Chapter 22 - Blood Wine

1000 Words
Umalis saglit si Mio pagkadating ng kanyang mga magulang. May mga kailangan din siyang ayusin sa trabaho. Siya na rin pala ang isa sa nagpapatakbo nito. "Minlei, baka mga isang linggo si Mio sa school para asikasuhin ang mga ginagawang istraktura. Malapit na rin kasi ulit magbukas ang school. Online classes ang ginagawa namin habang hindi pa maayos ang school," saad ni Tita Michie. Nalaman ko lang din kay Mio na mayroon silang school na pagmamay-ari. Doon din ako nagtapos ng college at summa c*m laude raw kami ni Mio. Hindi na ako magtataka kung ganoon katalino ang kasintahan ko. "Ayos lang po. Wala naman pong threat sa atin dito. Isa pa, dapat naman po talaga umalis-alis si Mio para hindi po siya laging nakabantay sa akin. Gusto ko po masanay siya na hindi laging nakadikit sa akin. Mahala rin po ang oras para sa sarili. Baka po hindi na niya naaasikaso pati ang sarili dahil po sa akin," wika ko. "Naku, Iha, hindi naman mapapagod iyon kung ikaw naman ang makakasama. Hindi siya magsasawang gawin nang paulit-ulit ang mga bagay na makabubuti sa iyo," masayang sabi ni Tita Michie. "Ang swerte ko po sa anak ninyo, Tita Michie. Grabe na ang effort niya sa akin. Wala na po akong mahahanap na katulad niya. Gagawin ko rin po ang makakaya ko para mapasaya siya. Sana po ay maging maayos na ang lahat para po makabalik na rin ako sa dati at malaya po tayong makagagalaw," wika ko. "Swerte rin ang anak ko sa iyo. Iba kang magmahal. Talagang loyal at honest ka sa lahat ng bahay. Iyan ang isa sa nagustuhan namin sa iyo." Yumakap siya sa akin. Pansin ko na parang naluluha siya sa saya. Ang sarap sa pakiramdam na mahal din nila ako, kagaya ni Mio na talagang nag-e-effort sa akin. Hindi rin nila ako pinabayaan. Alam ko na kung bakit ganoon kabuti ni Mio, dahil din sa magandang pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang. Pagkatapos naming mag-usap ay bumalik muna ako sa aking kwarto para magpahinga. Medyo nainip ako kaya naisipan ko ulit lumabas. Maya-maya ay napansin ko na nawala sila Mom at Dad. Pagsilip ko sa dalampasigan ay naroon pa sila kasama na rin sila Tita Michie at Tito Geo. Napangiti na lang ako na makitang masaya sila magkakasama. Mukhang matagal na talaga silang magkaka-close. Mas naging curious tuloy ako kung gaano kami ka-close at kasaya ni Mio bago nangyari ang trahedya sa akin. Tiyak na mahal na mahal namin ang isa't isa. "Ma'am Minlei, magmiryenda na po muna kayo. Nakahanda na po ang pagkain ninyo," saad ng bodyguard ko. "Sila Mom po ba at sila Tita Michie?" tanong ko. "Busog pa raw po sila. Inuutos lang din po sa amin na pakainin ka at baka po nagugutom kayo. May inihanda rin po kaming wine na substitute sa dugo para mas lumakas ka," sagot niya. "Wine? Ngayon ko lang ata iyan matitikman. Naalala ko nga pala na mga bampira tayo. Hindi ba iyan daily iniinom nating mga bampira?" tanong ko. "Hindi po siya daily sa inyo. Mas maganda po na maka-adapt tayo sa environment ng mga tao. Dati talaga ay dugo ng mga hayop, kaso naaawa rin po kami. May mga pasaway na bampira na tao ang puntirya dahil mas masarap talaga ang dugo nila. Kaya po naimbento ang wine na iyon ay para maibsan ang pagkauhaw natin sa dugo. Kalasa siya ng dugo pero wine lang talaga siya. Healthy rin po iyan para sa atin. Pwede naman pong daily kaso hinihikayat po ng mga nakatataas na masanay na hindi ito lagi iniinom," paliwanag niya sa akin. Tumango-tango ako. Mayroon pala na ganoong klase ng inumin. Ano kayang lasa nito? Alam ko ay maalat ang dugo. Hindi pa man ako nakatitikim, para na akong nauuhaw dito. Excited na akong matikman ito at mas lumakas. Sumunod na ako sa kanya papunta sa dining area. Nakahanda na nga ang mga pagkain ko. May pulang wine na nakalagay sa gilid ng glass ko. "Blood wine po ang tawag diyan, Ma'am Minlei. Sana po ay magustuhan ninyo sa unang tikim," saad ng aming kasamahan. Unang tikim ko ito mula nang magkamalay ako. Hindi na ako familiar sa lasa. Ni hindi ko nga matandaan na umiinom ako ng ganitong klase ng wine. Naglagay na sila sa aking glass. Dahan-dahan ko itong inangat at tinikman. Nakaramdam ako na naghihilab ang aking tiyan. Mas lalo akong nauhaw kaya tinungga ko na ang lahat ng ito. Nang maramdaman ko na ang pagkalma ko, napatingin ako sa kanila na mukhang nag-aalala. Ngumiti din agad sila pagkatapos kong lagakin ito. "Masarap siya," saad ko. Parang gusto ko pa nga kaso bawal nga pala na laging umiinom nito. Baka makasama pa sa akin. Sila nga ay nagtitimpi, mas lalo dapat ako. "Mabuti na lang po at nagustuhan ninyo iyan. May kaunting pait lang dahil wine po siya. Worth it naman po iyan pagkainom," saad ng bodyguard. "Oo nga po e. Gusto ko pa nga po kaso hindi nga pala pwede na marami ang intake. Mas maganda siguro kapag hindi na tayo dependent sa ganiyan para walang gulo sa mga tao," wika ko. "Hindi po siguro mawawala ang pagkauhaw sa dugo. Kaya po talaga naimbento iyang wine ay para may pamalit po tayo at hindi na makapurwisyo sa iba. Kailangan din po natin iyan para mas lumakas. Magsabi lang po kayo kung gusto po ninyo. Mga twice o hanggang lima lang po pwede sa isang buwan," paliwanag niya sa akin. Sabagay, may punto nga naman siya. Ang bampira ay bampira pa rin. Buti nga ay nakaka-adapt pa kami sa mga tao. Maganda ito para magkasundo ang dalawang panig. Kapag maayos na ako, tutulong ako sa para maisaayos ang dalawang panig. Sana ay wala na ring mga masasamang bampira para matigil na ang pagdamay sa mga inosente. "Gusto ko pong tumulong sa pagbabati ng mga tao at bampira. Ano po kaya ang maitutulong ko?" wika ko. Nagkatinginan ang mga kasamahan namin. May nasabi ba akong nakagugulat sa kanila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD