Chapter 21- Mother's Love

1009 Words
Nagising ako sa paghaplos ni Mom sa aking pisngi. Agad siyang napangiti nang maalimpungatan ako. "Magandang hapon, Minlei. Sobrang himbing mong matulog. Nagising pa ata kita. Pasensya na ha?" saad ni Mom. "Hapon na po? Late na rin po kasi ako nakatulog. Hindi po ba normal lang ito para sa ating mga bampira?" tanong ko. Nginitian lang ulit ako ni Mom. Sagot niya, "Depende rin sa iyo. Kasi kami ng Dad mo ay sa gabi natutulog. Nakasanayan lang din gawa ng trabaho. Marami tayong employees na mga normal na tao. Kailangan namin mag-adjust sa kanila." Oo nga pala, ano? Nakalimutan ko na mayroon nga pala kaming kumpanya. Marami kaya kaming trabahador? "Ang galing po natin. Nakapag-a-adjust tayo sa gusto nating oras. Gaano po ba kalaki ang ating kumpanya?" wika ko. "Isa sa pinakasikat sa bansang ito ang kumpanya natin. Marami na rin tayong branches sa iba't ibang bansa. Kaya rin maraming galit sa atin, marami tayong resources o mga yaman na pwedeng gamitin laban sa kanila," sagot ni Mom. Speechless ako sa nalaman ko. Ganoon pala kami kayaman? Paano ko na-manage iyon nang nawala sila noon? Base kasi sa kwento ni Ate Minari ay two years ding hindi nagpakila sila Mom at Dad. "Paano ko po kaya iyon na-manage noong nawala po kayo?" kuryosong tanong ko. Nanlaki ang kanyang mga mata. Tanong niya, "Paano mo nalaman iyan? Bumalik na ba ang mga alaala mo?" "Mom, para naman po kayong kinakabahan niyan," natatawang sabi ko. "Pahapyaw po kasing kinuwento sa akin ni Ate Minari ang mga nangyari noon. Sinisisi niya po ang sarili niya kaya napunta po kami sa topic na iyan. Gusto ko lang po ipaalala sa kanya na ang nakaraan ay nakaraan na. Kung ano man po ang masasamang nangyari o mga pagkakamali noon, madali naman po iyon mapatawad. Mas mahalaga po sa akin na buo tayong pamilya." "Sobrang natutuwa ako na ibang-iba na ang maturity mo ngayon. Sigurado ako na gumaan ang loob ng iyong kapatid. Matagal na niya kinikimkim ang sakit sa mga nangyari noon. Sinisisi niya talaga ang sarili niya. Ginagawa rin namin ang lahat para mapagaan ang loob niya," sambit ni Mom. "Buti nga po natanggap ninyo siya sa pamilya natin. Ang tatag po ninyo para makaya na may anak si Dad sa iba," saad ko. "Actually, mahal na mahal ko lang talaga ang Dad mo kaya talagang tinanggap ko. Nagkamali ang Dad mo pero bumawi naman siya sa atin. Ayaw tanggapin ng mom ni Minari ang sustentong binibigay ng Dad mo kaya palihim na lang siyang tumutulong at aware naman si Minari noon," saad niya. "Iba talaga ang pagmamahal mo, Mom. Ipinaglaban mo talaga si Dad. Masaya ako na kahit ganiyan ang nangyari, tanggap ninyo si Minari at tanggap niya rin po kayo," masayang sabi ko. Kahit na wala akong maalala, iba talaga ang lukso ng dugo. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng aking ina. Hindi niya ako pinapabayaan, lagi siyang nag-aalala sa akin. Naiisip ko na ang swerte ko sa mga nakapaligid sa akin. Lahat sila ay suportado sa akin. Mayroon kaya akong kaibigan na naiwan? "Ganoon talaga kapag nagmahal. Pero masasabi ko sa iyo na napakabuti talaga ni Minari. Sana ay hindi magbago ang tingin mo sa kanya ngayon. Ginagawa niya lang din talaga ang lahat para sa atin. Halos isakripisyo niya ang buhay niya para lang iligtas kami," saad ni Mom. Itinuring na rin naman ni Minari na parang sariling ina si Mom. Kahit na matagal kaming nagkahiwalay, hindi niya naisip na angkinin ang aking mga magulang. Tanging pagtulong lang ang nasa isip niya. Sinisisi niya pa nga ang sarili niya sa mga nangyari sa akin, pero ang totoo, desisyon ko rin naman ang talagang nagpahamak sa akin. "Hindi naman po siguro magbabago ang tingin ko kay Ate Minari. Napakabuti niya po sa akin at mas inuuna pa nga po niya ang kapakanan ko. Medyo nahiya lang po siguro siya noong una. Akala niya po siguro ay hindi ko siya matatanggap bilang isang kapatid," wika ko. "Kaya nga, Minlei. Worried nga rin kami ng Dad mo na baka hindi mo matanggap na mayroon kang kapatid sa ama. I'm glad that both of you are getting closer na. Sana ay magtuluy-tuloy na ang pagiging mag-ate ninyo," saad ni Mom na parang tunog umaasa. Nagtataka pa rin ako kung bakit worried sila sa pagbabalik ng mga alaala ko, lalo na sa magiging trato ko kay Ate Minlei. Sa pinapakitang kabutihan sa akin ni Ate Minlei ay alam kong kahit bumalik ang mga alaala ko ay hindi magbabago ang pananaw ko sa kanya. "Mom, don't worry too much. Huwag ninyong isipin na masisira ang samahan natin dahil lang sa nakaraan. Lagi ninyong tatandaan na dapat mas mag-look forward tayo sa future. Gawin na lang nating aral ang mga alaala noon. Sino ba namang hindi gugustuhing buo ang pamilya, hindi po ba? Masaya ako na magkakasama na tayo," pagbibigay assurance at motibasyon ko kay Mom. Para talaga siyang naiiyak kaya sobrang pagko-comfort ang binibigay ko sa kanya. May tiwala naman ako sa kanila na hindi sila maglilihim ng kung ano man sa akin. Anak nila ako kaya kahit mawalan ako ng mga alaala ay hindi nila gagawin o itatago ang anumang ikapapahamak ko. "Sana ay laging manaig ang kabutihan sa iyong puso tulad mo noon. Gagawin ko ang lahat para hindi ka na muling mapahamak. Hindi ko kayang makita na nahihirapan ka nang dahil sa pangyayari noon kaya as much as possible ay iwasan mo nang alalahanin ang nakaraan. You can always start a new life, Minlei. Mas mahalaga ang future, lagi mo iyang tatandaan. Basta narito lang kami ng pamilya mo para sa 'yo. Araw-araw naming ipaglalaban ang kahalagahan ng buhay mo." Yumakap pa siya nang mahigpit sa akin. Hindi ko tuloy makita ang reaction ng kanyang mukha. Ayaw na talaga nila akong mahirapan tungkol sa nakaraan. Naiintindihan ko naman iyon at baka makasama lang sa akin kapag naalala ko pa. Tama siya na hindi ko na dapat pa iyon iniiip. Kung babalik man ang alaala ko, magiging leksyon na lang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD