ako sa babaeng nakaupo sa gilid ng kama. Sino ba siya? Ah, oo nga pala, nabangga ako sa pagtakbo ko para takasan iyong kaibigan ni Tito Wesley. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Maliban sa kirot ng sugat sa binti ko at sa galos sa ulo ko, wala namang ibang masakit sa akin. "Sino ka po, Ma'am at—" Natigilan ako nang lumapit ang isang lalaking mukhang mestiso dahil namumula ang balat. Nakasimple na T-shirt na puti at itim na maong nakupasin. Ang laki ng muscles sa braso at malapad ang balikat na parang isang model sa magazine. Ang guwapo ni Kuya! Tili ng utak ko habang nakatitig ako sa mukha nito. Matangos ang ilong nito, may manipis na balbas na nagbibigay-diin sa jawline nito. Pero ang higit na nakakatawag ng pansin sa lalaki ay ang mga mata nitong tila gusto akong tunawin sa titig, at ang— his lips, panalo! Literal na natakpan ko ang bibig ko. Luka-luka ba ako? Ang guwapong lalaking ito ang muntik nang magdala sa akin sa langit kanina. "Ayos ka lang ba?" tanong nito na nagpalunok sa akin. Pati boses nito ang sarap sa tainga, malalim na buo, pero hindi masakit sa tainga. Suwabe kumbaga. "Ah... o..oho." Kandautal kong sagot dito. "Pinapatawagan ko ang ama mo sa nurse ka—" "Ano ho!? Naku, hindi...," sukat doon ay natauhan ako sa kabaliwan ko. Oo nga pala, kapag nalaman ni Tito Wesley na tinakasan ko ang kaibigan nitong gusto akong dalhin sa motel. Lagot ako. Pero bahala na, aalis na lang ako. Kahit maging mutsatsa na lang siguro ako kaysa ibenta ako ni Tito Wesley sa mukhang walang ligong lalaki na 'yon. Mabilis akong kumilos, subalit hinawakan ako ng guwapong lalaki. "Anong ginagawa mo?" Nag-isang linya ang makapal nitong kilay. Ang ginang naman ay napatayo. "Aalis na ho ako..." kagat labing sambit ko. Kita kong natigilan ang lalaking napatitig sa mukha ko. Gumalaw ang lalamunan nito. "Saan ka naman pupunta, hija?" usisa ng ginang. Saan nga ba ako pupunta? "Kahit... kahit saan po, Ma'am. Hindi na ako babalik sa amin. Maraming salamat na lang ho sa tulong." Kaagad kong pinahid ang luhang bigla na lang pumatak sa mga mata ko. Sinong hindi maiiyak na kailangan kong bitawan ang lahat ng pangarap ko? Pero wala akong choice kundi piliin ang mabuhay. Sa ngayon, iyon muna ang iisipin ko. Nasaan naman ba kasi ang lola ko na sinasabi ni Mama? Pero baka malamang matanda na iyon o kaya patay na rin. Basta, bahala na. Hindi ako papayag sa gagawin sa akin ni Tito Wesley. "Iyong mga humahabol sa'yo, sino sila?" Ang seryosong tinig ng lalaki ang muling nagpabalik sa ulirat ko. "Hindi ko ho alam, baka kasama noong manyakis na kaibigan ni Tito. Pinasama niya ako sa lalaki, tapos hinihila niya ako doon sa motel kasi sinuot ko daw itong dress..." Sumbong ko dito na hindi ko naman alam kung mauunawaan ako nito. "Robert, baka dapat dalhin natin siya sa police..." "Nasaan si Jackie?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tinig na iyon. Sa kung anong dahilan. Napahawak ako sa matigas na braso ng lalaki. "Kuya, ang tito ko 'yan. Ayaw kong sumama sa kaniya. Ibibigay niya ako doon sa matanda," nagmamakaawang samo ko dito. "Nasaan ang batang iyon?" anang galit na tinig ni Tito. Pero dahil mukhang walang plano ang lalaki na tulungan ako. Mabilis ko itong itinulak, sabay hila sa nakakabit na dextros sa kamay ko. Wala akong sapin sa paa, kaya dama ko ang lamig ng tiles na sahig. Pero hindi ko na ininda 'yon. Mabilis akong tumakbo patungo sa dulo, kung saan nakita ko ang exit door. Pero hindi ko nabuksan, kaya't napilitan akong isiksik ang katawan ko sa likod ng malaking kahoy na kabinet. "Jackie!" Napapikit ako nang marinig ko ang galit na boses ni Tito Wesley. "NASAAN siya?" ang galit na bungad ng tila lasing na lalaki nang pumasok ito sa ward na kinaroroonan namin. Hindi ko alam kung bakit tila ako nawala sa sarili ko habang nakatitig ako sa mukha ng dalagang iyon. Pero dahil sa boses ng lalaking galit, saka ako natauhan. "Kayo ba ang nagdala sa kaniya dito ha?" Nagpagting ang tainga ko sa sigaw nito, sabay duro sa akin at binalingan pa si Tita Annie na napaatras naman. "Ikaw?!" singhal nito,"arayyyy putang—" mura nito nang pilipitin ko ang daliri nitong nakaduro kay Tita. "Ahhggg, bitiwan mo ako..." utos nitong halatang nawala ang kalasingan. Noon naman dumating ang isang matandang lalaki at kasunod nito ang dalawang lalaking nakita kong humahabol sa dalaga kanina. Mukhang hindi nagsisinungaling ang dalaga sa sinabi nito. "Hayop!" mura nang lalaki na pulang-pula ang mukha. Mabuti na lang at walang masyadong pasyente. "Umalis iyong babae nang walang paalam. Mukhang takot na takot siya. Anong ginawa mo sa kanya?" Tila noon natauhan ang lalaking nagwawala. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Umiwas ang tingin na tanggi nito. "Pero ang sabi niya, may matandang gusto siyang ipasok sa motel. Totoo ba?" "Sino ka bang pakialamero ka ha? Dayo ka lang dito." Pagtapang-tapang na saad nito. "Ako? Ako ang tatawag ng mga pulis para maimbestigahan lang ito. Alangan namang magbayad kami dito sa hospital kung kayo pala ang may kasalanan sa nangyari," kalmado niyang saad, saka inilabas ang phone. Kita ko ang pagkataranta sa mukha ng mga ito. Lalo na ang matandang lalaking bigla na lang umatras. "Hoy, Wesley, ipapahamak mo pa ako, letse ka! Bayaran mo ang utang mo, buwisit ka! Dalhin mo sa akin ang pera bukas na bukas din kung ayaw mong—kusa nitong binitin ang sasabihin saka ako binalingan. Nagmura pa ito at dumura sa sahig na tiles sabay talikod. "Pare, sandali lang," tarantang habol ng lasing na lalaki sa matanda. "Hanapin natin ang bata," dinig kong saad nito. Natagpuan ko ang sarili kong naglalakad patungo sa direksyong tinahak ng babae. Exit door na iyon. Subalit nang buksan ko, nakasara ang pinto. Paalis na sana ako nang marinig ko ang mahinang hikbi sa isang sulok. Noon ako lumapit sa cabinet. At sa madumi at maalikabok na awang sa likod, naroon ang dalagang tahimik na umiiyak. "Ayos na, lumabas ka na diyan," agaw-pansin ko dito. "Kung magtatago ka, huwag kang umiyak na parang bata. Maririnig ka nila," saad ko pa. Noon, ito tila na-relieve nang makita ako. Tumitig ito sa akin. "Wala na sila," sagot ko sa tanong na naglalaro sa inosenteng mga mata nito. Napuno ng alikabok ang damit nito, maging ang buhok nito, at nalagyan ng agiw mula sa maduming sulok. "Maraming salamat, Kuya." Nakayukong sambit nito. "May mapupuntahan ka ba?" tanong ko dito. Mabagal itong umiling. Sa edad nito, mukhang wala pa itong alam sa buhay. "Ilang taon ka na ba?" "Kinse pa lang ho, Kuya." "What!?" Di ko napigilang bulalas. Hindi ko alam kung disappointed ba ako o ano. Pero dama kong pagbangon ng galit sa dibdib ko. She's just fifteen, pero gusto na niyang gawing pambayad ng utang ng tiyuhin nito. "Kung wala kang mapupuntahan, gusto mong tumira sa bahay ko?" Kapwa kami napalingon kay Tita Annie na sumunod pala sa akin. "Ho? Pe-pero..." Bakas ang pag-aalangan sa mga mata nito. "Ayos lang ho ba? Kaya ko naman hong magluto, maglinis at maglaba. Marunong ho ako sa mga gawaing bahay. Basta huwag n'yo lang akong ibalik kay Tito Wesley," samo nito. "Gagawin ko ho kahit anong utos n'yo,"naiiyak na namang saad nito. "Pero kinse anyos ka lang, child labor 'yan." Sagot ko na, ikinalungkot nito. "Ah..." matamlay na sagot nito, pero ngumiti rin ito. "Di bale ho. Maraming salamat pa rin sa tulong n'yo. Kaya lang, wala ho akong pambayad dito sa ospital." Kinakabahang saad nito. "Kung gano'n, sumama ka sa amin. Mas ligtas ka kaysa sa kalsada ka magpagalagala," suhestiyon ko dito. "Ayan, sumama ka na sa amin. Magiging maayos ang lahat." Pag-aassure ni Tita Annie dito. Saka hinawakan ang kamay ng dalaga—dalagita lang pala. "Jackie nga ba ang pangalan mo, hija?" "Opo, ako po si Jackie, Jackilyn Soriano," mahinang pakilala nito. Nagpakilala na rin si Tita Annie dito. "Tita Annie na lang, at siya naman si Robert. Ang pinakagwapo kong pamangkin." "Kayo rin ho maganda, Ma'am..." "Ma'am, hmp?" "Ah Ti-tita Annie." Alanganing saad nitong ikinangiti naman ni Tita. Mukhang masaya ito dahil may makakasama na ito sa bahay kapag wala ako. Kahit ako ay mapapanatag na rin at hindi mag-aalala dito. "Tara na, magbiyahe pa tayo," saad ko, na ikinatango nito. Bagaman nasa mukha nito ang pag-aalangan, kusa itong sumunod sa akin. NAGISING ako kinabukasan nasa isang maliwanag na silid na ako. Tanda ko, bumibiyahe pa rin kami kahit gabing-gabi na. Pero ngayon nandito na ako sa isang kuwarto. Kaamoy ng guwapong lalaki ang kumot. Maging ang unang ginagamit ko. Sukat doon, napabalikwas ako nang bangon. At kuwarto ni Kuya Robert ang silid na kinaroroonan ko. Hindi ko kailangang hulaan dahil may larawan doon ni Kuya Robert. Sa tabi ng picture frame nito, may bola ng basketball na nakasabit sa net. Sa tokador na nasa tabi ng kama. May dalawang family pictures; ang isa, tatlo ang naroon sa picture , graduation picture sa elementary, kasama ng isang babae at isang lalaking kamukha ni Kuya Robert. Ang isang frame naman, ito at si Tita Annie. Babangon na sana ako nang bumukas ang pinto. Si Tita Annie pala, matamis ang ngiti nito sa labi. "Good morning, hija. Gutom ka na marahil. Halika na, sabayan mo kaming mag-almusal." Pagbaba namin, naroon si Kuya Robert na naghahanda ng pagkain sa mesa. Bagong ahit na ito, kaya lalo itong gumuwapo. Bagay dito ang puting kulay ng damit. Lalo't fit kaya't bakat ang muscles nitong namumutok. "Good morning." Matamis ang ngiting bati nito. Kaya para tuloy nagkaroon ng liwanag sa paningin ko ang mukha nito. Bukod sa pogi na, napakabait rin ni Kuya. "Maraming salamat ho," sambit ko nang kakain na kami. "Kagabi ka pa nagpapasalamat. Kumain ka na. Bibili tayo ng damit mo." Seryoso ang mukhang saad nito. "Robert, akala ko ba. Aalis ka na, hindi ka ba hahanapin ni Don Fred?" "Tinawagan ko na siya kanina. Ayos lang naman daw. Sasamahan ko muna itong si Jackie. Kailangan niya ring mag-enrol malapit na ang pasukan." Napanganga ako sa sinabi nito. "Pag-aaralin n'yo rin ho ako?" Nag-init ang matang tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. "Ang mga bata dapat nag-aaral dahil bata ka pa. Mag-aral kang mabuti." Paalala pa nito. Sadyang masuwerte ako sa mga taong nakilala ko ngayon. Matapos kumain ay inabutan ako ni Tita Annie ng beige na kukay na bistida at shorts na maikli. Sa banyo sa kuwarto ni Kuya Robert ako naligo at nagbihis. Nilabhan ko na rin ang panty ko at isinabit ko sa tapat ng electric fan para matuyo. May shorts naman ako, kaya ayos na nang wala munang panty. Pagbaba ko, nakita kong napatitig sa akin si Kuya Robert. Tila ba ito nagulat. "Ahm..." tumikhim ito sabay iling, "Tayo na," yakag nito sa akin. "Si Tita ho ba, hindi sasama?" usisa ko nang palapit na kami sa sasakyan nito. Mayaman ata sina Kuya kasi may kotse sila at maganda ang bahay nito. Ipinagbukas ko nito ang pinto. "Tayo lang. Masakit daw ang likod niya. Napagod siguro sa biyahe," sagot nito bago isinara ang pinto sa tabi ko. Tahimik kami sa biyahe. Hanggang sa makarating kami sa isang malaking mall. Dinala ako nito sa department store. At halos malula ako sa dami ng magagandang damit. "Kuya, di ba mahal dito?" mahinang saad ko. "Puwede na ako sa mga damit sa palengke." Subalit nagulat ako nang umangat ang kamay nito sa ulo ko, saka ginulo ang buhok ko. "Ang magagandang dalaga dapat magaganda rin ang damit." Nakangiting saad nito na ikinatigil ko. "Maganda... ako?" Wala sariling saad ko. Napahinto rin ito at kumunot ang noo. "Oo naman. Maganda ka," seryosong sagot na nagpainit sa puso ko. Pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang paggalaw ng lalamunan ni Kuya Robert.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD