Pagkalipas ng isang araw ay nagsisidatingan na ang mga pinapadala ni Denver na mga gamit. Ilang trucks din ang sunud-sunod na dumating para dalhin ang iba't ibang mga makina sa paggawa ng armas. Napakalaking investment ito para kay Denver kung tutuusin. Ang puhunan niya lang sa akin ay tiwala. Kung may sapat lang ako na budget ay hindi ko hahayaang libre ko lang iyan magagamit. Napakalaki pa ng building na ito at sayang kung hindi siya nakakakuha ng income dito. Nakatutuwang isipin na ginagawa lang din ng mga kaibigan ko ang pagtulong na ito dahil sa pagliligtas ng kapwa namin. Hindi ako nagsisisi sa mga napili kong kaibiganin noon. Sila rin naman pala ang makakasama ko hanggang sa huli. Nasa kabilang room ako, tinatanaw lang sila sa labas para hindi ako makita ng mga tao. Nagdodoble

