“Kenjo?” Tawag ko pagkapasok namin ni Nico sa loob ng condo unit niya. Nagmamadali akong hinanap ang kapatid ko para sabihin ang magandang balita. “Baby baka nasa loob ng kwarto niya,” ani ni Nico na bitbit ang mga grocery na binili namin. Iniwan namin si Kenjo dito dahil tulog pa siya kaninang umaga. Ayoko namang istorbohin dahil baka mairita lang at mag-tantrums. Kasama naman niya ang kaniyang nanny na si Poleng bago kami umalis. Tumungo ako sa kwarto at agad itong binuksan. Katahimikan ang bumungad sa akin. Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ko at tumakbo papunta kay Nico. “Bakit ka tumatakbo?” Tanong niya at agad akong hinawakan sa pisngi. Nag aalala itong tumitig sa mukha ko. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Si.. Si kenjo! Wala siya do’n sa kwarto!” “What?!” Dinukot

