Umalis ngayon si Den para kumuha ng mga potion para sa sample weapon na gagawin namin. Kami naman na mga naiwan ay nagsisimula nang i-set up ang mga machine sa paggawa ng baril. Sa tulong ni Denver ay lalong napabilis ang gawain namin. Nakikinig ako sa pagde-demo ulit ni Denver. Bukas kasi ay busy na ulit siya sa business nila. Next week naman ay nakaplano at book na pala siya papunta sa ibang bansa para dalawin ang kanyang kapatid. Miss ko na rin sila, pati sila Mr. Collin. "Bali ang pinakalagayan na lang ng potion ang poproblemahin natin. Kailangan makagawa tayo ng parang lagayan ng bala, kasing laki nitong item na ito." Pinakita niya ang lagayan ng bala na original na ikinakabit dito. "Isip tayo ng paraan kung paano tuluy-tuloy na maa-absorb ng LCV ang potion kapag tumusok na sa kanil

