Isang pisil sa kamay ang nagpagising sa akin. Agad kong naramdaman ang sakit sa ibabang bahagi ng katawan ko. Unti unti akong nagmulat ng mata at nakita ko si Nico na nakatungo sa kamay ko. "N-nico.." Marahas itong nag angat ng mukha at agad rumehistro ang gulat. "A-aira.." Sinubukan kong umupo at inlalayan naman ako nito. "Aira!" Lumipad ang tingin ko kay Eunice na nagaalala ang mukha. "Tatawag ako ng Doctor!" At agad itong tumalima. Naiwan kaming dalawa ni Nico at kapwa kami hindi makaapuhap ng salita. Malalim ang mata nito at may itim sa ilalim. Halata ang pagod at stress sa mukha niya. Pumikit siya at dahan dahang yumakap sa akin sabay sumubsob sa balikat ko. "I'm glad you're awake," seryosong sabi niya. "Si.. Si kenjo? Nasaan siya?" Tanong ko sa nanginig na boses. "Kenjo is

